Rex POV
Mahaba ang pila sa Registration mahigit isang oras din kaming nag-antay hanggang sa ma-release na nga ang Birth certificate ni Baby Xeed. Tutal wala namang balak ang Tatay niya na akuin siya kaya Apelyido ko ang pinagamit ko sa bata pero syempre hininge ko muna ang pahintulot ni Daisy tungkol sa bagay na iyon mahirap ng pangunahan pa siya.
Nanginginig pa ang mga kamay ni Daisy ng mahawakan niya ang papel na nagpapatunay na ganap ng Pilipino ang kanyang Anak.
“X-Xeed Suarez C-Conde—.” Binalingan niya ako habang kalong ko si Xeed. “S-salamat, Rex. B-binigyan mo ng pangalan ang Anak ko kahit hindi kayo magkaanu-ano— hindi gaya ng Tatay niya na binuntis lang ako.” Yumugyog ang mga balikat nito kaya isang mainit na yakap ang iginawad ko sa kanya.
“Wag mong masyadong isipin yon isa pa hindi nasusukat sa dugo ang pagiging Pamilya ng bawat tao kundi sa respeto. Don't worry akong bahala sa inyong mag-ina, inako ko kayo kaya kargo ko kayong dalawa lahat ng pangangailangan nyo sagot ko na. Kaya kung meron kang gusto magsabi ka lang ha.”
Nagpunas si Daisy ng mukha saka niya maingat na nilagay sa loob ng long brown envelope ang hawak na Birth certificate ng Anak. Hawak kamay kaming naglakad palabas ng Munisipyo para magtungo naman ngayon sa Simbahan para sa Binyag.
Matao din sa opisina ng Simbahan halo-halo na kasi ang mga nakapila ang iba para magpabinyag gaya namin habang ang iba naman magpapakasal at house blessings. Kalong ko pa rin si Xeed ang sarap ng tulog niya kaya hindi siya nakakapagod alagaan.
“Umupo ka na muna meron pa namang mga bakanteng upuan eh.”
Umiling si Daisy saka nagsumiksik sa tabi ko. “D-dito na lang siguro ako sasandal na lang ako.”
“Ganun? Nahihiya ka ba sa kanila?” Tukoy ko sa mga taong nakatingin sa amin na ang iba nagbubulungan pa. “Kilala mo ba sila?”
“O-oo mga kamag-anak sila ng Tatay ng Anak ko eh.”
Nagkibit-balikat ako. “Ganon? O e ano naman kung kamag-anak sila ng Tatay ng Anak mo diba pinabayaan ka nila kaya wag kang mahihiya sa kanila.”
“R-Rex kasi b-baka isipin nilang namut@ na naman ako kaya nahanapan ko n-ng Tatay ang Anak ko.” Kabadong sagot niya.
Tinitigan ko siya saka ko siya bahagyang siniko sa braso. “Bakit may inambag ba sila sayo nung namut@ ka?”
Alam kong nanliit si Daisy sa salita kong iyon gusto ko lang naman ipaintindi sa kanya na dapat hindi soya mahiya sa kung ano ang mga bagay na ginawa at nagawa niya isa pa siguradong may mabigat naman na dahilan kung bakit siya humantong sa pagiging bayarang Babae mahirap nga silang pakisama pero kung intindihin sana ng mga tao ang malalim na dahilan kung bakit sila ganon baka sakaling maunawaan pa nila kaso hindi mas marami ang mapanghusga kesa sa mga taong marunong umunawa.
Mangiyak-ngiyak siyang umiling.
“Kung ganon wag kang mahiya. Tandaan mong katawan mo lang naman ang ginamit mo at hindi katawan ng iba isa pa nagbabagong buhay ka na huwag mo silang intindihin ganyan lang talaga kapag makitid mag-isip. Sige na umupo ka na kung hindi ka komportable na tignan sila o di wag hindi sila kawalan, Daisy.”
“Salamat, Rex. Salamat talaga.”
Natapos din namin ang pagpapaschedule ng Binyag ni Baby Xeed nagulat pa sila ng kunin ko ang araw ng Linggo lalo ng maglabas ako ng wallet ko kung andito lang si Roger isa lang ang sasabihin niya ‘Dapat sinampal mo ng tig-iisang libong piso para natauhan!’ e kaso wala naman siya ah oo nga pala may pinabibili nga pala ang isang yon!
“Bibili pa pala tayo ng isusuot mo at ni Baby saka yung pinabibili na Dictionary ni Roger.”
“Ammm. M-may damit naman akong maisusuot mga bago pa naman iyon eh si Xeed na lang ang bilhan natin.”
BINABASA MO ANG
Dante
AcciónPROLOGUE "Ano ng gagawin natin sa isang ito?" Tukoy ni Gavin sa Subject namin. Tinitigan ko ang walang buhay na katawan ng negosyanteng pin@tay namin. "Eh kung pugut@n na lang natin ng ulo para masmasaya!" Sabat ni Roger na mukhang tuwang-tuwa sa n...