Gavin's POV
Ilang araw na lang at Birthday na ni Roanne nakahanda na ang regalo ko para sa kanya at handa na rin ako para pakawalan siya, sana sa pagbabalik ko ganito pa rin kami at pareho pa rin ng nararamdaman.
“Pare, matanong ko lang ha kasi matagal na tayong magkasama medyo nakakahalata lang kasi ako eh.”
“Ano yon, Roger?” Tanong ko ng maiayos ko ang mga bagong harvest naming gulay malapit sa gate ng Tierra de Alas.
“Kayo na ba ni Roanne o may something kayo na romantic ang datingan?”
Natigilan ako. Anong isasagot ko kay Roger?
“Hindi lang naman ako ang nakakahalata maging si Rex, Marcus at Kuya Remus pati mga Asawa nila si Mona nga nagtatanong sa akin kung ano daw ba ang level nyo. Ano meron ba kayong something o wala?”
Natawa ako sa itsura ni Roger bagay pala sa kanya ang maging usisero.
“Anong nakakatawa sa tanong ko?”
Umiling ako.
“Parang wala tayong pinagsamahan kung makatawa ka ah.”
Tumikhim ako saka pumormal. “Bata pa si Roanne.”
“So, gusto mo nga siya?”
Tumango ako.
“Alam niya?”
“Oo. Kaso hindi pwedeng maging kami.”
Nagkibit-balikat si Roger. “Dahil ba kay Dante?”
Pagak akong tumawa. “Hindi niya ako matatanggap para kay Roanne.”
“Bakit nasubukan mo na bang kausapin ang future in-laws mo?”
Umiling ako.
“O hindi pa naman pala eh. So anong plano mo?”
Wow ha ngayon ko lang nalaman na may sense din pala kausap itong si Roger. “Aalis ako pagkatapos ng Birthday ni Roanne.”
Nibagsak ng tuluyan ni Roger ang pasan-pasan na sako ng Kamote. “Ano kamo aalis ka? Bakit naman?”
“Dahil yun ang tama.”
Pinagpag nito ang mga kamay bago bumuntong-hininga. “Alam mo Vin magulang si Dante kaya normal lang na maging agresibo siya lalo at nag-iisang Anak lang nila si Roanne gaya ko diba akal mo tatawa-tawa lang ako sa tuwing nagsusumbong si Monina na may nagtitrip sa kanya sa school.” Ngising aso ang loko ah! “Aba si Roger ata ito kapag Anak ko na ang kinanti siguradong may kalalagyan sila.”
“O eh saan mo naman nilagay?”
“Sinabit ko lahat sa puno pero hindi sa leeg ha hinagis ko sila isa-isa sa laki ng muscles ko uubra ba sila.” Pagmamalaki pa nito.
“Ewan ko sayo kaya ka napapa-away eh kasi sa ganyang ugali mo.”
“Hot, si Monina ang ginag@go nila at bilang Ama tungkulin kong iparamdam sa Anak ko na kahit sino o ano pa iyan makakaasa siyang may magtatanggol sa kanya at syempre sino pa ba o di si—.”
“Papa!” Tawag ni Monina sa Ama kaya natigil si Roger sa pagsasalita.
Patakbong lumapit sa amin si Monina ano na naman kayang ganap sa bahay nila.
“Nak, dalaga ka na kaya kung pwede wag kang takbo nang takbo saka nagsuot ka ba ng br@?”
Hinihingal pa si Monina ng huminto sa harap namin.
“Hi Tito Gavin.” Bati niya sa akin bago balingan ang Ama. “Nasa bahay naman po ako Papa isa pa ang init non eh.”
“Kahit na. Dalaga ka na kaya dapat nagsusuot ka ng ganon.” Sermon ni Roger.
Tumayo ng maayos si Monina gaya ni Mona maganda ang hubog ng katawan ng unica iha nila. Namewang si Monina saka ngumiti. Kuhang-kuha niya ang galawan ng Papa niya ah parang mini version siya ni Mona na may ugaling Roger.
“Bakit ganyan ka makangiti?”
“Lagot ka kasi kay Mama.”
Nagkatinginan kami ni Roger bigla atang nalusaw yung pagiging Barako ng kaibigan ko ah. Bahagyang yumuko si Roger sabay sipat sa direksyon ng Kubo nila.
“B-bakit naman? N-naglaba na ako diba saka hinugasan ko nama yung pinagkainan ko ah.” Mahinang sambit ni Roger sabay punas ng namumuong pawis.
Tumawa si Monina. “Kasi po Papa tumunog ang cellphone nyo kanina at saltong nagluluto si Mama ng pananghalian natin kaya sinagot niya at sino po si Marites? Galit na galit si Mama sabi ni Mama magbalut-balot na daw pomkami ng damit namin kasi mamaya pagkatapos daw po nating mananghalian aalis daw po kami at hindi daw po namin kayo isasama!”
“Ha!? Lalayasan nyo ako? Aba! Hindi pwede yan Monina! Pag-aari ko kayo kaya dito lang kayo sa Tierra de Alas at walang aalis saglit lang at kakausapin ko lang ang Mama mong maganda.” Sabay halik niya sa noo ng Anak bago nag martsa pabalik ng Kubo nila.
Ibang-iba na nga si Roger kumpara dati marunong na siyang manindigan. Saglit sino nga ba si Marites?
Magtatanong na sana ako kay Monina ng mabilis pa sa kidlat na tumakbo palabas ng Kubo si Roger habang may bitbit na bayong. Grabe ang tawa ni Monina.
“Okay ka lang ba Pare?” Tanong ko ng makalapit sa amin si Roger namumutla pa ang loko habang mahigpit na hawak ang bayong.
“Oo naman ako pah!” Hinihingal na sagot niya.
“Papa, anong sabi ni Mama?” Nakangiting turan ni Monina sabay silip sa loob ng hawak na bayong ng Papa niya, mga damit pala iyon.
Tumikhim si Roger. “Ehem. Sabi ng Mama mo kay Tuto Gavin mo na daw muna ako makitira habang mainit pa ang ulo niya saka Anak pwede bang pakisabi sa Mama mo na hindi ko kilala yung letsugas na Marites na ‘yaon! Ang pagkakaalam ko dun eh para sa tsismosa ang pangalan na ‘yon saka hindi ako nambababae ha Anak dahil si Papa loyal kay Mama kahit na may topak ang Mama mo mahal ko yon!”
Sige lang ang tawa ni Monina mukhang aliw na aliw siya sa mga Magulang niya na kahit sala sa lamig ang ugali eh sintibay naman ng asero ang pagmamahalan.
Muling hinagkan sa noo ni Roger ang Anak habang mahigpit na yumakap naman si Monina sa Papa niya, kaedaran ko lang siya pero meron na siyang mini version niya habang ako wala dahil halos kaedaran lang ni Monina si Roanne kung tutuusin para ko na lamang siyang Anak.
“Okay po Papa. Hatiran ko na lang po kayo ng ulam ah. Saka sasabihin ko kay Mama na ibibili mo siya ng bagong pocket book para mabawasan na po yung init ng ulo niya kasi naman Papa wag nyo po kasing pinamimigay sa iba ang cellphone number nyo o ayan tuloy si Mama po ang nakasagot hindi pa naman kayo sanay matulog na hindi yakap si Mama.” Bumungisngis na naman si Minona sabay tingin sa akin. “Si Tito Gavin na lang po muna ang yakapin nyo.” Sabay takbo niya.
Nilingon naman ako ni Roger.
“Umayos ka kung ayaw mong bigwasan kita!”
“Wow Mona ka na din ba Pare? Grabeh ha tinamaan ako ng sandok sa ulo para sinabi ko lang naman na Tsismosa ang mga Marites diba ayun lalong nagalit dahil naka-usap daw niya yung Babae at araw-araw ko daw siyang pinupuntahan sa tindahan niya sa Palengke e diba isang tindahan lang naman pinupuntahan ko kapag nagpapaload ako bw!sit kasi Load yan nauso pa ayan tuloy pati ulo ko nasandok ni Misis!”
Humagalpak ako ng tawa talagang kuhang-kuha ni Monina ang ugali ng Papa niya parang Lalaking Monina lang si Roger ang cute nilang mag-ama hindi ko tuloy alam kung kanino ako papanig kung kay Roger o kay Mona.
“Ha ha ayan sige lang tawanan mo ako kapag nag-asawa ka mararanasan mo rin ang nararanasan ko este nararanasan ng namin pala na kahit gustong-gusto mo na suntukin eh hindi pwede bakit dahil off-limit sila kaya natin sila inasawa dahil sila yung gusto nating makasama hanggang pagtanda natin o diyan ka muna Pare ilalagay ko lang sa Kubo mo itong bayong ko mamaya hahatiran tayo ng Anak ko ng pagkain.” Paalam ni Roger.
Tama naman siya.
Naisip ko bigla ang sitwasyon namin ni Roanne sana dumating yung araw na malaya ko siyang mahawakan bilang Babae hindi bilang Anak ng kaibigan ko.
BINABASA MO ANG
Dante
БоевикPROLOGUE "Ano ng gagawin natin sa isang ito?" Tukoy ni Gavin sa Subject namin. Tinitigan ko ang walang buhay na katawan ng negosyanteng pin@tay namin. "Eh kung pugut@n na lang natin ng ulo para masmasaya!" Sabat ni Roger na mukhang tuwang-tuwa sa n...