KABANATA 78

220 7 1
                                    

Dante's POV

Naging abala kami ng mga sumunod na araw napagpasyahan naming magpunta ng Mall sa Tacloban para maghanap ng mabibilhan ng singsing. Si Gavin ang naiwan sa Tierra de Alas bilang bantay ng mga Babae tutal out of place naman siya kung sakaling sasama siya eh.

"Ano yang dala mo, Marcus?"

"Ah kamison ito ni Beth." Sagot niya sa tanong ni Rex.

"Kamison para saan?" Singit ni Roger sa usapan.

"Para hindi ako magkamali ng sukat sa bibilhin kong bestida para sa kanya. Oo nga pala wala nga pala akong pera!" Biglang hinto nito sa paglalakad ng malapit na kami sa entrance.

Nagkatinginan kaming tatlo pwede naman naming sagutin ang makukuha niya tapos saka na lang niya bayaran kapag nakaipon na siya.

Umakbay si Kuya Remus kay Marcus saka ginulo-gulo ang buhok nito. "Bilhin mong lahat ng gusto mo para kay Beth sagot kita okay."

"Talaga Remus? Sagot mo na?" Hindi maitago ang tuwa sa mukha ni Marcus mukhang marami ata siyang gustong bilhin para sa Babaeng pakakasalan niya.

Nakigulo ako sa kanilang dalawa umakbay din ako kay Marcus. "Naku wag ka ng mag-alala sa magagastos mo para sa gagamitin ni Beth. O heto."

Kinuha ko sa loob ng belt bag ko ang credit card na binigay sa akin ni Attorney Cru. "Nakapangalan yan sayo Mister Marcus Ponti."

Lalong nanlaki sa tuwa ang mga mata nito mukhang hindi siya makapaniwala na hawak niya ngayon ang credit card na naglalaman ng milyones sa bangko na nakapangalan sa kanya.

"A-akin ba ito, Dante?"

Tumango ako saka bumitaw sa pagka kaakbay sa balikat nito. "Oo. Sayo yan bali yung sahod mo sa pagtitinda sa Tierra de Alas Fructus et Legumina Copia ibibigay ko yun sayo kada sabado gaya ng iba. Ano okay lang ba iyon sayo?"

"Oo naman ayos lang ng sobra, Dante! Saka p-pwede ba kaming makitirik ng kubo dun malapit kina Remus kasi syempre kapag kinasal na kami dapat nakabukod na kami nakakahiya naman kay Gavin lalo na kapag naglalambingan kami ni Beth. Bali babayaran ko na lang yung araw nyo para tulungan akong gumawa ng Kubo yung gaya sa inyo."

"Bakit ka pa magbabayad?" Sabat ni Roger. "Bakit ibang tao ba kami para sayo? Diba isang pamilya na tayo basta magsabi ka lang kung kailan tayo gagawa para maumoisahan na natin yan."

"Tama si Roger." Sang-ayon ni Rex.

Kumislap ang mga mata ni Marcus tingin ko pinipigilan lang niya ang umiyak kahit na may kondisyon sa pag-iisip so Marcus napakabait at responsable naman niya kaya mabilis namin siyang nakagaanan ng loob.

"Salamat ha- naisip ko lang paano kung buhay ngayon sila Boggs at Chacha siguro ang kulit natin diba. Sorry kung namatay sila dahil kay Papa ko."

"Ano ka ba nakalipas na iyon saka kasama natin sila kahit saan. Tara na nga sa loob ng Mall baka hapunin na tayo kakadaldal dito sa labas sige kayo baka kung ano pang isipin ng mga mapapangasawa natin mayayari pa tayo niyan tiyak may kanya-kanya tayong pingot!" Turan ni Kuya Remus na una ng naglakad papasok ng Robins Mall.

***

Gavin's POV

"Alam mo ba kung saan nagpunta yung mga feeling lalaking yon?" Nakasimangot na tanong ni Misis Mauro, naku baka hindi nasagot si Dante sa chat ng Asawa niya yari siya pag-uwe.

"May bibilhin lang daw sila." Sagot ko habang pinapaliguan si Bogart para hindi ako gaanong mainip wala din naman kasi akong gagawin maghapon kundi tumunganga lang eh.

"Anong bibilhin nila? Bakit kailangang lahat sila? Saka bakit hindi ka kasama?"

Natawa ako kailan ba naging madaldal itong si Misis Mauro. Binanlawan ko muna si Bogart bago ko sinagot ang tanong nito.

Dante Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon