KABANATA 71

259 12 2
                                    

Dante's POV

Nagising ako sa ingay na nagmumula sa labas tumatahol si Bogart kaya sinilip ko kung ano o sino ang tinatahulan niya. Alas-tres pa lang ng madaling araw at imposible naman na may bisita kami dahil walang nagagawi dito sa lugar namin dahil sa hiwagang nababalot dito gaya nung mga taong may sungay.

Patay ang ilaw sa bawat Kubo kaya malinaw kong natatanaw mula sa labas ng gate ang mga lalaking nakatayo.

Nag-vibrate ang cellphone ko na nakapatong sa ibabaw ng aparador namin kinuha ko iyon at binasa ang chat.

Tumaas ang isang kilay ko. Group chat?

Natawa ako. Gising din ang mga loko ah pati si Kuya. Teka kailan kami nagkaroon ng Group chat?

Roger : 
Kakatayin ko sila kapag sinubukan nilang pasukin ang teritoryo natin.😤

Kuya :  (reply to Roger)
Relax ka lang diyan.😁

Rex :
May kawayan pa ako dito tutuhugin ko sila mga Pare.🤣

Gavin :  (reply to Rex)
Nakikita mo sila?🤔

Rex :  (reply to Gavin)
Oo. 😁

Ako :
Lalabasin ko lang. Kapag pumalag o di alam na.✌️

Kuya :  (reply to me)
Sige. Lalabas na rin ako para back up kahit kaya mo naman sila. Remember nagbabagong buhay na tayo.🙏✌️

Ako :   (reply to Kuya)
Okay.👍

Roger : 
Pwede bang postpone na muna natin yung bagong buhay challenge natin mukha kasi palaban ang mga yan naalala ko tuloy yung mga minarkahan namin he he he optional naman kung ayaw nyo sa idea ko mga Pare.🤭

Rex :  (reply to Roger)
Hay naku bumanat na naman matino pa kausap si Mona kesa sayo!🙄

Roger :  (reply to Rex)
Optional nga eh diba napakaseryoso naman di na mabiro o sige na labasin mo na yan Dante basta papugot ako kahit isa lang kapag pumalag ha!🤗😘

Ako :  (reply to Roger)
Ewan🙄 ang iingay nyo! Sino bang gumawa ng gc na ito?

Roger :
Ako. Pare para isang bukasan lang nakakalito kasi kapag isa-isa pa ng send diba. Talino ko noh!😁

Hindi na ako nagreply. Iniwan ko ang cellphone ko sa ibabaw ng mesa saka ako lumabas ng Kubo.

“Gart! Halika dito.”  Tawag ko sa aso ni Mona. Tumigil ito sa pagtahol saka ako nilingon at marahang lumapit sa akin.

Hinipo ko ito sa ulo.  “Goodboy, mamaya may premyo ka sa akin. Sige na dun ka na sa doghouse mo.”

Mahinang umatungal si Bogart bago ito sumunod sa sinabi ko saka bumalik sa lungga.

Humakbang ako palapit sa gate.

Humkbang din palapit ang isa sa mga lalaki mukha nga silang mga armado— o e ano naman ngayon kung armado nga sila dapat ba akong matakot? Luh swerte naman nila kahit pa gr@nad@ pa ang dala nila nganga sila sa akin! Si Misis lang ang kinatatakutan ko kaya sorry na lang sila.

Huminto ako ng isang metro na lang ang layo ko sa kanila.

“Goodmorning mga Pare. Anong kailangan nyo?”  Bati ko.

Nagkatinginan ang ilan sa mga lalaki sabay tawa ng mahina ang isa talagang pinakita pa ang hawak na shotgun. Wow ha nanakot ata ang isang ito ah.

“Tierra de Alas.”   Basa ng isa saka tumingin sa akin ng masama.    “May nakapagsabi kasi sa akin na narito daw ang hinahanap ko.”

Natatawa ako sa porma nilang lahat ano to susugurin ba nila ako? Talaga lang ha e
mukhang hindi nga nila kayang pumatay ng lamok hay naku.

“Talaga? May nakapagsabi sayo?”  Kung hindi si Mona malamang si Daisy ang pakay nito imposible namang si Caridad dahil kadarating lang niya at lalong hindi si Misis baka ilibing ko pa sila ng buhay sa kinatatayuan nila!

Dante Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon