Roger's POV
“Hindi ba nakapaligo ka na, Vin?” Tanong ko ng mapansin ko ang bitbit nitong dalawang timba habang palabas ito ng Kubo.
“Oo.”. Sagot nito habang sinusuot sa paa ang tsinelas.
“E para kanino yang igib mo? Tapos ng maligo sina Daisy at Rex ah.”
“Para kay Mona, Pare.” Sagot nito saka ako nilagpasan at nagtungo sa poso.
Nagsalubong ang mga kilay ko bakit naman niya ipag-iigib ang Babaeng-lalaki na iyon? Teka nga! Sinundan ko si Gavin hanggang marating namin ang poso. Pumuwesto na ito para bumbahin ang tubig palabas ng poso ng magsalita ako.
“Umamin ka nga, Vin. May gusto ka ba kay Mona?”
Napaawang ang bibig niya sa sinabi sabay tawa. “Grabeh Pare ang advance mo mag-isip para ipag-iigib ko lang si Mona may gusto na agad? O e kung ikaw naman ang tatanungin ko bakit minamarites mo ako ha bakit nagseselos ka ba?”
Bumusangot ako sala ko siya tinabig. “Ako ng mag-iigib ng tubig niya. Umalis ka na diyan nakaharang ka pa diyan eh!”
Agad naman nitong binitawan ang tubo ng poso at humakbang paatras. “Siguraduhin mo lang na aayusin mo ang pag-iigib kasi nasa loob na siya ng banyo babaka nga kanina pa niya inaantay yan. O sige bahala ka na diyan dun na ko sa gate wala pa kasi yung mag-asawa kaya wala pa yung truck.” Saka ngumisi ng nakakaloko si Gavin. “Tingin mo ba Pare naka-home base na kaya uli si Dante? Tayo kaya kailan kaya?”
Wisinikan ko ito ng tubig kaya kontodo iwas ang loko. “Talagang nandadamay ka pa sa pagiging tigang mo ha! Dun ka na nga baka mahawa pa ako sayo ng tuluyan!”
“Wow ‘makatigang’ wagas na wagas ah! Bakit may naambunan ka na ba?”
Umakma akong ihahagis sa kanya ang balde kaya tumakbo palayo ang loko habang sige ang tawa.
Binilisan ko ang pagbomba sa poso para maibigay ko na kay Mona ang mga tubig niya. Pinuno ko ang bawat timba at sabay kong binuhat gamit ang hawakan ng mga ito saka ako naglakad tungo sa Kubo nahagip ng mata ko si Rex na masayang kalung-kalong ang Anak ng ibang lalaki talagang nahihiwagaan ako sa isang yon oo laki nga kami sa Bahay Ampunan pero parang sobra naman ata pati Anak ng iba e aakuin pa namin kaso kung trip nya yon eh kaya wala akong karapatang pang himasukan siya sa bagay na gusto niyang gawin sa buhay niya.
Maingat akong pumanhik sa loob ng Kubo saka ako dumeretso sa tapat ng banyo at kumatok.
“Hoy, andito na yung tu—.” Natigilan ako ng biglang binuksan ni Mona ang pinto mula sa mukha niya ay bumaba ang tingin ko sa leeg niya pababa sa dibdib niya hanggang sa— Diyos ko! Mahabaging langit! Itong katawan na ito ba ang pinagsasawaan ng Amain niya? H@yop yun! Wag ko lang siyang makilala at gigilitan ko talaga siya ng leeg!
“Unsay nahitabo nimo?”. (Anong nangyari sayo?) Saad nito saka niluwagan ang pagkakabukas ng pinto. Hindi ko siya maintindihan pero pakiramdam ko gusto niyang ipasok ko sa loob ng banyo ang bitbit kong mga timba kaya iyon ang ginawa ko saka ko isinalin sa malaking drum na nasa gilid lamang ng banyo.
“Nagpasingot ka?” (Pinagpapawisan ka?) Muling turan ni Mona kaya nilingon ko siya seryoso itong nakatitig sa akin. Nananadya ba talaga siya? Inaakit ba niya ako o baka nag-iinit itong babaeng-lalaki na ito tapos ako lang yung trip niya!?
“Problema mo? Magbihis ka nga! Alam mong wala ka pa namang tubig tapos nakahubad ka na diyan. Bakit trip mo ba si Gavin ha? Subukan mo lang. Umayos ka nga!” Asiwang turan ko saka ako naglakad palapit sa pinto bitbit ang dalawang timba na lalagyan ko uli ng tubig para mapuno ang drum na gagamitin niyang panligo.

BINABASA MO ANG
Dante
حركة (أكشن)PROLOGUE "Ano ng gagawin natin sa isang ito?" Tukoy ni Gavin sa Subject namin. Tinitigan ko ang walang buhay na katawan ng negosyanteng pin@tay namin. "Eh kung pugut@n na lang natin ng ulo para masmasaya!" Sabat ni Roger na mukhang tuwang-tuwa sa n...