KABANATA 64

353 16 1
                                    

Dante's POV

Maaga kaming ginambala ni Roger para daw maaga namin masimulan ang paggawa ng Kubo nila para daw makalipat na sila ni Mona.

“Ang aga mo nang istorbo!”  Asar na turan ni Rex habang may hawak pang tasa ng mainit na kape.   “Ang layo na ng Kubo namin pero talagang napuntahan mo talaga ha.”

“Para maaga nga nating magawa yung Kubo namin ni Mona!”  Gigil na turan ni Roger na may hawak ding tasa ng mainit na kape na sige pa ang hikab. Halatang kagigising lang ng isang ito ah.

“Whew eh bakit si Gavin hindi mo ginising patu si Marcus?”  Natatawang asar ko.

Umasim ang mukha ni Roger saka umupo sa baitang ng hagdan ng Kubo namin ni Misis sabay lagok ng kape.   “Gising na si Vin yung Marcus naman hindi kami close nun kaya pinabayaan ko na lang.”

Nagkatinginan kami ni Rex. May pilyong ngiti ang sumilay sa mga labi nito na na-gets ko naman halata naman na nagseselos si Roger sabagay nakaka-intimidate naman kasi talaga ang itsura ng Marcus na iyon buti na lang at napa-amo ko agad si Misis kasi kung hindi tiyak na nakabusangot din ako gaya ni Roger ngayon. Medyo tagilid kasi ang labanan kung itsura ang pag-uusapan lamang kasi ng sampung paligo sa amin ang lalaking iyon pero king performance tiyak naman akong pang championship round ako kita naman kay Misis eh.

“Goodmorning, ang aga nyo ah.”  Bungad ni Misis na may bitbit na tasa ng kape.

Sabay pa kaming napalingon sa kanya. 

“Morning din, Misis.”  Bati ni Rex at Roger talagang nasanay na silang nakiki-misis ah.

“Kape tayo.”  Alok ni Rex.

Ngumiti lang si Victoria saka humakbang palapit sa akin.  “O magkape ka muna. Bakit ang aga nyo? Magtitinda ba agad kayo? Kauuwi nyo lang diba saka may sugat pa si Rex baka mag-alala pa si Daisy eh.”

“Okay lang naman ako, Misis. Ano kasi gagawa na kami ng Kubo para naka bukod  itong lovers na hindi naman nagkakaintindihan pero pumapatok!”  Sabay tawa ni Rex ng malakas na ikinahaba ng nguso ni Roger.

“Goodmorning mga Pare!”  Kaway ni Gavin pababa ng baitang ng Kubo nila.

Inubos ni Roger ang laman ng tasa niya saka siya tumayo at naglakad papasok ng Kubo nila.

“Problema non?”  tanong ni Gavin ng makalapit na sa amin.

Tumawa si Rex.  “Inaatake ng insecurities niya.”

Tumaas ang isang kilay nito.   “Insecurities? Pwede ba yon sa mga Lalaki? Diba mga babae lang yung merong ganon.”

“Oi, grabe ka naman sa amin Gavin kaya wala kang love life kasi kanyan ang tingin mo sa mga gaya ko. Alam nyo kayong mga Lalaki pare-pareho kayong mga inconsiderate at napaka-bossy nyo po!  Ang hilig nyo kaming manduhan na mga Babae tapos kapag ayaw namin kayong pagbigyan nagagalit pa kayo ang iba ang lakas pa ng loob na mambabae kahit pangit naman!”

Natigilan sa paghigop ng kape si Gavin tingin ko nabigla siya sa sagot ni Misis ganun din si Rex na wala sa sariling nilagok ang umuusok pa niyang kape.

Hinaplos ko siya sa bewang para mawala ang asar niya at bahagyang kinabig na rin.  “Mama, wag kang masyadong magalit kay Gavin baka maging kamukha niya si Baby—.”

Nalunok ko ang dila ko ng tinitigan niya ako.  “Mam—.”

“Wag mo akong ma mama-mama diyan Dante ha! Hindi ka exempted sa sermon ko!”

“K-kasali pala ako?”  Turo ko sa sarili ko.

“Oo! Ang panget mo kayang Kapre ka! Magkamukha kayong tatlo!”  Dagdag pa nito.

Dante Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon