KABANATA 68

229 12 1
                                    

Beth's POV

“Marcus! Ano ka ba saan ka ba pupunta?! Ang layo na natin sa mga Kubo baka nga nakalagpas na tayo sa property ni Dante siga ka mababaril tayo ng ibang may-ari ng lupa dito! Ano ba!? Bingi ka ba?!”  Dakdak ko habang aige ang buntot sa lalaking itp pasalamat siya at gwapo siya kahit paano bawas inis na yung itsura niya!

“Bakit mo ba kasi ako sinusundan?”

Aba at mat attitude pa ang isang ito ah! Talagang masakit na ang paa ko at naiinis na din ako!

“Bakit? Diba kasi nga ako ng mag-aalaga sayo simula ngayon kaya sinusundan kita baka kasi mapaano ka dayo ka pa naman dito! Hindi ka ba talaga hihinto ha, Marcus! Nakakaasar ka na ah!”  Bulyaw ko.

Natigilan ako sa paghakbang ng huminto nga si gwapo saka pumihit paharap sa akin di ko mapigilan ang pagdagundong ng puso ko medyo masmalakas tama ako sa isang ito kesa kay Gavin kaso baka gaya fin siya ng isang iyon na kahit anong pagpaparamdam ko eh talagang nanatili na lang akong ligaw na kaluluwa sa paningin niya.

“Anong sabi mo, Beth?”  Mukhang nawala ata ang boyish aura nitong si Marcus ah parang ibang tao ngayon ang kaharap ko naku baka nagalit ko siya meron pa naman siya P-P ano ba yung tawag sa sakit na yon ah pagkakulang-kulang!

Hindi ako nakasagot ng inilang hakbang lang niya ang kinatatayuan ko saka niya ako kinabig sa magkabila kong braso.  Umigting ang mga panga nito.  “Ulitin mo ang sinabi mo Beth.”

“Marcus. A-ano kasi n-nag-aalala lang naman ako sayo eh.”  Kagat-labi kong sagot.

“Nag-aalala ka sa akin? Pero kagabi umuwi ka sa Bahay nyo akala ko aalagaan mo ako pero si Gavin ang nag-alaga sa akin! Alam mo bang hindi ako nakakatulog ng walang nagbabantay sa akin dahil madalas akong binabangungot! Sinungaling ka Beth at ayoko sa mga taong sinungaling na gaya mo! Iniiwanan nyo lang naman ako eh bakit kasi may sakit ako? Ganito lang ako pero nakakaunawa ako pinapaasa mo lang ako na aalagaan mo ako at nag-aalala ka sa akin pero mamayang gabi iiwanan mo na naman ako! Umalis ka na nga iwan mo na ako! Ayoko sayo!”

Sige ang tulak sa akin ni Marcus at paulit-ulit siya sa mga salitang binitiwan niya nakaramdam ako ng awa sa kanya sa tinagal ng panahon ni hindi man lang siya bumalik sa pagiging normal. Hinuli ko ang kamay niya ng lumapat ito sa balikat ko mahigpit ko iyong hinawakan kahit anong bawi niya hindi ako bumitaw. Matangkad si Marcus maslamang siya ng paligo kina Dante siguro dahil sa may lahi siya matangos ang ilong niya na binagayan ng kulay berdeng mga mata at labing may kanipisan na angkop sa gaya niya medyo may kaputian lang si Marcus kumpara sa kulay ng balat ko kung sakali.kayang mag-invest ako ng nararamdaman ko sa kanya may aasahan ba akong kapalit o susugal lang ako sa wala?

“Bitiwan mo ang kamay ko Beth. Umalis ka na! Hindi ko na kailangan ng mag-aalaga sa akin—.”

Natahimik si Marcus ng selyuhan ko ng mga labi ko ang labi niya may mga naging boyfriend na ako dati at hindi na rin ako birhen na kabaliktaran niya halata nan dahil hindi pa siya marunong humalik kaya lalo akong tumingkayad para magpang-abot ng tama ang mga labi namin. Sa una nangangapa pa si Marcus kaso fast learner siya gifted nga pala ang mga gaya niya. Binawi nito ang kamay niya na hawak ko saka iyon gumapang pababa ng bewang ko bahagya pa niya akong pinisil doon kaya nakabitaw ako sa labi niya nagkatitigan kaming dalawa ako ang unang bumawi ng tingin parang ang baba ko dahil sa ako ang gumawa ng first move. Bahagya akong umatras para mabitawan niya ako.

“Ummm bumalik na tayo, Marcus.”  Saad ko saababang tono nakakahiya anonna lang ang iisipin ng lalaking ito na basta-bata na lang akong nanghahalik ng mga kalahi niya!

Kaso hindi ko inaasahan ang sinagot niya sa sa akin.

“Ayaw mo ba ng halik ko, Beth?” Inosenteng tanong niya sabay amoy sa hininga gamit ang mga kamay.   “Sabagay amoy ulam ang hininga ko hindi pa kasi ako nagto-toothbrush eh.”  May pag-aalala sa tinig nito.  “Kapag ba sumunod ako sayo ikikiss mo ba uli ako yung gaya kanina? Masarap kasi saka first kiss kita, Beth.”

Dante Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon