KABANATA 23

300 13 0
                                    

Victoria's POV

Uwian na kaya isa-isa ko ng niligpit ang mga gamit ko saka ako lumabas ng classroom.

"Beh, sasabay kami sayo ha para makita namin yung Mister mo kasi nung enrollment eh medyo malayo kami sa inyo eh itong si Lyka lang ang lumapit kasi nahihiya kami."

Nginitian ko lang ito hindi ko pa kasi gaanong kabisado ang mga Pangalan nila.

"Oi Brenda silent means yes! Kaya gora na tayo!" Talk ni Lyka talagang gustong-gusto nilang makita si Dante- teka pansinin naman kaya sila ng isang yon? Ah bahala sila basta ako gusto ko ng umuwi.

Bumaba na kami ng hagdan malayo pa lang ay kitang-kita ko na si Dante naka-black v-neck shirt ito at black walking short na tinernuhan ng tsinelas lang pero talagang agaw pansin ito siguro dahil na rin sa likas itong matangkad at matikas na pangangatawan. Nakatalikod ito kaya hindi niya ako napansin na palapit sa kanya. Rinig ko na ang bulungan at mahinang hagikhik ng mga Kaklase ko kilig na kilig sila sa Kapreng ito ah.

Kinalabit ko ito sa tagiliran agad naman itong lumingon salubong ang kilay nito ng lumingon ngunit napalitan iyon ng ngiti ng makita ako.

"Ano yang nasa bibig mo?" Tanong ko ng mapansin ko ang kulay puting plastic stick na nakausli sa bibig nito.

Kinuha nito ang backpack bag ko ganon din ang lunch bag. "Ito ba? Lollipop po Misis ko."

"Lollipop? Bakit nakain ka niyan? Lumuwag na ba ang turnilyo mo ha Dante?"

Tumawa ito ng malakas kaya nalaglag mula sa bibig nito ang kagat-kagat na lollipop.

"Ooopppss nalaglag tuloy Misis ko." Dinampot niya ito at tinapon sa basurahan. Sinundan ko lamang ito ng tingin. "Kasi diba ayaw mo ng naninigarilyo ako kaya nag-lollipop na lang ako kesa mapagalitan mo."

"Ang sweet naman pala ng Asawa mo Beh." Kinikilig na wika ni Lyka ganon din ng ibang kasama nito.

Nawala ang pagkakangiti ni Dante saka ako mahigpit na hinawakan sa kamay. "Let's go, Wife."

"Wait lang!" Habol sa amin ni Lyka, lakas loob nitong hinawakan ang braso ni Dante.

"Awww sana all nakakahawak ng ganyang!" Kantyawan ng mga Kaibigan nito.

Nahinto sa paghakbang si Dante ganon din ako saka nito hinarap si Lyka. Hindi ko din alam kung bakit ganon sya kaagresibo kababaeng tao pa naman isa pa alam niyang may Asawa na si Dante kaya anong gusto niyang patunayan?

"Dante!" Saway ko ng marahas nitong tabigin ang kamay ni Lyka may mangilan-ngilan sing kapwa ko Estudyante ang nakatingin sa amin.

"Dante." Mahinang ulit ko sa pangalan nito.

Nilingon ako nito saka ngumiti. "It's alright, Wife." At muling binalingan si Lyka na titig na titig pa rin sa kanya.

"What do you want?"

Alam kong napahiya si Lyka pero kasalanan din naman niya dahil bigla nitong pagkabig ang braso ni Dante hindi ko lang alam kung ano ba talaga ang gusto niya sa Asawa ko e malinaw naman na walang interes sa kanya itong Kapreng ito.

"Ummm can we be friends?" Malambing nitong turan.

Matagal itong tinitigan ni Dante.

"No. Looked I don't give a sh*t on you if you're flirting then sorry ilang beses ko bang sasabihin na may Asawa ako at tingin ko magkaklase pa ata kayo marunong ka bang rumespeto ha Miss? Konting respeto naman sa sarili hindi kasi nakakatuwa at lalong mahiya ka sa Misis ko nilalandi mo ako sa mismong harapan niya. Maganda ka naman. Sorry but I'm not like other guys who would cheat on their wives." Dante smirked. "I'm a loyal Husband."

Natahimik si Lyka maging ang mga Kaibigan nito sa sinabing iyon ni Dante at sa pangalawang pagkakataon humindi sa kanya ang Asawa ko.

Dante cleared his throat. "My Wife doesn't need a friend like you or them."

Binigyan ito ng matalim na tingin ni Dante bago tumalikod kay Lyka. Wow napaka-loyal naman pala sa akin ng Kapre na ito ang haba ng hair ko! Nilingon ko si Lyka ng mag-umpisa na kaming maglakad pinalibitan ito ng mga Kaibigan niya parang kino-comfort nila ito talaga bang ganon niya kagusto ang lalaking ito.

Minasdan ko ang kamay ni Dante na nakahawak sa kamay ko I feel safe and protected when I'm with him. I gently squeeze his hand.

"Huh? Bakit Misis ko?" Lingon nito habang naglalakad kami akala ata nito may sasabihin ako.

Umiling lang ako.

Narating namin ang sakayan ng jeep itinuro sa akin ni Dante kung ano ang mga pwede kong sakyan pauwi ng Bahay namin.

***

Dante's POV

Katatapos ko lang magluto ng tumunog ang cellphone ko.

Rex ( received ) :
Pare, nakapag paalam ka na ba?

Sinilip ko si Victoria na abalang nagle-lettering ng Pangalan niya sa notebook. Napangiti ako, maaaring biglaan lang ang lahat ng meron kami ngayon pero masaya ako hindi ko pa ito naramdaman dati kahit noong kami pa ni Stacey. Alam kong galit siya sa akin dahil sa ginawa ko sa Papa niya pero nakahanda akong maghintay hanggang sa matanggap niya ako bilang Asawa niya.

Huminto si Victoria sa pagsusulat at bigla akong nilingon.

"Luto na?"

Wow ang cute ng Misis ko.

"Yup. Halika na tulungan mo na lang akong kumuha ng mga Plato."

"Okay! Yehey kakain na!"

Muli kong binalingan ang cellphone ko at nagtipa ng reply ko para sa mensahe nito.

Me ( send ) :
Mamaya.

Rex ( received ) :
Okay. Andito na kami sa Lugar natin Ikaw na lang ang kulang.

Hindi ko na ito sinagot tinulungan ko na lamang maghanda ng hapag ang Misis ko para makakain na kami.

Pagkatapos kumain maghapon kaming nanood ng Netflix pinaka bonding namin.

***

Madilim na ang kwarto pagpasok ko siguro hombing ng natutulog ngayon si Victoria. Kumuha ako sa cabinet ng pamalit na pantulog para maskomportable. Dahan-dahan ang ginawa kong paghiga dahil ayokong maistorbo ito naka-ilang pikit na ako pero hindi talaga ako makatulog lalo at iniisip ko kung paano ako magpaalam sa kanya.

Gumalaw si Victoria.

"G-gising ka pa ba Misis ko?"

"Oo. Bakit?" Mahinang sagot nito.

Isa-isa kong tinanggal ang nakaharang na unan sa pagitan naming dalawa saka ko siya niyakap.

"Dante! Ano ka ba!?" Nagpupumiglas ito kaya maslalo kong hinigpitan ang kapit ko sa bewang nito habang nakatalikod sa akin saka ko isiniksik sa pagitan ng balikat at leeg nito ang mukha ko.

"Kahit ngayon lang Misis ko payakap naman bago ako umalis." Bulong ko habang nilalanghap ang natural nitong halimuyak.

Huminto ito sa pagpiglas. "A-aalis ka?"

"Oo. May Assignment kami. Alam mo na."

"Kelan ka babalik?" Piyok nitong tanong.

Tumawa ako. "Umiiyak ka ba? Babalik din ako hindi ko lang sigurado kung kelan. Basta babalik ako sayo. Ummm matulog na tayo Misis ko. May pasok ka pa bukas."

Victoria's POV

Malalim na ang tulog ni Dante habang nakayakap pa rin sa akin ang kaliwang braso nito at nakaunan naman ang ulo ko sa kanang braso nito ang haba niya kaya nasa unan ko halos ang mukha nito hindi ko napigilan ang mga luha ko- aalis daw siya dahil may Assignment sila ibig sabihin may p@patayin na naman sila- paano kung mahuli sila? Paano kung hindi na siya bumalik? Sinong makakasama ko?

Nawala na ang antok ko parang ayokong umalis siya parang hindi ko kayang wala siya.

Dante Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon