Dante's POV
Nagbilin ako sa Guard ng Condominiums bago ako tuluyang umalis baka kasi bigla akong layasan ng Misis ko kaya maganda na ang maagap.
"Okay po, Sir. Tatawag po ako agad sa numero nyo kung sakaling umalis po si Ma'am." Nakangiting sagot ni Manong Guard.
"Salamat ho." Inabutan ko ito ng tip pampalubag-loob man lang tutal hindi na parte ng trabaho nila ang pinakisuyo ko. "Pangmeryenda nyo ho."
Lalong lumapad ang pagkakangiti nito. "Naku salamat ho, Sir!"
"Basta wag nyo hong kalimutang kontakin ako ha." Paalala ko before I start my Big bike.
"Syempre naman ho, Sir! Sige ho ingat ho kayo!" Saludo pa ito sa akin. Mabait naman talaga si Manong Ganon din ang ibang mga kasamahan nito bilang Security Guard kaya kasundo ko silang lahat.
Tumango ako. "Sige ho."
***
Madilim na ng makarating ako sa meeting place ng grupo. May kumuha daw ng Serbisyo namin para sa Araw na 'to.
Kumaway sa akin si Rex ng makita ako nitong naglalakad agad namang lumingon si Roger at nakikaway din hay naku bigla ko tuloy naalala si Victoria may pagkakapareho kasi silang dalawa- parehong isip bata.
Umurong si Gavin mula sa kinauupuang black leather couch para maka-upo ako.
"Ba't ngayon ka lang?" Tanong nito.
"Sayo ba ang yosi na 'yan, Vin?" Tukoy ko sa kaha ng sigarilyo sa ibabaw ng mesa. Tumango ito kaya kumuha ako ng isa at nagsindi. "Thanks, Pare."
"Welcome. Di mo na sinagot yung tanong ko." Kinuha nito ang lighter para sindihan ang sigarilyong hawak ko.
Hinithit ko ito sabay buga sa mukha ni Roger na abot tainga ang pagkakangiti siguro ang akala ng mga mokong na ito e nadali ko na si Misis.
"Ano ba yan Pare talagang sa mukha ko talaga ang buga ano ako exhaust fan?" Nakabungisngis pa din ito habang nainom ng beer.
I smirked. "Trapik."
"Aaaahhhh! Ang sarap ng beer! Isa pa nga Waiter!" Baling ni Roger sa Staff ng Club.
Alam ko naman kung anong gusto nitong puntuhin eh. Kinuha ko ang kalalapag pa lang na beer saka ako sumandal sa malambot na couch. Nilagok ko muna ang kalahati ng hawak kong bote ng beer bago ko balingan si Roger.
"Umayos ka Pare, Asawa ko si Victoria kaya matuto kang gumalang." Seryosong turan ko.
"Hey, wala naman akong binabanggit na Victoria diba kaya bakit naman sya nasali sa usapan natin ngayon diba." Maang pa nitong sagot.
Dumikwatro ako ng pagkaka-upo. "Sa tagal nating magkasama kilala na kita at sa ating apat Ikaw ang pinakabastos diba nakalimutan mo na ba iyon."
Tumawa lang ang dalawa.
"Ang seryoso mo naman para nakikibalita lang sa Misis mo eh ang Cute kasi niya ang sarap pisilin ng pisngi niya, saka alam ko naman na dapat igalang ko siya dahil Asawa siya ng Leader namin diba."
Hindi ako sumagot tinitigan ko lang ito ng mabuti. Bastos nga siya pero hindi naman siya sinungaling at lalo hindi siya plastik kaya tumagal din ang pagkakaibigan naming dalawa kahit na maslamang ang perwisyo na dulot nitong si Roger sa grupo namin masmadalas kasi siyang sumasabit kaya ang ending natu-torture siya ng mga kalaban at kami namang tatlo ang rescuer niya.
Tumango lamang ako.
Lumingon ako sa paligid. "Nasaan na ba ang Seserbisyuhan natin?"
Hindi na nakasagot ang tatlo ng may nagsalita mula sa Likuran ko, pamilyar sa akin ang boses nito kaya nilingon ko ito at siya nga ang Babaeng pinerahan lang ako ang ganda pa ng pagkakangiti nito akala mo walang ginawang mali ilang beses na din akong nanganib dahil sa mukhang nasa harapan ko ngayon masgumanda ito kesa nung huli kaming nagkita at yon ay ang Araw na maspinili niyang maging K@bet ng mayamang matanda.
Pinagmasdan kong maigi ang Babaeng dumurog ng puso ko pati bulsa ko at pagkatao ko.
"Hi, you're all look handsome tonight!" Bumaba ang tingin nito sa akin. "Hi, Dante looking dashing huh."
Hindi ko ito sinagot bagkus ay tinalikuran ko ito saka ako muling lumagok sa hawak kong bote ng beer. Alam nilang Tatlo ang history namin ni Stacey. Pabagsak kong nilapag sa mesa ang bote saka ako tumayo.
"So si Stacey pala ang kumuha ng Serbisyo natin?" Madiin ang bawat bigkas ko ng mga salita gusto kong maramdaman nila na hindi ko nagustuhan ang sorpresang misyon na ito.
"Oo, Dante. Hindi na ako nakatanggi kasi maganda ang presyo saka ihahatid lang natin sa pier yung Sponsor niyang mayaman andun kasi yung Yate na sasakyan nila paalis -."
"Kung ganon magha-honeymoon pala ang mga Costumer natin ngayon ha." Putol ko sa pagsasalita ni Rex.
"Ump isasama lang niya akong mamasyal sa Yate niya, Dante." Umiwas ako ng sinubukan nitong hawakan ako sa braso. Ang kapal naman ng mukha niya para hawakan pa ako pagkatapos ng ginawa niya sa akin at sa Pera ko!
Napuno ng tensyon ang paligid lalo ng sinubukan uli akong hawakan ni Stacey.
Tinabig ko ang kamay nito.
"Dante?"
"Ayokong hinahawakan mo ako Stacey."
Ngumiti ito yung tipong nang-aakit pa. "I know na nasaktan kita dati pero may pinagsamahan naman tayo diba."
I scoffed. "Kasal na ako at ayokong Ikaw pa ang maging dahilan para masira ang pagsasama namin ng Misis ko. Wala na akong pakialam sayo o sa kung anuman ang nakaraan natin dahil matagal na kitang binasura at hindi ko ugaling binabalikan ang mga ibinaon ko na sa limot kaya wag mong isiping apektado pa rin ako hanggang ngayon ng presensya mo."
"Ahm. Dante. Ano awat na yan siguro maganda pang doon na tayo sa labas para maihanda na natin ang Sasakyan natin diba." Akbay ni Gavin sa balikat ko para pahupain ang tensyon.
Tumayo na din si Roger at si Rex kahit sila hindi nagustuhan ang ginawa sa akin ni Stacey nagkataon lang talagang magbabayad siya ng malaki para lang maging escort kami at ligtas na makarating sa Yate.
"Okay let's go para maaga akong maka-uwe ng Bahay tiyak na inaantay na ako ng Misis ko."
Nauna akong naglakad ang pagkakaalam ni Stacey ay mga ordinaryong Bodyguards lang kami na tumatanggap ng offer mula sa mga gaya niyang Costumer. Hindi nito alam na mga hired k!ller kami at wala din akong balak ipaalam sa kanya kahit nagtagal kami ng limang taon ay ni minsan hindi ko nabanggit dito ang source of income ko hindi din ito nagtatanong ang mahalaga kasi sa kanya ay nabibigay ko ang mga luho niya kaya talagang nabutas ang bulsa ko!

BINABASA MO ANG
Dante
ActionPROLOGUE "Ano ng gagawin natin sa isang ito?" Tukoy ni Gavin sa Subject namin. Tinitigan ko ang walang buhay na katawan ng negosyanteng pin@tay namin. "Eh kung pugut@n na lang natin ng ulo para masmasaya!" Sabat ni Roger na mukhang tuwang-tuwa sa n...