KABANATA 76

222 10 2
                                    

Dante's POV

Inasikaso ni Attorney Cru ang tungkol sa danyos na ipinataw ng Judge sa kampo ng ex ni Daisy ngunit humingi ang mga ito ng palugit na hindi naman sinang-ayunan ng Abogado namin.

“Sa pagkakaalam ko kayo ho ang dahilan kung bakit narito tayo ngayon. Natalo ho kayo sa kaso at kailangan nyo hong sundin ang desisyon ng Hukumang ito at yon ay ang magbayad kayo ng danyos na umaabot sa 150,000 pesos in cash we don't accept installment or else we’ll take legal actions about this issues,”  kalmado ngunit puno ng pagbabanta na turan ni Attorney Cru.

Biglang pinagpawisan ng malapot ang Abogado ng kalabang kampo sa sagot nito.
“Ummm well Attorney Cru, baka pwede pa ho nating pag-usapan dahil malaking halaga ang 150,000 pesos at gusto nyo pa ay instant —.”

Ngumisi si Attorney Cru.   “Akala ko ba galing sa may kayang Pamilya ang kliyente mo, Attorney?”  Sabay sulyap niya sa likod ng kalabang Abogado kung saan nakatayo ang angkan ng ex ni Daisy.  “Sabagay mas madaling magyabang diba next time ko ting preno ho sa ego nyo kilalanin nyo muna yung mga binabangga nyo hindi yung malakas ang loob nyo dahil Kapitan kayo ng Barangay and so kung Kapitan nga kayo alalahanin nyo ho sana kung bakit kayo nasa posisyon na iyan at dahil yon sa mga taong bumoto sa inyo so please wag nyong abusuhin ang Ranggo nyo bilang sangay ng Gobyerno dahil hindi lahat madadala nyo sa posisyon na meron kayo ngayon.”

Walang nasabi ang Abogado ng kalabang kampo kundi ang sumang-ayon sa sinabi ni Attorney Cru. Talagang ayaw umalis ni Attorney Cru hanggat hindi namin nakukuha ang bayad sa danyos na ginawa ng ex ni Daisy kaya hindi rin sila makalabas ng courtroom.

Pumalahaw na ng iyak si Baby Xeed mukhang nararamdaman niya ang namumuong tensyon kaya umawat na si Daisy.

“Tama na po, Attorney. Ayos na po sa akin kahit hindi na sila magbigay ng danyos basta siguraduhin lang nila na hindi na nila kami guguluhin ng Anak ko hindi ko kailangan ng pera nila kaya kaming buhayin ni Rex. Ayoko na pong makita ang mga mukha nila dahil ibinaon ko na po sila sa limot simula nung araw na pinalayas nila ako at ang Anak ko.”  Pigil nito ang mga luha habang sige ang tapik-tapik kay Baby Xeed para patahanin ito.

“Narinig nyo naman siguro ang kliyente ko. Wala na tayong dapat pang pag-usapan basta wag nyo ng lalapitan pa ang mag-ina. Nagkakaintindihan ba tayo Villarama? Wag nyo na ho akong pabalikin pa sa lugar na ito dahil sa oras na gawin nyo iyon sisiguraduhin kong hihimasin nyo ang bakal na rehas ng kulungan.”

Tumango ang Abogado ng kalabang kampo.   “Don't worry Attorney Cru we get your message.”

“Aba dapat lang tinagalog ko na nga ho diba para mas madaling intindihin na ayaw ng kliyente ko na magkaroon pa ng interaksyon sa mga Villarama. So wala na kaming kailangan pa sa inyo. Adios.”

Saka taas noo na tumalikod si Attorney Cru at naunang naglakad palabas ng courtroom na sinundan nila Daisy at Rex hanang nasa likuran naman nila kaming tatlo ni Roger at Mona.

Kinontak ko si Misis para sabihing nanalo kami grabe ang tili ng dalawang buntis na sinabayan pa ni Beth natatawang binaba ko ang tawag ko.

“Okay Attorney doon ka na sa bahay namin kumain naghanda daw sila Misis saka gusto ka rin daw nilang makilala para makapagpasalamat daw sayo.”

“Sure,”  sagot nito ng pumanhik sa likurang bahagi ng L300 truck.   “Gusto ko rin makita si Sir Marcus Ponti sabi ni Larry nasa pangangalaga nyo raw siya. Ako kasi ang kinuhang Abogado ni Larry para humawak sa mga legal properties ni Sir Marcus Ponti medyo maraming naglalabasang kamag-anak simula ng bumagsak ang Organisasyon ni Supremo akala nila patat na ang nag-iisang tagapagmana.”

Nabigla ako sa mga nalalaman nitong Abogadong ito. Alam din kaya niya ang tungkol sa amin?

Inayos ko ang pagkakasara ng pinto ng drivers seat saka ako bumaling sa mga kasama ko.  “O ano okay na ba kayo diyan sa likod?”

Dante Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon