Chapter 56
"JI JIANGJUN? Ang dating jiangjun ng Yu ay nasa palasyo ngayon?" Naninigurong tanong ng Huang Taihou matapos iulat ng kanyang tagasilbi ang nangyayari ngayon sa palasyo.
"Narinig ko ang usapan ng ilang mga guwardya sa entrada. Kasama ni Lie Feng ang dating jiangjun nang pumasok dito. Pero hindi maganda ang kalagayan nito. Abala ngayon ang maharlikang manggagamot ng emperador para asikasuhin si Zhan Dou Ji."
Biglang napangisi ang Huang Taihou. Tumayo siya pagkuway tiningnan ang sarili sa salamin. "Ihanda niyo niyo ang palanquin, nais kong magtungo sa kinaroroonan ng dating jiangjun."
Sumunod naman agad ang tagasilbi. Ilang saglit pa nga ay nakarating na siya sa silangang bahagi ng palasyo kung saan naroon ngayon si Dou Ji. Gamit ang isang tagasilbi niyang yumukod para maging hagdan ang likod nito ay bumaba siya sa palanquin. Mula sa labas ng isang silid ay nakita niya ang emperador at ang manggagamot nito, seryoso ang pinag-uusapan."Sa katigasan ng ulo meron si Ji Jiangjun, siguradong gagawa siya ng hakbang para makabalik sa Jinhuang. Mas maigi nang gawin mo ang bagay na iyon sa kanya pero siguruduhin niyo na magiging maayos pa rin ang kalagayan niya."
"Masusunod kamahalan."
"Sobra-sobra naman yata ang ipinapakitang malasakit ng aking anak para sa dating jiangjun." Nakangiting sabi ni Huang Taihou nang makalapit na sa mga ito. Nagbigay-pugay naman ang mangagamot sa kanya at ang emperador ay binati siya.
"Ina, anong ginagawa niyo dito?"
"Nais kong tingnan ang kalagayan ng dating jiangjun, maaari ba?"
Napatingin ang emperador sa manggagamot. Nais na iutos para huwag itong palapitin kay Ji Jiangjun dahil alam naman niya ang galit nito para sa dating jiangjun dahil sa ginawa nito kay Guan Song. Magsasalita sana ang manggagamot pero biglang bumukas ang pinto at iniluwa niyon sina Lie Feng, Sui Hao at Li Yong. Mabilis naman nagbigay-pugay si Lie Feng matapos na ipaalam sa dalawang kasama na isang Huang Taihou ang nasa harapan.
"Maaari na ba akong pumasok sa loob?" Nagpipilit pa rin siya para makita nag kalagayan ni Ji Jiangjun. Nais niya na pagtawanan ang kalagayan nito at sa mga sinapit nitong karma dahil sa ginawa nitong pagsira sa mga plano niya at sa pagpatay sa kanyang kapatid.
"Hindi kaaya-aya ang kalagayan ngayon ni Ji Jiangjun, Huang Taihou. Nangangamba ako na maging bangungot para sa inyo kung makikita niyo ang anyo ng jiangjun." Si Lie Feng ang nagsalita.
Si Emperador Hen Hao naman ay nakuha ang hayagang pagtanggi ni Lie Feng sa kahilingan ni Huang Taihou kaya ginatungan pa ang mga sinabi nito.
"Namamaga ang mukha ni Ji Jiangjun, may malaki rin siyang sugat sa kanyang pisngi at halos nabasag ang lahat ng ngipin niya. Ina, ayokong maging sanhi ng kalagayan ni Ji Jiangjin para maging mahina ang inyong kalusugan."
Tila hindi naman naniniwala ang Huang Taihou kaya tumingin sa manggagamot. Naintindihan naman nito agad na ayaw nilang makita nito si Ji Jiangjun kaya sumakay rin.
"Lahat ng mga sinabi nila ay pawang katotohanan kamahalan. Mas maigi kung sa ibang araw niyo na lamang siya makita."
Inis na bumuntong-hininha ang huang taihou. "Sa susunod na mga araw ko na lamang siya kikitain." Tumalikod na ito at muling sumakay ng palanquin.
Nang mga sumunod na mga araw ay tinupad ni Huang Taihou amg sinabi nito. Muli ngang bumalik sa tinitirhan ngayon ni Ji Jiangjun. Pero hindi pa rin nito magawang makapasok dahil nakabantay roon si Lie Feng, hindi rin niya gusto na makita nito ang jiangjun dahil alam niya na hindi maganda ang hangarin nito. Hindi lingid sa kanya ang interes nito para kay Ji Jiangjun kaya sa kalagayang merong ngayon ito ay siguradong sasamantalahin iyon ni Huang Taihou.
BINABASA MO ANG
Unwritten Memories
Historical FictionBL/Historical with 12 volumes. Si Yi Jian, isang modelo mula sa modernong panahon. Nasa photoshoot siya, sakay ng isang yate nang bigla ay bumagyo at inalon ang yateng sinasakyan niya. Nahulog siya sa karagatan at nang magising siya ay nasa isang hi...