Chapter 69

24 6 0
                                    

Chapter 69

NAKAUPO ng pa-indian seat si Yi Jian sa labas ng kanyang tahanan. Iniisip niya ang mga sinabi ni Liu Xue tungkol kay hari ng Chu at Guwen. Wala siyang ideya kung anong meron dito pero pagtutuunan niya muna ng oansin si Guwen. Kung tama ang hinala nito nandito sa kaharian ng Yu si Guwen at hanggang ngayon ay nasa paligid pa rin nila, ibig sabihin lang niyon ay nasa panganib pa rin ang buong kaharian dahil maaari nitong gamitin ang kahit na sinong malapit kay Lie Feng para mapabagsak ito.

Pero ayon sa mga nalaman niya ay orihinal na nanggaling ang mga pulang bulaklak sa dalawang manggagamot, ginagamit ng mga ito iyon para pag-ekspirimentuhan. Iligal nga lang ang pagsasagawa ng experiment ng mga ito dahil ginagamit ang mga bata bilang guinea pig. Iyon ang dahilan kaya sinalakay ni Dou Ji ang bundok ng Shiti para sugpuin ang mga ito. Nagtagumpay ito, namatay ang mga manggagamot at nailigtas ang mga bata. Ang mga pulang bulaklak ay sinunog nito at siniguro na walang matitira. Pero makalipas ng ilang tao ay biglang may lumabas ulit na pulang bulaklak. Obviously, ginamit ng kung sino ang mga pulang bulaklak para makapaghiganti kay Dou Ji.

Hmm, posibleng kamag-anak ng dalawang manggagamot ang may salarin. Anak kaya nila? Kapatid?

Nag-cross arm siya saka napatingin kay Qingxing na nasa tabi niya at natutulog. Hinaplos niya ang ulo nito saka napangiti. Sabi ni Lie Feng sa kanya ay halos twenty years old na pala ang aso na ito. Marami na itong nakita at narinig. Kung sana ay puwede niyang makausap ang aso para tanungin kung kilala nito si Guwen ay ginawa na niya.

Mayamaya lang ay biglang dumating si Lie Feng. Itinaas nito ang hawak na alak sa kanya pagkuway napangiti.

"Sigurado kang gusto mong uminom ng alak?" tanong niya nang makaupo ito sa tabi niya. "Madali kang malasing kaya—"

"Sino ang may sabi na madali akong malasing?" Natatawang sinalinan nito ang dalawang baso.

"Noong nasa palasyo tayo ng Han, nag-inuman din tayo pero parehas kayo ni Xiao Hen na bumagsak dahil sa kalasingan. Kinailangan ko pa kayong—"

"Binuhat mo ako habang ang kamahalan ay gustong magpakarga sa 'yo, tama ba?" Inisang lagok nito ang laman ng baso.

Nanlaki naman bigla ang mga mata ni Yi Jian. "Ikaw! Hindi ka talaga lasing ng gabing iyon at nagpanggap ka lang?"

Nakakalokong tumango ito pagkuway tumingin sa kanya. "Ang kamahalan ang siyang madaling malasing at hindi ako. Alam ko na siguradong siya ang aalalayan mo kapag nakita mong lango na siya sa alak. Hindi ko hinayaan na mangyari iyon kaya nagpanggap ako na lango rin sa alak at ginawa ko na ang ginawa ko sa 'yo noon."

Napahilamos na lang ng mukha si Yi Jian. Ibig sabihin ay naisahan pala siya ng lalaking ito noon pa man!

"Pasensya na at sinalamantala ko ang kabaitan mo noon. Hindi ko lang mapigilan ang sarili ko na halikan ka."

"Tss, ano pa ba ang magagawa ko? Tapos na rin naman iyon saka higit pa sa halik ang ginawa mo sa akin bago mo ako pinakawalan." Namumula ang mukha na sabi niya pagkuway ininom na rin ang alak sa baso.

Natawa na lang ito pagkuway lumapit sa kanya at kinagat ang tainga niya. "Lie Feng!" Galit na tinawag niya ang pangalan nito pero mas lalo lang itong tumawa dahil pulang-pula ang mukha niya. Tinapik nito ang hita at inaaya siyang humiga doon. Sumunod naman siya agad pero kinuha niya ang kamay nito at mariin niyang kinagat ang laman sa palad nito. Napaigik ito sa sakit pero ngumiti lang din pagkatapos. "Napag-isipan mo na ba ang tungkol sa suhesyon ng mga ministro para kay Liu Xue?" Bigla ay naging seryoso ang boses niya.

"Nag-aalala ka talaga sa kung anong hatol ang ibibigay ko sa kanya?"

Hindi sumagot si Yi Jian. Muli niyang kinuha ang kamay nito at itinakip iyon sa mga mata niya.

Unwritten MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon