KABANATA 6

386 12 0
                                    

Victoria's POV

Pinagmamasdan ko ang bawat dinadaanan namin Lugar hindi kasi ako pamilyar sa bawat sulok ng Pilipinas kahit dito ako lumaki pano lagi lang akong nasa loob ng Bahay pati pag-aaral ko online lang— teka pano naman ako makakapag-aral? E wala nga akong dala kahit ano. Ang sabi nitong lalaking pinakasalan ko paaaralin niya ako kaso paano naman niya gagawin kahit pa may pera siya e kung wala naman siyang hawak na Record ko o di balewala din. Hindi na lang ako aasa baka ang labas ko plain house wife na lang talaga bahala siya!

May napansin akong Mall, Robinson ang nakalagay sa entrance nito nilagpasan namin yon saka kami kumanan sa intersection meron din akong napansing Puregold lumagpas lang uli kami ilang minuto pa at may nabasa ako na Municipality of Cainta. Ibig sabihin ang Lugar na pinuntahan namin eh Cainta? Paglagpas namin ng kaunti merong Simbahan at sa harapan non merong Plaza lumiko kami pakaliwa Meron din kaming nadaanang tulay saka kami kumanan deretso lang ang takbo ng Motor ni  Dante hanggang bumagal ito ng palapit na kami sa  Shell Gasoline Station sa kabilang kanto naman non ay merong Bangko BDO at katabi non ang McDonald's na 24hours bukas. Lumingon sa likuran si Dante para makita kung may kasunod kami saka lumiko patawid sa kabilang bahagi ng kalsada binasa ko ang pangalan ng papasukan naming Apartment o Condominiums, Cainta Royale Place. Bumusina si Dante saka kami pinagbuksan ng gate ni Manong Guard at sumaludonpa sa kasama ko naku kung alam niya lang na Ser!al k1ller ito kasama ko tiyak magpang-abot sila.

Itinabi ni Dante sa malawak na parking lot ang Motor na sinasakyan namin.

"Baba na. Andito na tayo sa Bahay natin."  Tinukod nito ang dalawang paa sa sementadong parking lot para hindi kami matumba. Dahan-dahan akong bumaba mula sa likod ng Motor  medyo mabigat ang bag kaya kinailangan ko pang lumiyad paharap para hindi ako matumba.

Abala ako sa pagbalanse ng sarili ko ng alisin ni Dante sa safety lock ang helmet na suot ko saka nito kinuha ang bag.

"Mabigat ba?"  Kaswal na tanong nito. 

Hindi ako sumagot.

"Pagbibigyan kita ngayon dahil bagong Kasal tayo pero bukas subukan mong hindi sumagot kapag tinatanong kita, soundproof ang Unit ko kaya walang makakarinig kung sakaling mapaungol ka sa gagawin ko sayo."  Pinisil pa nito ang pisngi ko bago naglakad papasok ng Condo. Hindi naman masakit ang pagpisil ng Kapreng yon ang kaso nito naaasiwa ako kahit sabihing Kasal na kami e hindi naman sa Simbahan malay ko ba kung peke yung Judge na 'yon.

Tahimik lamang akong sumunod hanggang makapasok kami ng elevator. 5th floor ang pinindot niyang buton, walang ibang tao kundi kami lang naman kaya dumistansya ako sa kanya.

Tumunog ang cellphone niya Meron atang nag-text o nag-chat binasa niya iyon saka nag-type ng reply, sino naman kaya yung ka-chat niya, naku baka yung sinasabi nilang parukyano!

Bahagya pa akong nagulat ng tumunog ang elevator at bumukas. Napahawak ako sa magkabilang tainga ko bigla na lamang kasing bumalik yung mga eksena ng looban nila Dante ang Mansyon namin dinig na dinig ko ang sigawan at ang palitan nila ng putok ng Baril ang alam ko madaming Bantay at Tauhan si Papa pero naubos nilang Apat ang mga 'yon ibig bang sabihin ganon sila kagaling pumatay ng tao? Nakaramdam ako ng pagkahilo napatitig ako kay Dante ng hawak nito ang mga kamay ko na nakatakip sa tainga ko meron siyang sinasabi pero hindi ko marinig tanging malakas na dagundong ng puso ko ang naririnig ko ano bang nangyayari? Nagsisikip ang dibdib ko nahihirapan akong huminga.

Dante's POV

"Shit! Victoria!"  Sigaw ko ng mawalan ito ng malay habang titig na titig sa akin. Mabilis ko itong binuhat saka ako lumabas ng elevator bitbit ko ito sa mga bisig ko ano bang nangyari kanina okay lang siya ah. Kinuha ko sa bulsa ng pants ko ang susi ng Unit ko ang kaso nalaglag tip sa sahig paano ko iyon makukuha kung kalong ko ang Misis ko!

Tatlong malakas na sipa at bumukas din sa wakas ang pinto ng Unit ko agad akong nagtungo sa kwarto saka ko inihiga sa kama si Victoria inalis ko ang sandals nito binuksan ko muna ang mga bintana at binuhay ang Aircon baka nanibago o napagod lang siya sa biyahe. Nilapit ko ang kamay ko sa ilong nito para makasigurado ako kung Buhay pa siya, well humihinga pa naman kaya napabuntong hininga ako saka ko napansin na bitbit ko pa rin ang bag at helmet ko. Iniwan ko muna ito para makapagpahinga.

Ibinaba ko sa couch ang mga bitbit ko nagulat pa ako ng may kumatok sa pinto ko.

"Yes?"   Nakangiting turan ko.

"Ah, may narinig kasi akong ingay kaya lumabas ako at— ummm kailangan mo ba ng tulong para ayusin itong pintuan mo?"  Turo nito sa sirang pinto.

I strode towards the old man and smile.  "Salamat po. Kaya ko na pong ayusin 'to."

"Ganon ba. Eh bakit nga ba nasira itong pinto mo? May nanloob ba?". Usisa ng matandang lalaki. Matagal ko na itong Kapitbahay at mabait naman ito paminsan-minsan nagkakakwentuhan kami tanging caregiver lamang niya ang kasama niya sa Unit niya dahil may kanya-kanyang Pamilya ng daw ang mga Anak niya at nagkasundo ang mga ito na kuhaan siya ng Unit na matitirhan at isang mapagkalatiwalaang caregiver in short binalewala siya ng mga Anak niya.

Natawa ako sa reaksyon ng mukha nito hindi naman kasi halatang tsismoso itong Matandang ito o baka yon na lamang ang nakapagpapasaya sa kanya agn magkaroon ng kakwentuha.

"Naku Wala hong manloloob dito sa Unit ko— ummmm—."  Kailangan makaisip ako ng magandang excuse para tantanan ako nito likas pa naman sa matanda ang mausisa.  "Si Misis kasi hindi makapag-antay alam nyo na ho 'yon the labing-loving session."  Kibit-balikat ko.

Sumilay ang pilyong ngiti nito.  "Okay. Sige hindi ko na kayo istorbuhin iba pa naman ang mga Babaeng bagong Kasal kapag nabibitin baka mapadali ka niya ."  Sabay tawa nito na sinabayan ko na lang para matapos na.

Naglakad na ang matanda pabalik sa Unit nito saka ko binalingan ang sira kong pinto.

"Ayos Dante so pagurin mo pa ang sarili mo."  Usal ko. Maingat kong inangat ang sirang pinto tingin ko kailangan ko na itong ayusin para makapagpahinga na din ako.

Dante Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon