KABANATA 54

276 9 0
                                    

Roger's POV

Inayos ko ang buhok ni Mona medyo nagulo kasi saka ko maingat na pinisil ang magkabila niyang pisngi.   “Okay ka lang ba?”

Titig na titig siya sa akin alam kong hindi kami gaanong magkaintindihan dahil sa pagkakaiba ng lenggwahe naming dalawa pero sisikapin kong unawain siya lalo at kami na mahirap ng hindi maka-iscore ngayon alam ko na kung bakit maingay si Misis Mauro medyo maingay din kasi kanina si Mona hindi nga lang kalakasan saktong naririnig ko lang.

“Ok ra ko. Ikaw?”  (Ayos lang ako. Ikaw?)

Ngumiti ako saka ko siya hinawakan sa kamay.  “Ummm sorry kung hindi kita naiintindihan sa ngayon p-pero may dictionary naman ako ang kaso nga lang eh mas nalilito ako ang hirap intindihin— so tingin mo ba magtatagal tayo?”

Biglang nagbago ang masayang mukha ni Mona kaya medyo nag-alala ako baka iba kasi ang pagkakaintindi niya na hindi ko siya siseryosohin. Pinisil ko ang palad niya saka ko iyon dinala sa kaliwa kong dibdib.
Nanatili akong nakayuko dahil maliit lang na babae si Mona saka ako huminga ng malalim.

“Mona, alam kong hindi ako ang nakauna sayo pero ikaw ang una ko at talagang nawindang ako sa mga bagay na ginawa mo sa akin hindi mo na ako pinatulog simula nung araw na iyon lagi kitang nakikita sa panaginip ko sorry kung moody ako at mas madalas na sir@ulo ako pero kaya kitang panindigan at bigyan ng magandang buhay gaya ng ginawa ni Rex kay Daisy kaya kong pangatawanan ka. Hindi man tayo magkaintindihan sa ngayon sigurado ko naman na matututo din akong mag bisaya sa paglipas ng panahon. Lilinawin ko lang na wala akong maibibigay sayo kundi ang sarili ko lang at ang naipon kong pera syempre mula yon sa dati kong trabaho saka sana kung sakaling makilala mo talaga kung sino at ano ako simula umpisa sana wag mo naman akong iwanan… h-hindi ako Babaero kahit mukha akong m@nyak hanggang ganon lang ako. Bale sana naintindihan mo ako sa haba ng sinabi ko sayo gusto ko lang itanong kung tanggap mo ba ako?”

Nabasa ng luha ang pisngi ni Mona hindi na siya nagsalita sa halip ay sunod-sunod na tango na lamang ang isinagot niya sa akin.

Nakahinga ako ng maluwag. Saka ko kinulong sa mga palad ko ang maliit niyang mukha para gawaran siya ng masuyong halik sa noo.  “Hindi pa ako nakakagawa ng pangako sa kahit na sino, sayo pa lang. Magiging tapat ako sayo at bibigyan kita ng masayang Pamilya hanggat kaya ko magtatrabaho ako para sa inyo. Okay na ba yon sayo? Wag ka ng umiyak baka asarin na naman nila ako lalo na si Dante toyo din yun kung minsan eh lakas ng trip.”

Tipid siyang ngumiti at binawi ang mukha mula sa pagkakahawak ko saka siya nagpunas ng pisngi.

Sabay kaming naglakad pabalik sa batis. Agad na bumungisngis si Dante at Rex ng makita kaming magkahawak kamay pero hindi na sila nagkomento pa buti naman!

***

Dumidilim na kaya nagpasya na kaming umuwi. Pinauna naming magbihis ang mga babae bago kami ng palit ng mga suot namin. Kontodo balot naman sina Daisy kay Baby Xeed dahil lumalaming na rin. Habang si Dante naman nakasampa sa likuran niya si Misis dahil masakit na daw ang paa niya kalalakad sabagay hindi siya sanay sa ganitong buhay nakalimutan kong Anak mayaman nga pala siya hindi gaya ng dalawa.

“Gusto mo rin bang sumampa sa likod?”  Tanong ko kay Mona.

Tumingala siya saka umiling.

“Ang sweeeet naman Pare. Ako na lang tutal masakit na rin ang paa ko eh.”

Nilingon ko ito.  “E kung ilaglag kaya kita diyan sa bangin ha, Gavin. Wag kang ano! Sipain pa kita diyan eh!”

Tumakbo ito at pumuwesto sa unahan kung nasaan si Dante saka sila nagtawanan hay naku kung minsan hindi ko malaman kung matitino pa ba ang takbo ng mga utak namin o palyado na akala ko ako lang yung maluwag ang turnilyo, akala ko lang pala iyon.

Dante Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon