KABANATA 92

621 22 10
                                    

Roanne's POV

Yakap ko ngayon si Tito Gavin habang nagsasayaw sana hindi na matapos ang tugtog gusto kong ganito na lang kami ayoko siyang pakawalan dahil siguradong sa oras na bitawan ko siya mawawala na siya sa akin ng tuluyan.

Hindi ko kayang tanggapin na iiwanan niya ako dito bakit ba ang lupit sa akin ng pagkakataon samantalang isa lang naman ang gusto ko eh at yon ay ang makasama lang si Tito Gavin.

Nasa kalagitnaan ako ng malalim kong pag-iisip habang nakasandal sa dibdib niya ang ulo ko at nakayakap ng mahigpit sa kanya ng muli siyang magsalita.

“Napakaganda mo, Roanne. You will always be my cute marshmallows.”  Yun ang tawag niya sa akin noong bata pa ako sa tuwing sumasalubong ako pag-uwi niya mas niyayakap ko pa nga siya kesa sa Papa ko kasi kahit noon pa alam ko ng mahal ko siya kaya lagi siyang may uwing isang plastic ng marshmallows para sa akin at kina Monina, Danica, Macbeth at Kuya Xeed lahat kami merong natatanggap kada uwi ni Tito Gavin kaso ako lang ang kinakalong niya dahil nakikipag tulakan ako sa kanila para ako ang mapansin niya at kapag meron siyang ibang kinakalong talagang umiiyak ako ang nagwawala madalas din akong gumugulong sa lupa kaya sige naman ang tawa ni Tito Roger dahil ang cute ko daw tapos bubuhatin naman ako ni Papa saka ako ibibigay kay Tito Gavin saka lang ako tatahan kapag yakap na niya ako gaya ngayon.

Naramdaman ko ng hagkan ni Tiro Gavin ng bunbunan ko kasabay ng palakpakan ng mga tao dahil tapos ng ang 18th roses.

“Tito.”  Tawag ko habang mahigpit akong nakakapit sa kamay niya.

“Bababa lang ako ng stage at tatagay ng mga kaunti.” Paalam niya sabay ngiti kaya hinayaan ko na siyang makaalis.

Nagsalita ang Host para sa gabing iyon tinawag na niya ang mga magbibigay sa aking ng 18th symbolic gifts habang ako naman nagtungo ako sa mala-fairy tale kong trono para umupo hindi ko talaga mapigilan ang mapaiyak hindi ko expected ang ganito para sa Kaarawan ko talagang nasorpresa nila ako.

Isa-isa ng nagbigay ng mga regalo ang mga kaklase ko syempre kasama din sina Kuya Xeed, Danica, Macbeth at Monina meron pang explanation kung bakit yon ang naisip nilang ibigay sa akin bilang regalo pero wala doon ang pansin ko dahil nasa mesa nila Papa ang mga mata ko mataman kong pinagmamasdan si Gavin habang sige ang lagok niya sa shot glass.

Natapos ang program at umpisa na ng kainan merong mga Waiter na nag-serve sa bawat mesa ng makakain ng mga bisita habang ang iba naman self service kung hindi sila makapag-antay. Tatayo na rin sana ako para kumuha ng pagkain ko kaso naunahan na ako ni Gavin parang ang bilis naman ata niyang kumilos kanina lang naroon siya sa mesa nila Papa at nag-iinuman.

“Tawagin mo lang ako kung may kailangan ka pa.” Saad niya saka siya naglakad pabalik sa mesa nila at muling tumagay sabay sulyap sa akin na nagpabilis ng tibok ng puso ko. Lord sana po ibigay nyo na lang sa akin si Gavin pangako mag-aaral po akong mabuti.

Muling pumailanglang ang musika kaya nag tayuan ang iba na gustong makipag sayaw at kasama dun si Kuya Xeed na nahihiya pang lumapit kay Monina habang si Monina naman kontoda ang bungisngis sabay hila kay Kuya sa gitna ng dance floor. Sige lang ang kain ko habang nakatingin sa mga nagsasayawan nahagip ko si Tito Gavin nakatalikod siya at patungo na sa Kubo niya medyo kumulo ang dugo ko dahil sa paraan ng pagtitig ng mga Babae sa kanya habang naglalakad siya humabol pa sa kanya ang isa sa kasama ng mga Babaeng nag kumpulan saka nagsalita kaso di ko naman marinig dahil bukod na malayo sila eh ang lakas pa ng music nakakaasar!

Tumawa ang Babae saka may binulong kay Tito Gavin sabay tingin sa akin nagpang-abot ang mga mata kumaway sa akin si Tito Gavin at sumenyas ng matutulog na daw siya bago niya balingang muli ang kausap na Babae saka ito iniwan, whew kala mo ha akin na yang Lalaking yan sa iba ka na lang lum@ndi.

Dante Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon