Chapter 118

25 4 0
                                    

Chapter 118

ANG nakarating na balita kay Emperador Hen Hao tungkol kina Ouyang at Li Yong ay napaslang na ang mga ito. Pero isa lamang pagpapanggap iyon dahil ayon sa ulat sa kanya ni Yue Guang ay buhay na buhay ang mga ito at nakita nito ang dalawa kasama ang isang babae. Ilang oras pa nga at matapos malaman ang balitang iyon ay dumating na si Lie Feng, kasama sina Ouyang, Li Yong at ang tinutukoy na babae. Takang-taka ang emperador kung sino ang babae pero nang ipakilala ni Lie Feng na ito si Sui Hao ay nagulat ang mga ito.

"Lie Feng, si Sui Hao ay isang lalaki at naging Punong Ministro ng Yu. Paanong—"

"Noong nasa Daocheng pa lang tayo, sinabi na sa akin ni Yi Jian ang tungkol sa natuklasan niyang pagkatao ni Sui Hao. Matagal niya rin tinago ang tungkol sa kaalamang iyon dahil alam niyang magagamit niya ang sekretong iyon ngayon. Sinabi sa akin nina Ouyang at Li Yong na hindi nagawa ni Sui Hao na galawin si Yi Jian dahil sa sekretong iyon."

Napatango-tango naman ang emperador. Hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala sa natuklasan pero kailangan na munang ipagpaliban iyon dahil meron pang isang mahalagang ulat ang nakarating sa kanya.

"Si Tian Chang ay nanggaling dito kanina at iniulat niya na sina Haring Kai at Yi Jian ay wala sa loob ng palasyo, naglalakbay sila palabaas ng imperyong ito."

"Tian Chang? Nakarating na siya dito?" Hindi makapaniwalang tanong ni Sui Hao. "Kamahalan, nasaan na siya ngayon?"

"Kanina nang banggitin ko ang pangalan ni Tian Chang ay nabigla ka rin. Ano ba talaga ang ikinababahala mo sa paglapit niya sa kampo namin?" Tanong ni Lie Feng.

"Kamahalan, hindi kayo maaaring lubos na magtiwala sa kanya."

"Bakit? Maaari mo ba kami bigyan ng magandang rason?" tanong ng emperador.

Bumuntong-hininga naman si Sui Hao. "Naaalala niyo ba ang naganap na malawakang pagpatay sa mga tao ng Qingrong?"

"Hindi ba at ikaw ang may kagagawan niyon?" sabi ni Ouyang. "Mula nang pakawalan ka ni Yong shaoye at saka naganap ang malagim na pangyayari na iyon. Sinugod si Yi shaoye ni Qiang Dou kasama ang ilan pang mga kasama nito. Hindi man namin nahuli nang buhay ang pasimuno ng pamamaslang roon pero malinaw na ikaw ang may gawa niyon. Nais mo muling kamuhian ng mga tao si Yi shaoye katulad ng ginawa mo noon sa reputasyon ni Ji Jiangjun."

Napatitig si Sui Hao dito pagkuway kay Li Yong na kakikitaan ng kawalan ng tiwala sa kanya. Hindi naman niya masisi ang kinilalang anak kung ganito man ang iisipin nito sa kanya.

"Inaamin ko ang mga naging kasalanan ko noon kay Ji Jiangjun at kay Yi Jian, oo, binalak ko siya ulit na paslangin. Ginamit ko si Li Yong para mapakawalan niya ako. Sa pagtakas ko ay dala ko ang pagkamuhi ko sa kanya at habang naglalakbay ako papunta sa kahariang ito ay nag-iisip na ako kung paano ko siya mapapaslang. Balak kong gamitin ang sarili kong kapatid para maging tulay sa tuluyang pagkamatay niya pero lahat ng mga plano ko ay hindi kailanman matutupad dahil hinaharangan na iyon ni Haring Kai. Magmula nang malaman niyang dinukot ko kayo, si Yi Jian at dalhin sa kabundukan ng Shan ay namuhi na siya sa akin, hindi na siya nagtitiwala sa akin dahil natatakot siyang baka muli kong gawan ng masama si Yi Jian. Nang dumating si Yi Jian sa palasyo, mas lalong naging mahigpit sa pagbabantay ang mga guwardyang inatasan ni Haring Kai para bantayan si Yi Jian sa panganib na dala ko." Napangiti siya. "Magmula nang makatakas ako ay kailanman hindi ko na siya ginawan ng masama."

"Ang tungkol sa Qingrong. Anong gusto mong sabihin doon?"

"Ang mga lalaking nagtungo roon at nagpanggap na taga-Qingrong, hindi ako ang may kagagawan niyon." Tumingin siya kay Lie Feng. "At ang tungkol sa nangyaring pananambang kay Yi Jian noong una silang nagkita ni Liu Xue. Inaamin kong ako nga ang nagbigay ng impormasyon kay Liu Xue tungkol sa muling pagkabuhay ni Ji Jiangjun pero ang mga lalaking nakaitim na siyang nakalaban niyo, wala akong alam tungkol doon. Nasisiguro ko rin na walang alam si Haring Kai tungkol kay Yi Jian noon."

Unwritten MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon