KABANATA 88

170 7 0
                                    

Roanne's POV

“Malapit na pala ang Birthday mo anong gusto mong regalo?”  Saad ni Monina habang naglalaba kamo sa poso sabado kasi at walang pasok.

“Wala naman akong gustong regalo eh saka lahat naman ng kailangan ko nabibigay nila Mama at Papa kaya wala akong gustong regalo.”

“Ganon?”

“Oo Monina ganun na nga e kung magkusot ka na lang kaya diyan para matapos ka na kanina ka pa kasi nauna ka pa nga sa akin eh.”

“At parang ayaw mo ata akong kasabay maglaba Ate Roanne.”  Ngumuso si Monina kaya sinundan ko ang tinuturo niya.

“Aba mukhang may lakad ata si Danica at Macbeth?”

Inurong ni Monina ang bangkito na inuupuan para makalapit sa akin.  “Parang sasali ata sila sa Beauty Contest sa darating na Fiesta sabagay bagay naman sa kanila manood tayo ha Ate para support sa kanila.”

Napatitig ako ng matagal sa dalawa hindi ko maiwasang makaramdam ng inggit siguro kung kasing payat lang nila ako baka sumali na din ako sa Beauty Contest ang kaso Balyena ako kaya walang nagkakagusto sa akin kahit cute ako kahit nga si Gavin na Bakulaw hindi ako gusto kunwari lang siya!

Sa inis ko naihagis ko sa isang plangganang tubig ang binabanlawan kong damit.

“Grabe naman Ate One talagang kailangang ihagis ganurn.”  Punas ni Monina sa natalsikang bahagi ng mukha.

“Ay sorry naman hindi ko sinasadya eh medyo nadala lang ako sa iniisip ko.”

“Hmp!”  Tumayo si Monina saka binuhat ang timba na naglalaman ng labahan niya.

“Tapos ka na?”

Ngumisi siya bigla ang akala ko talagang nagalit siya medyo malakas talaga ang s@ltik ni Monina parang si Tito Roger lang lalo ng kung naka bungisngis para silang pinagbiak na inedoro.  “Tapos na ako Ate saka andyan na yung Prince charming mo eh.”

“Prince charming?”  Takang ulit ko.

Muling ngumuso si Monina kaya nilingon ko ang tinuturo niya.

“Monina.” Baling ko sa kanya.

Lalong lumaki ang ngisi niya.  “Halata ka namin Ate, medyo matanda na si Tito Gavin pero king gusto mo siya o di suportahan ka na lang namin saka hindi ka naman sasaktan ni Tito Gavin eh kaso ang mahiwagang tanong eh kung gusto ka rin ba niya kasi diba may nililigawan siya si Pinya.”

Ang lakas ng tawa ko talagang s@ltik itong si Monina!  “Penelope hindi Pinya.”

“Ayos na yun magkatunog naman eh o sige iwanan ko na kayo mukhang maglalaba din si Gavin mo eh.”

Tumalikod siya saka kikembot-kembot na naglakad pabalik ng Kubo nila.

“Ipagbobomba na kita.”  Sambit ni Tito Gavin ng makalapit na sa poso saka niya binaba ang dalang planggana na naglalaman ng mga labahan niya.

Tumayo ako akala ata ng lalaking ito e nakalimutan ko na yung ginawa niya kagabi. Akala lang niya yon! Hinawakan ko ang tubo ng poso para magbomba. 

“Hindi ko kailangan ng tulong mo Tito Gavin kayang-kaya ko ito sa laki ba naman ng mga braso ko diba alam mo dapat so Penelope yung pinagbobomba mo eh kasimmeant to be kayo para kayong pinagbiak na ampalaya napaka-bitter kasi ng mga mukha nyo.”  Binigyang diin ko talaga ang salitang ‘Tito’ para ipamukha din sa kanya ang akwat namin tutal siya naman ang naguna eh lagi na lang niyang pinamumukha sa akin na masmatanda siya sa akin at napakabata ko pa para sa kanya.

Hindi kumibo si Tito Gavin alam niya ang ugali ko kapag nagmamaldita kung dati siya ang tagakalma ko sa tuwing sinusumpong ako ng katarayan ko well ngayon siya na ang tinatarayan ko.

Dante Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon