Victoria's POV
Nakakainis talaga ang lalaking yon! Siya na ngang hahalikan tinatawan pa ako! Mabigat ang bawat hakbang ko tungo sa L300 truck namin dun na lang ako mag-aantay sa kanya.
“Misis! Baka—.”
Nagpantig ang tainga ko dumagdag pa ‘to!
“Hoy! Wag mo akong mamisis-misis diyan, Roger! Baka di ako makapagpigil mabibikwasan kita!”
Hawak nito ang plato saka muking umupo. “Grabe ang sungit mo naman hihingi lang ako ng extra rice eh.”
“Pumasok ka sa loob! Humingi ka sa pangit na lalaking mukhang bebe! Ewan!”
Taas noo akong naglakad palapit sa truck binuksan ko ako pinto nito sa likod na bahagi at saka ako pumasok at umupo mula roon ay kitang-kita ko sina Roger na nagsitayuan mula sa pagpag na nasa ilalim ng punong kahoy, pumasok sila sa loob ng Kubo bitbit ang mga plato at kaldero pati mga baso nila. Ilang minuto pa at lumabas naman si Dante na nakabihis na ng itim na t-shirt na medyo hapit sa katawan niya kaya bumakat ang tinatago niyang abs lalo akong bumusangot ng kumaway pa talaga siya sa direksyon ko.
Pabagsak kong sinara ang bintana ng L300 truck wala ako sa mood makipag-asaran sa kanya. Ewan ko ba kung bakit inis na inis ako dahil tinawanan niya ako kanina ang akala ko pa naman ay hahalikan na niya ako hindi naman pala. Kinuha ko ang cellphone ko makapag-facebook na nga lang muna pampawala ng asar!
Nasa kasarapan na ako ng pag-i-scroll ko ng bumukas ang likurang pinto ng truck kung saan ako nakaupo saka pumasok si Gavin kasunod niya si Dante na todo bungisngis pa.
“O, alis na tayo ha wala na ba kayong nakalimutan?” Tanong ni Rex sabay buhay sa makina ng truck katabi naman niya si Roger na naka-earphone at sige ang kanta kahit sintunado naman.
“Wala.” Mataray kong sagot. “Naiinip na ako ang babagal nyo kasing magsikilos.”
Tinawanan na naman ako ni Dante kaya pinandilatan ko siya ng mata! Buti at madali naman siyang makuha sa tingin.
***
Tahimik lang ako buong biyahe naaaliw kasi akong pagmasdan ang kulay berdeng tanawin malayong-malayo sa itsura Maynila ang lugar na ito. Napakapresko pa ng hangin kahit patay ang aircon ayos lang kasi malamig ang hangin na pumapasok mula sa mga bukas ng bintana ng truck. Wala ding trapik kaso parang tatlong oras na ata kaming nabyahe wala pa rin akong natatanaw ng bahay man lang.
Lumingon ako sa gawi ni Dante kaya nahuli ko siyang nakatitig sa akin habang naglalaro naman ng cellphone si Gavin.
“May problema ka ba, ha!?”
“Wala naman. Baka natatakot ka pwede naman kitang tabihan Misis ko.”
Umismid ako. “Tabihan mo mukha mo! Malayo pa ba tayo? Parang dulo ata ng Mundo yung tinitirhan natin ah.”
Tumingin si Rex sa screen ng cellphone niya na nakalagay sa cellphone holder ng dashboard. “Malapit na mga 15 minutes pa at nasa Bayan na tayo.”
“15 minutes pa. Ang layo naman pala.”
“Kaya pagdating natin dun sa Bayan bilhin mo yung mga gusto mong bilhin sasamahan kita habang itong tatlo sila nan ang bibili ng mga materyales na kailangan nila sa paggawa ng Kubo gaya sa atin.”
“Bigyan mo na lang ako ng pera, kaya ko namang bumili mag-isa e hindi ko kailangan ng alalay.”
“No, Misis ko. Maraming lalaki sa Bayan baka mapagkamalan ka pa nilang dalaga mahirap na baka sa halip na sa Kubo ka umuwi eh baka sa ibang bahay na ka tumuloy. Tiyak makakabasag na naman ako ng mukha.” Seryosong turan nito habang diretso ang tingin sa akin.

BINABASA MO ANG
Dante
ActionPROLOGUE "Ano ng gagawin natin sa isang ito?" Tukoy ni Gavin sa Subject namin. Tinitigan ko ang walang buhay na katawan ng negosyanteng pin@tay namin. "Eh kung pugut@n na lang natin ng ulo para masmasaya!" Sabat ni Roger na mukhang tuwang-tuwa sa n...