KABANATA 61

209 11 1
                                    

Dante's POV

Sige lang ang takbo namin siguro nasa loob na ng Konseho si Kuya Remus at Kuya Boggs wasak na ang bawat madaanan namin at kada gate puno ng umaalingasaw na b@ngkay! Talagang iba gumalaw ang Payaso ngunit kahit gaano pa siya kagaling siguradong kakailanganin pa rin niya ng tulong at kaming Apat ang back up niya!

“Ayun! Bukas ang pinto ng Konseho! Talagang nakapasok ang Kuya Remus mo, Pare! Iba talaga ang kalidad niya!”  Humahangang turan ni Roger na sabik ng iwasiwas sa ere ang hawak niyang combat knife.

“Hindi halatang excited ka, Pare!”   Si Gavin na masbinilisan pa ang pagtakbo hanggang marating naming ang bakal na pinto ng Konseho kung saan naroon ang trono ng tinatawag nilang Supremo!

“Talagang excited na ako, Pare! Magiging malaya na tayo ng tuluyan sa oras na mapabagsak natin ang Konseho kasama si Supremo!”  Sagot ni Roger saka kami nagkanya-kanya ng tago sa likod ng pinto kailangan naming makiramdam bago sumugod isa pa gusto pa naming umuwi sa mga Asawa namin hindi ko basta-bastang sasayangin na lang ang buhay ko dahil nag-aantay sa pag-uwi ko ang mag-ina ko!

“Ssshhhh….”  Senyas ko para tumahimik silang tatlo.

Mula sa loob ay may malakas na baritonong boses ang nagsalita tingin ko siya na si Supremo hindi ko pa soya nakikita ng personal kaya sinamantala kong sumilip kung saan ako nagkukubli.

May lalaking nakatayo sa harap ng upuan na kawangis ng trono ng isang Hari at sa tabi nito at may malaking hawla at sa loob non at isang Babaeng buntis— teka b-buntis?

“Biruin mo Remus ang aking hamak na Payaso nakapasok ka dito sa loob ng Konseho kaso nga lang ikaw na lang mag-isa wala ka ng kakampi. Nauna ng namaalam si Chacha at ngayon ang walang kwentang Boggs na ‘yan!”  Hasik ng lalaking may edad na baka siya na nga si Supremo. Nilibot ko ang mga mata ko. Nahagip ko ng tingin ang nakasulampak na anyo ni Kuya Remus at may yakap siya tingin ko si Kuya Boggs ang isang iyon nag-init ang mga mata ko naalala ko dati noong kumpleto pa kami sa Ampunan silang tatalo ang nagturo sa akin kung paanong bumasa at sumulat hanggang pare-pareho silang ampunin ng mayamang Lalaki nangako sila na babalikan nila ako pero hindi na yon nangyari hanggang dating sina Rex, Roger at Gavin nagsumpaan kaming walang iwanan at lalong walang limutan ang problema ng isa problema ng lahat!

“Dante. Patay na ata si Kuya Boggs mo.”  Mahinang usal ni Rex. Tumango lamang ako.

“WALA KANG KARAPATANG MAGSALITA NG KUNG ANU-ANO TUNGKOL KAY BOGGS AT CHACHA DAHIL WALANG KANG KWENTA!!!”  Angil ni Kuya Remus.

Isang humahagalpak na tawa ang kunalat sa loob ng Konseho.  “So totoo nga na kapag Babae na ang pinag-uusapan talagang nagpapatayan ang mga Lalake!”

“IBIGAY MO SA AKIN SI CARIDAD! PALALAMPASIN KO ANG LAHAT NG ITO!!!”

“Paano kung ayaw ko?”

“PUT@NG IN@ SUPREMO BUNTIS SIYA SA ANAK KO! SA TINGIN MO BA PAPAYAG AKONG GAWIN MONG PALAHIANG BABOY ANG BABAENG MAGIGING INA NG ANAK KO! SA ORAS NA HAWAKAN MO SIYA ITAGA MO SA BATO DAHIL PAP@TAYIN KITA!!! BUHAY MO ANG MAGIGING KAPALIT NG BUHAY NG MGA KAIBIGAN KO!!!”

Isang malutong na palakpak ang sunod naming narinig pagkatapos ng mabangis na angil ni Kuya Remus. Buntis nga ang Babaeng nasa malaking hawla.

“Dapat na ba akong matakot sayo Remus?”  Mapanuyang turan ni Supremo.  “ISA KA LAMANG PAYASO! WALA KA NGAYON SA KINATATAYUAN MO KUNG HINDI KITA KINUHA SA LINTIK NA BAHAY-AMPUNAN! PINAKAIN KITA KASAMA NG DALAWANG ASO MO! BINIHISAN KO KAYO AT ITINURI NA KAPAMILYA DAHIL KAEDARAN NYO LANG DIN ANG NAG-IISA KONG ANAK! WALA KANG UTANG NA LOOB!”

“HINDI PARTE SI CARIDAD NG UTANG NA LOOB NA DAPAT KONG BAYARAN SAYO!!! KUNG AYAW MO SIYANG IBIGAY SA AKIN NG MAAYOS O DI PASENSYAHAN NA LANG TAYO DAHIL AKIN ANG BABAENG ‘YAN NAGKAMALI KA NG BINABANGGA SUPREMO!!!”

“SAYO SIYA? AKIN LANG SI MARIA!”. Muling sigaw ni Supremo.

“BALIW KA NA GAYA NG ANAK MO ANG KAIBAHAN NYO LANG AY MABUTING TAO SI MARCUS! HINDI SIYA SI MARIA! MATAGAL NG PATAY ANG ASAWA MO! ANG BABAENG YAN AY SI CARIDAD!”

Maingat na hiniga ni Kuya Remus ang walang buhay na katawan ni Kuya Boggs. Naikuyom ko ang mga kamao ko ipaghihiganti ko sila ni Kuya Chacha! Tatapusin namin si Supremo at ang Konseho! Tutulungan namin si Kuya Remus na mabawi ang Babaeng yon saka kami babalik sa Leyte tiyak na inaantay na nila kami.

Hinubad ng Payaso ang suot niyang itim na t-shirt upang itakip sa b@ngkay ni Kuya Boggs, kitang-kita ko ang krus na tatoo nito sa kanang bahagi ng likod. Dumukot siya sa magkabilang bulsa gaya ng dati baraha ang mga iyon ang kakayahan ni Kuya Remus at tanging siya lamang ang may kakayahan na gamitin ang mga baraha  bilang sandata.

Sumenyas si Supremo at isa-isang bumukas ang mga bakal na pinto na nakapaligid sa bulwagan mula roon ay lumabas ang labing-dalawang bantay ng Konseho. Higit silang masmalaki kesa sa amin pero nakatitiyak naman ako na kaya namin silang pantayan!

“Remus!”  Tili ng Babaeng nasa hawla.

“MAGLARO MUNA TAYO PAYASO! KAPAG NANALO KA MAKUKUHA MO ANG BABAENG ITO PERO KAPAG NATALO KA IKAW ANG ILALAGAY KO SA LOOB NG HAWLA AT PANONOORIN MO AKO KUNG PAANO KO UMPISAHAN ANG SUSUNOD KONG TAGAPAGMANA SA TULONG NI CARIDAD.”

“WAL@NGHIYA KA! PAGUGULUNGIN KO ANG ULO MO!”  Isang nakabibinging tunog ang pumunit sa hangin kasabay non ang malakas na pagbaon ng baraha sa pader na nasa likod lang ni Supremo ni hindi man lang ito nakagalaw sa pagkabigla. Napasigaw sa takot ang babaeng nasa hawla, parang natauhan naman si Kuya Remus sa ginawa ng marinig ang sunod-sunod na iyak nito.

“Gusto ko ng umuwi! Ayoko na dito! Uuwi na ako! Maawa na kayo sa akin at sa magiging Anak ko! Pakawalan nyo na ako!”  Paulit-ulit nitong sambit.

“Caridad! H-hindi ko sinasadya! Kukunin kita diyan at iuuwi kita sandali lang at may kailangan lang akong tapusin.”

Hindi na tumigil sa pag-iy ang Babae kaya siguradong balisa na si Kuya Remus at wala na siya sa hulog para lumaban pa dahil nahahati ang konsentrasyon niya.

“Ano na Dante hindi pa ba tayo eeksena? Gusto ko ng matapos itong kahibanagan ng Supremo na yon para makauwi na ako kay Mona. Nakakamiss din kasi ang Babaeng yon kahit na hindi kami nagkakaintindihan e magkasundo naman kami saka seryoso ako sa kanya kaya tapusin na agad natin ito ha. Ilan ba yung kalaban?”

“Twelve, Pare.”  Sagot ni Rex at mahigpit na hinawakan ang mahabang Combat knife gaya kay Roger at Gavin.

“Ang dami diba mga Pare?”  Si Gavin.

“Tamang tyempo lang mga Alas gusto kong makita ang mukha nila pag-umeksena na tayo.”  Sambit ko.

“Okay.”  Sabay-sabay nilang sambit.

Muling nagsalita si Supremo.

“IBIGAY NYO SA AKIN ANG ULO NG PAYASONG ‘YAN!”  Bigay hudyat nito sa mga bantay ng Konseho. Isa laban sa labing-dalawa? Yun ang akala nila dahil narito pa kami at humihinga taliwas sa kaalaman nila na kasama kami sa pagsabog ng barko!

“Humanda na kayo. Sa oras na tangkain nilang lumapit sa Payaso saka tayo papapel!”

“Alright! Gusto ko iyan Dante!”  Buhay na buhay na naman ang dugo ni Roger.

Pinagmasdan kong mabuti ang kinatatayuan ni Kuya Remus. Isa. Dalawa. Malapit na sila. Tatlo—.

“TAYO NA MGA ALAS!!!”  Bigay hudyat ko.

Dante Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon