KABANATA 21

294 13 2
                                    

Stacey's POV

Naunang bumaba ng Kotse si Dante saka nito masuyong inalalayan ang Asawa niya sa paglabas.

"Wife, here's the key mauna ka na sa Unit natin ipagtimpla mo na lang ako ng kape."  Malambing na turan ni Dante.

"Okay, kaya mo ba yan lahat ang dami mo kasing binili eh."

Tumawa si Dante— namiss ko ang tawa niyang 'yon hindi ko tuloy maiwasang ang titigan sila parang napakaperpekto nilang dalawa.

"Ayos ka lang ba?"

"Ah o-oo okay lang ako, Rex."

Bumuntonghininga ito bago binuksan ang pinto ng drivers seat.  "Tutulungan ko lang si Dante mag-akyat ng mga pinamili nila ng Misis niya so dito ka muna, saglit lang 'to okay."

Ngumiti ako at tumango. Kilala ko na si Rex ganun din si Roger at Gavin mga tapat silang kaibigan ni Dante lage silang magkakasama kahit ilang beses kong alamin ang trabaho nilang Apat never na may sumagot sa akin ng matino maging si Dante. Alam kong napipilitang lang si Rex na pakisamahan ako dahil dati akong Girlfriend ng Kaibigan niya, maging sila apektado sa ginawa kong desisyon na pinagsisisihan ko ngayon.

Mataman kong pinagmasdan si Dante medyo matagal na din simula ng naghiwalay kami tumanda na siya pero maslalo lamang dumagdag ang s3x appeal niya bagay na hindi ko maitatanggi. Gusto ko siyang hawakan man lang at yakapin kaso ni ayaw nga niyang maglapat ang mga balat namin kaya pano ko 'yon magagawa. Pumasok ang dalawa sa lobby ng Condominiums bitbit lahat ng pinamili nilang mag-asawa. Hindi ko na napigilan pa ang pagtulo ng mga luha ko. Hindi ko na magiging pag-aari si Dante.

"M-mahal kita… mahal na mahal kita walang Araw na hindi ka sumagi sa isipan ko sorry k-kung iniwan kita masyado pa akong Bata noong mga panahong 'yon hindi gaya ngayon na alam ko na ang kahalagahan ng bawat oras lalong-lalo ang bawat taong nagbigay sa akin ng pagmamahal. I'm sorry Dante. I wish I could turn back time so we could be together again."  Bulong ko sa hangin habang patoy na nakatanaw sa nakatalikod nitong anyo.

Inayos ko ang sarili ko ng makita kong lumabas na ng lobby si Rex.

Binuksan nito ang pinto ng drivers seat saka umupo para paandarin ang Kotse.  "Sorry kung natagalan ha."

Tumango lamang ako.

Tumikhim ito.   "Alam kong masakit kaso nangyari na diba saka deserves naman ng Pareng Dante ko na maging masaya diba. Makakalimutan mo din siya. Kung anuman ang meron kayo dati tiyak na ibinaon na 'yon sa limot ni Dante— parang hindi mo kilala yung taong yon what you see is what you get saka nasaktan din siya taon din bago siya naka-move on sayo so I expect na sana ganon ka din."

Lalo lamang tumulo ang mga luha ko sa sinabing iyon ni Rex, lahat ng alaala ko tungkol sa amin ni Dante isa-isang bumabalik kaya hinayaan ko ang sarili kong maglulsa sa katangahan ko.

"Owkei I guess na iiyak mo na lang siguro 'yan we all know na Dante is a man of his words kaya kahit anong gawin mo if ever na meron man eh wala ring mangyayari nakatali na siya kay Victoria at legal silang Kasal. Sana makamove on ka din."

Sige lang ang tango ko habang walang tigil ang pagtulo ng mga luha ko. Tanggap ko naman na wala na sa akin si Dante hindi ko lang kayang pigilan ang nararamdaman kong sakit.

Sunod-sunod ang buntong-hininga ni Rex.  "Aalis na tayo para mabawasan 'yang nararamdaman mo."

***

Victoria's POV

"Nasan na sila?"

"Sino?"  Balik tanong ni Dante.

"Yung ex mo hindi mo ba siya papasukin man lang dito isa pa tumira din naman siya dito diba at natulog din naman siya sa kama mo panigurado ko 'yan."

Inayos nito isa-isa sa estate ang mga school supplies ko para daw madali kong makuha kung kakailanganin kong gamitin.

"Know what Misis ko, about sa kama matagal ko nang tinapon yon pati mga unan at kumot at punda dahil naka-move on na ako at isa pa kahit kailan hindi na sya pwedeng tumapak pa sa pamamahay ko lalo na at may Reyna na ako and it's you. Bakit gusto mo bang gayahin ko yung ibang lalaki na kahit may pananagutan na eh pumapatol pa sa iba at maspinipili pa nila ang mga k@bet nila kesa tunay nilang Asawa. Alam mo Misis ko oo naging mag-asawa tayo kasi pin@tay ko ang Papa mo at nakapangako ako sa kanya na aalagaan kita so be it magiging tapat ako sayo hanggang sa huling hininga ko— asasayo na kung tototohanin mo ang divorce natin in the future."

"Ah. Pano kayo naghiwalay?"

Tinapos muna nito ang pag-aayos ng mga supplies bago ito naglakad tungo sa kusina para kunin ang tinimpla kong kape.

"Interesado ka ata, Misis ko?"

"Gusto ko lang naman malaman isa pa hindi kita kilala diba ikinasal ako sayo kahit hindi pa kita kilala."  Hinaluan ko ng konting taray ang tono ng boses ko para mayanig ko ang Kapreng ito kahit paano.

Humigop ito ng kape saka umupo sa single couch at ngumisi.  "Okay, maspinili niya ang ibang lalaki kesa sa akin, yon yung dahilan kaya hindi kami nauwe sa Happy ending."

Umupo din ako sa couch pero malayo kung saan naka-upo si Dante.   "Bakit?"

He chuckled.   "Kasi naubos ang lahat ng pinaghirapan ko at takot siyang maghirap kasama ko kaya—."   He cleared his throat.   "Naging k@bet siya ng Mayayamang lalaki kapalit ng malaking halaga ng pera at kung itatanong mo kung iniyakan ko ba siya, well yes I do love her that time but I already accepted the truth that no matter what I do she won't see my worth."

"Ganon."  Tatango-tango ako habang nakikinig sa kwento nito.

Nilapag nito ang hawak na tasa ng kape sa center table saka umunat ang haba niya talaga. Nabigla pa ako ng magtanong ito.

"How about you Wife. How many guys have you dated before?"

"Ako?". Turo ko sa sarili ko.

Tumawa ito.  "May iba pa ba akong Asawa bukod sayo?"

Ramdam kong nag-init ang mukha ko sa pagkapahiya ko pero agad akong nakabawi.   "W-wala pa akong nakaka-date."

"Really."  Saad nito sa mapang-akit na boses. Biglang kumabog ng malakas ang dibdib ko ng magtama ang tingin naming dalawa agad akong bumawi Lalo at nakangisi ang Kapreng ito!

"Eh ano naman sayo kung wala pa akong nakaka-date!"  Pagsusungit ko.

"Wala. Masaya lang ako."  Saka ito tumayo at nagtungo sa kusina.  "Maglalaba na ako hindi mo ba ako tutulungan— okay din naman kung ako na lang maglaba ng mga damit natin."  Pumasok ito sa laundry area, bigla akong napatayo ng maalala ko ang mga panty at bra ko na nakahalo sa labahan.

Nagmamadali akong nagtungo sa laundry area.

"Dante!"  Tili ko ng makita ko itong hawak ang maduming panty ko.  "Panty ko 'yan!"

"Oo nga sinabi ko bang sa akin 'to?"  Pilosopong sagot nito kaya humakbang ako palapit dito at hinablot ang panty ko.

"Bakit mo hawak ha!?". Hasik ko.

Tinawanan lang ako nito.  "Natural maglalaba nga po ako Misis ko kaya ko hawak yan kasi ihihiwalay ko de-kolor at mga puti  para hindi maghawa ang mga kulay.

Tumikhim ako.  "G-ganon ba?"

"Opo Ganon na nga po. Saka Mister mo ako kaya wag ka ng mahiya pa sa akin e kung gusto mo panoorin mo ako kung paano maglaba para next time Ikaw na maglalaba ng mga damit natin pati brief ko."

"Ewan ko sayo Dante!"  Hinampas ko ito ng panty hawak ko kaya lalo lang itong tumawa.

Nakakaasar itong isang ito ah!

Natapos namin ang paglaba matiyaga akong tinuruan ni Dante pati kung paano magsaing at magluto gamit ang binili nitong cook book madali lang pala kung iintindihing mabuti.

Napapa-isip tuloy ako kung bakit kailangan pa siyang ipagpalit ng ex niya sa ibang lalaki.

Dante Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon