KABANATA 83

203 10 0
                                    

Dante's POV

Marami ng tao nang makarating kami sa Restaurant kung saan kami kakain ng “Eat all you can” ang kaso hindi talaga ito Eat all you can na Restaurant kaya pati si Gavin hahati ng bayad dahil siya ang nakaisip nito bilang palusot o di lulubus-lubusin na namin.

Kanya-kanyang hawak sa braso namin ang mga Misis namin parang si Roger lang ang naiba dahil halos yakapin na niya si Mona e pano ba naman ang seksi ng Wedding dress niya yun kasi ang pinili niya kaya magdusa siya sinabihan na namin na masyadong revealing un kay Mona ayaw makinig kaya kondoto akbay siya habang hawak ang paper bag kung saan nakalagay ang mga picture pantakip sa dibdib ng Misis niya.

Agad naman kaming inasikaso ng mga Waiter. Maganda ang view ng napili naming pwesto sa Restaurant kita kasi ang berdeng tanawin sa labas ng malaki nitong bintana.

“Wow! Kaganda dine! Arang lambot nire.”  Tuwang-tuwa pa si Mona habang sige ang tlbog ng pwet nito sa malambot na upuan kontodo takip naman si Roger kaya nagtawanan kami kaya siguro b@liw na b@liw ito isang to kasi nakakatuwa nga naman si Mona parang ngayon pa lang niya na experience ang lahat.

Masayang-masaya kami parang kailan lang pinagarap lang namin ang ganitong buhay yun bang kahit hindi kami nakahiga sa pera basta nakakakain kami ng maayos e okay na. Talaga palang gutom ang mga brides namin pagkalapag na pagkalapag pa lang ng mga order nila eh wala ng pansinan biglangay dumaang anghel at si Misis nakadalawang plato pero si Mona ang malupit! Apat na plato na ang nauubos niya pero humirit pa sayang daw kaso ang eat all you can kaya napapailing na lang si Roger ang hindi alam ni Mona ay 2500 kada plato ang kinakain niya ngayon pero ayos lang pera lang yan at marami kami niyan basta mabusog namin sila masaya na kami kasi tiyak namang nagpakagutom sila para lang sa eat all you can ni Gavin.

“Oi Vin hindi ka ata nakain?”  Sita ni Kuya Remus.

“Ha? Naku makita ko lang sila sakto na ako ang lalakas kumain eh sinabihan ko na kasi na mag-almusal e ayaw naman nila. Teka lapit lang ako dun sa counter nila.”

“Okay. Pakisabihan na isa pa kamong setaganang kumain ang mga kasama natin eh.”  Si Rex.

“Sure, Pare.”  Saka siya tumayo at naglakad papuntang counter.

Kunwari pa si Gavin tiyak ko naman na sasagutin niya lahat ayaw lang niyang sabihin.

“Magkano ambagan natin?”  Bulong ni Marcus habang abala ang Misis niya sa mukbang.

“Wala na paniguradong binayaran na ni Vin.”  Sagot ni Roger.

“Ganun. Talaga? Ang galante naman niya.”

“Ganyan talaga ang isang yan tahimik lang yan pero maaasahan naman.”

Inabot kami ng tatlong oras talagang sinulit nila ang eat all you can kaya ang ending hindi sila makalakad ng maayos sa sobrang kabusugan ayaw naman nilang magpakarga kasi nakakahiya daw ang dami daw tao kaya dahan-dahan lang ang ginawa naming paglakad.

“Anong amoy yon?”  Biglang tanong ni Marcus.  “Ang baho eh.”

Kanya-kanya kaming tingin sa mga kasama naming babae.

“Sakit akong tiyan Roger. K@lib@ngon man ko!”  Untag ni Mona na ikinawidang namin ni Rex.

“Naku buhatin mo na yang Misis mo Roger sasabog na daw!”

Ginawa naman niya ang sinabi ni Rex.  “Sasabog ang ano ba Pare?”

“Nagdadalang-t@e siya Pare.”  Natatawang sagot ko.

“Ha! Naku Mona ang layo ng Tierra de Alas dito!” Mabilis ang bawat hakbang ni Roger kaya binitbit na rin namin ang mga Misis namin e ano naman kung kalong namin sila sa pampublikong lugar e mga newlyweds naman kaming lahat kaya normal lang naman na buhatin namin sila.

Dante Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon