KABANATA 40

457 16 8
                                    

Dante's POV

Nagulat ako sa reaksyon ng Misis ko talagang naihi siya? Posible pala iyon? Siya pa lang ang babae na nahalikan ko na naihi sa kilig. Nakaramdam ako ng pagmamalaki sa sarili ko ibig sabihin birhen pa rin ang Misis ko kahit dalawang taon kaming hindi nagkita dahil sa l*ntik na set-up na iyon eh hindi siya nagloko kahit minsan! Hmmm dapat may premyo siya dahil naging good girl siya habang wala ako— ano nga kaya?

“Wow may nananaginip ng gising! Hoy! Dante wag kang mang-inggit sa amin oo na nakita namin yung the moves mo! Kilig ka naman diyan at nahalikan mo din sa wakas ang Misis mo! Ano tutulong ka ba dito o makikitulog uli kami dyan sa inyo?”  Untag ni Rex sa pagpapantasya ko ng mga gusto kong gawin.

“Oo na, andiyan na nga o naglalakad na nga basag trip ka talaga Rex pibhasa walang kang lovelife hindi gaya ni Roger!”  Buska ko.

“Anong lovelife ka diyan? Ako? Hoy Dante ha kung yung babaeng lalaki ang tinutukoy mo e aba magpapari na lang ako! Isa pa nakita nyo ng busy ako dito at ayaw bumaon ng pako sa kahoy— ARAAAYY!!!”

Nagtawanan kami ng mapukpok ni Roger ng martilyo ang sariling daliri.

“Talagang nakakawala sa focus kapag inlove!” 

“Tumahimik ka nga diyan Gavin gumagatong ka pa, hindi ko papatulan yung babaeng lalaki na yun kahit pa maghubad siya sa harapan ko! Itsura naman nun noh saka tingilan nyo nga ako sa mga ganyang bagay gusto ko ng matapos itong Kubo natin para pwede na tayong magpahinga!”  Pinagpag nito ang daliring natamaan ng martilyo.  “Sakit talaga!”

***

Victoria's POV

Kabado ako habang naliligo nakakahiya talagang hindi ko napigilan ang wiwi ko at sa harap pa mismo ni Dante! Ano na lang ang sasabihin niya sa akin na sa tanda kong ito naihi pa rin ako sa salawal ko— este panty pala! God nakakahiya ang galing nyo naman pong tumayming eh kung kelan nag halikan na kami eh saka nyo naman po pinasabog itong pantog ko. Nahinto ako sa pagsasabon ng katawan ko ng marinig ko ang malulutong nilang tawanan. Lagot baka kwenento ni Dante sa kanila ang nangyari nakakahiya naman!

Inayos ko ng pagsasabon ang katawan ko pati ang kayamanan ko sinabon kong mabuto ng feminine wash para mabango at hindi nakakahiya. Halos maubos ko ang tubig na laman ng drum na nasa banyo sa tindi ng ligo ko. Nagbanlaw na ako dadalhan ko pa nga pala ng pananghalian sila Dante dun sa papag.

Tinuyo ko ang buhok ko saka ko ipinunas sa katawan mo ang tuwalya sinugurado kong may dala na akong pamalit na damit para hindi na ako lalabas pa ng banyo na nakatapis lang ng tuwalya.

Nagulat ako paglabas ko ng banyo  kasi nasa kusina na si Dante at abalang nagsasandok ng kanin mula sa rice cooker naramdaman ata niya ang presensya ko kaya nilingon niya ako at tinitigan mula ulo hanggang paa pabalik sa mukha ko.

“May tubig pa ba sa drum?”  Kalmadong tanong niya.

“Ammm k-konti na lang eh d-don't worry iigiban ko na lang.”

Bumawi ito ng tingin saka muling nagsandok kaya lumapit ako sa kusina para tulungan siya sa ginagawa.

“May sinabi ba akong mag-igib ka?”  Seryosong tanong ni Dante. Teka git ba siya? Hala baka dahil sa nabastusan siya sa akin kanina nung naihi ako!

“W-wala. Gusto ko lang tumulong.”

Pinigilan niya ako ng akmang magsasandok na ako ng ulam.  “Akong mag-iigib gawain ko iyon bilang Asawa. Umupo ka na sa hapag naroon na ang pagkain mo wag ka ng lumabas.”

“Ha?”  Nagtatakang sinipat ko ang hapag kainan namin saka ko lamang napansin ang nakataob ng plato at isang mangkok ng mainit na gulay at kanin.  “T-tutulungan na lang kita—.”

Dante Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon