Dante's POV
Sunod-sunod na suntok ang nagpabagsak sa bakal na pinto ng barko. Malawak na espasyo ang agad na bumungad sa akin humakbang ako papasok sa nawasak na pintuan.
Nakakailang hakbang pa lang ako ng may pumalakpak. Agad ko itong nilingon.
“Good job, Dante. Biruin mo nakaabot ka ng buhay dito sa dami ba naman ng mga aso ko na nakuspt ka pa rin! Talagang kahanga-hanga!”
Bumaling ako sa direksyon ni Kuya Remus saka ko lamang napansin ang malaking kamang inuupuan nito. Naningkit ang mga mata ko ng sipatin ko ang nakabot ng kumot mula sa likuran nito.
“Awww how sweet naman talagang napansin mo siya ano!” Tumayo siya saka humakbang sa gilid ng kama at marahas na hinablot ang puting kumot. Bumalikwas ng bangon ang natatakpan ng kumot na iyon. Agad naman hinawakan ni Kuya Remus ang braso ni—.
“VICTORIA!!!” Sigaw ko ng makilala ko ang Misis ko! Sumugod ako. “PAP@TAYIN KITA!!! ANG LAKAS NG LOOB MONG HAWAKAN ANG ASAWA KO!!!”
“Dante!” Tili ng Misis ko ng biglang may nagsiharang na mga tauhan ni Kuya Remus. Napahinto ako sa pagsugod saka muling dumistansya palayo.
“Oi! Ang bilis ng kilos ah! Marami ba? Well alam mo bang yang mga yan ang pipila sa Misis mo sa oras na magkamali ka ng tono!”
“BITAWAN MO ANG MISIS KO! AKO ANG HARAPIN MO!” Ngitngit ko. Lalong kumulo ang dugo ko ng mapansin ko ang suot ni Victoria masyadong maikli ang lingerie at halos kita na ang panloob niya sa nipis non!
“O. Natulala ka ba? Ang seksi ni Misis Mauro. Alam mo ibibigay ko siya sayo kung kakanta ka ng tama.”
“ANO BANG GUSTO MO?!” Sigaw ko.
Nawala ang ngisi sa mga labi ni Kuya Remus. “Ang batang Dela Faz kapalit ng Asawa mo! Sasabihin mo kung nasaan na siya at makukuha mo ng buong-buo ang Asawa mo walang labis at walang kulang. Ano it's a deal.”
Humigpit ang hawak ko sa kadena. Ano siya hilo?! Hinding-hindi ko ibibigay sa kanila ang Asawa ko!
“Wala kang makukuha sa akin dahil wala akong alam sa mga pinagsasabi mo!”
“Talaga ba, Dante. Gusto mo akong maniwala sa mga sinabi mo?” Sabay kabig nito sa Misis ko palapit sa kanya.
Kita ko ang pagtutol sa mukha ni Victoria ganun din ang takot at kaba sa pwedeng mangyari. Alam kong Anak siya ang target namin pero Asawa ki na siya ngayon! Walang pwedeng manakit o umapi sa kanya hanggat humihinga pa ako!
“REMUS!!! BITAWAN MO ANG ASAWA KO!!!” Muli kong bulyaw.
Nakakaloko siyang humalakhak. “O sige ganito na lang. Bakit hindi na muna tayo maglaro, Dante. Matagal-tagal din simula ng huli tayong nagkita, natatandaan mo pa ba yon? Ako ang nag-alaga sayo nung dumating ka sa Ampunan! Tapos kinakalaban mo na ako ngayon! Ibigay mo sa akin ang batang Dela Faz! Finger prints lang naman niya ang kailangan ko para makumpleto ang misyon ko.”
“Misyon?”
“Oo. Misyon. Alam mo ba kung bakit nandito tayo sa lumang barko? Syempre hindi mo alam kasi wala ka nga palang alam sabi mo diba.” Sinuklay nito ang buhok ng Misis ko kaya lalo akong nanggigigil sa galit! Ako ngang Asawa ni hindi ko man lang nahawakan ng ganyan ang Misis ko! Siya pa kaya!
“Dahil sa barkong ito lang naman nakalagay ang Safe na pagmamay-ari ni Vladimir Dela Faz at doon sa Safe na yon niya itinago ang lahat ng dokumento na ninakaw niya sa Organisasyon pati pera. Ngayon tatanungin uli kita— ang Misis mo o ang batang Dela Faz?”
Hindi ako umimik. Tanging tunog ng kadena lang ang sagot ko.
“Hmp! Okay. Tutal matigas ka. Nakita mo ba ang mga lalaking nasa harapan mo ngayon? Sila lang naman ang pipila para sa hita ng Misis mo!”
“Bitiwan mo ako! Dante! Ayoko na dito! Dante!” Iyak ni Victoria.
“SABING BITAWAN MO ANG MISIS KO!!! LAHAT KAYO IBABAON KO NG BUHAY!!!” Angil ko saka akoabis na sumugod. Sinalubong ko ng kadena ko lahat ng mga hayok sa katawan ng Misis ko! Wala silang karapatang hawakan si Victoria! Ako lang ang pwede! Hindi ko pa nga nakikitang hub@d ang Misis ko tapos uunahan pa nila ako!
***
Victoria's POV
Isa-isang nagtumbahan ang mga kalaban ni Dante kahit na marami sila kung ikukumpara sa kanya para lamang silang mga manika na sa isang suntok lang ay bagsak sa sahig. Halos masuka ako sa paraan ng pagp@tay ni Dante sa mga tauhan ng lalaking may hawak sa akin!
Nakakabinging palahaw at daing ang tanging ingay sa kabuoan ng kinalalagyan namin. Pinagmasdan kong maigi ang lalaking pinakasalan ko parang ang layo-layo niya sa Dante na kilala ko na makulit, maginoo na may pagka bastos. Nakakatakot ang itsura ngayon ni Dante para siyang demonyo na nagwawala sa bawat pakawala niya ng suntok talagang may nababawian ng buhay. Walang tigil ang pag-agos ng mga dugo mula sa katunggali ng Asawa ko pero wala ring tigil ang pagdating ng mga kapanalig nila siguradong matatalo nila si Dante sa oras na mapagod siya. Ayokong makita kung paano nila pahihirapan si Dante hindi ko kakayaning marinig ang daing niya!
Wala akong ibang magawa kundi ang panoorin lamang siya habang binubuwis niya ang buhay niya makuha lang ako kahit na may choice naman siya na sabihin na lang sa kanila na ako ang batang Dela Faz na hinahanap nila— p-pero hindi niya ginawa iyon talagang pinanindigan niya ang pagiging mag-asawa namin na ako na ngayon si Victoria Mauro.
Napahiyaw ako ng makita kong natumba si Dante hindi dahil sa natamaan siya ng kalaban kundi dahil sa nadulas siya sa malagkit na dugo na kumalat sa sahig. Sinamantala iyon ng mga kalaban niya at sabay-sabay silang sumugod.
Hindi—.
Mam@m*tay si Dante sa oras na kumpulan nila ang Asawa ko!
“DANTE!!!!” Sigaw ko.
“HEEEYYYYAAAA!!!” Sigundang sigaw ng kung sino.
Nabuhayan ako ng loob ng makilala ko ang mga bagong dating!
“ROGER!!!” Tawag ko.
Ngumisi lang siya sabay wasiwas sa hawak na mahabang combat knife?! Ang haba naman ata? Baka Samurai na ‘yon? Kahit kailan talaga laging out of the box mag-isip si Roger hindi ko malaman kung abnormal ba siya o talagang may pagkakulang-kulang lang. Hiniwa niya ang bawat kamay na nakakapit kay Dante habang ang dalawa naman nakikibagbakbakan din. Dapat galit ako sa kanila dapat hilinging kong matalo sila dahil sila ang pum@tay sa Papa ko pero kabaliktaran ang lahat dahil lihim akong napangiti. Kampante na ako na hindi masasaktan si Dante dahil kasama na nita ang mga kaibigan niya.
“Well, malapit ng maubos ang mga aso ko.” Ibinigay ako nito sa katabi naming lalaki. “Hawakan mo yan Cha. Kapag naubos lahat ng aso ko tiyak na tayo ang magpipiyesta sa Babaeng yan kaya ingatan mong hindi yan makawala.”
Ngumisi pa siya bago tumalikod saka humakbang palapit sa nagaganap na labanan. Bakit parang napakakampanti ng lalaking yon na mananalo siya laban kay Dante?
“Pasensya ka na Misis Mauro. Ipagdasal mo na lang si Dante dahil ang Payaso na ang susubok sa galing ng Asawa mo. Si Remus ang Taga-ligpit ni Supremo. Siya ang kinatatakutang sa Organisasyon ang pinakamalakas sa lahat. Kapag siya na ang kaharap mo isipin mo na lang na patay ka na.”
Hindi. Mamamatay ba si Dante?
Hindi. Ayokong mawala siya sa akin! Soya na lang ang meron ako!
“Panoorin mo kung paano pululuhurin ng Payaso ang Alas ng Pala.” Bulong nito.

BINABASA MO ANG
Dante
AksiyonPROLOGUE "Ano ng gagawin natin sa isang ito?" Tukoy ni Gavin sa Subject namin. Tinitigan ko ang walang buhay na katawan ng negosyanteng pin@tay namin. "Eh kung pugut@n na lang natin ng ulo para masmasaya!" Sabat ni Roger na mukhang tuwang-tuwa sa n...