KABANATA 5

389 15 0
                                    

Victoria's POV

Ilang Oras din ang biyahe mula America hanggang Pilipinas. Agad na sumalubong sa akin ang mainit na simoy ng hangin talagang nasa Pilipinas na nga ako medyo mainit na din dahil umaga na ng lumapag kami sa Manila International Airport 1.

Dapat siguro tumakas na ako pero paano e sa higpit ng hawak ng Dante na 'to sa kamay ko eh makawala pa kaya ako? Hinila ako ni Manong pagkatapos naming makuha ang mga dalahan naming mga bag. Hindi ko maiwasang maasiwa dahil panay ang tingin sa amin ng mga tao, naku impossible namang nakilala nila ako e ni hindi nga ako nalabas ng Mansyon at lalong hindi pinaglalandakan ni Papa ang mukha ko sa Media.

Natigilan kami sa paghakbang ng may bumangga kay Dante.

"Omg I'm so sorry." Na sinundan pa nito ng bahagyang pag-ipit ng kapirasong buhok pabalik sa likod ng tainga nito.

Nagpapa-cute ba siya sa mga kasama ko? Ang cheap ha! Naku kung alam mo lang na mamamatay tao ang mga 'yan siguradong magtatatakbo ka palayo. Sinundan ko ang mga mata nito at saktong kay Dante ito nakatitig, aba at mukhang may nagayuma agad si Manong ah! Hinawi ko ang kamay ko kaya nilingon ako nito na sinalubong ko naman ng nakasimangot na tingin.

"Ummm is she your sister? How sweet-." Naputol sa ere ang sasabihin nito ng magsalita si Dante.

"She's my Wife, can't you see her ring? Get lost you're blocking us." Masungit nitong turan saka ako muling hinila.

Naiwan naming natulala si Miss Sosyalera.

"Wow Pare ang lakas talaga ng animalistic appeal mo!" Natatawang untag ni Roger.

"Kasi totoo namang Animal eh-." Natakip ko sa bibig ang kanang kong kamay hindi sinasadyang ma-isatinig ko ang nasa isipan ko! Nanlalaki ang mga mata ko ng lingunin ko silang Apat na seryosong nakatingin sa akin mas kinilabutan ako sa paraan ng pagkakatitig sa akin ni Dante saka ito ngumisi.

"So Animal na pala ako ngayon? Masmagandang ng pakinggan 'yon kesa Manong." Sabay bitaw nito sa kamay ko. "Iuwe n'yo na lang 'yang Misis ko."

"Sure ka Pare? Iuuwe ko talaga 'yan!" Excited na sagot ni Roger at may padila-dila pa sa bibig kala mo butiking hindi mapakali!

"Tumahimik ka nga, Roger." Saway ni Gavin.

Parang walang narinig na naglakad palayo si Dante, kung kanina kontodo hawak siya sa akin ngayon naman ipinamimigay na niya ako sa kung sinong may gusto sa akin. Topak nga siya!

Nagulat ako ng may umakbay sa akin hindi ako sanay kaya mabilis ko itong itinulak, nagulat din ito sa ginawa ko pero agad din namang nakabawi.

"Sorry ang sabi kasi ni Dante iuwe ka daw namin eh it only means na sumama ang loob niya sayo- ano kanino mo gustong sumama? Kay Roger? Kay Gavin? O sa akin?" Naka-yukong turan nito.

Nagpapalit-palit ang tingin ko sa kanila bago ko tinapunan ng tingin si Dante na malayo na talagang pinabayaan niya ako! E sa totoo namang Animal siya eh! Hindi ko Sila kilala ng personal kaya ang masmagandang gawin ngayon ay ang tumakas kaso saan naman ako pupunta? Hindi ako makakahanap ng trabaho dahil wala akong maipapakitang credentials ko kung tatakas ako baka lalo lang mapasama ang sitwasyon ko lalo na kapag nalaman nilang may Anak ang Papa ko at Ako 'yun baka kung ano pang gawin nila sa akin-.

Nabalik ako sa reyalidad ng may umubo.

Nakangiting mukha ni Gavin ang una kong napansin kumpara sa dalawa, mabait din naman 'yung Rex ang kaso mukhang may pagka-agresibo ang isang yun hindi gaya ni Gavin na sakto lang. Si Roger naman talagang walang pag-asa na makampante ako sa kanya dahil ngiti pa lang para na niya akong hinuhubaran kaya never akong sasama sa kanya.

"Have you made up your mind? Kanino mo gustong sumama?" Tanong ni Gavin.

Umiling ako saka ako tumakbo para habulin si Dante, sa kanilang Apat tiyak na ito lamang ang sigurado akong iingatan ako dahil Kasal kami at legal na kaming mag-asawa.

"D-Dante!" Tawag ko sa pangalan nito ng sumakay na ito sa nakaparadang Big bike saka nito binuhay ang makina non.

Nilingon ako nito akala ko aandar na siya pero dahil malakas ako kay Lord pinagbigyan niya ang dasal ko na 'sana hindi ako iwanan dito ni Dante'
nanatili itong nakahinto at nakatitig sa akin habang tumatakbo palapit sa kanya.

Habol ko ang paghinga ko pakiramdam ko bibigay ang mga tuhod ko ngayon lamang ako tumakbo ng ganito kabilis sa buong Buhay ko.

"Anong kailangan mo?" He asked coldly like I was a dumpster.

I looked straight into his eyes my brows lift while I take a deep breath. "I want to go home."

"Home?"

I nodded.

"I don't have a home to go back to, besides you've said that I'm an Animal well I'm a stray one." He scoffed.

I gulped. Clenching my hands tight I never used to say this kind of words before but I think this was the right thing to say by now. I offended him. I lowered my gaze. "Sorry."

I heard him chuckle. Kinabahan ako ng marinig ko ang ugong ng Motor nito. Hindi ba niya tanggap ang paghingi ko ng 'sorry'. Nanatili lamang akong nakatayo sa gilid nito at nakayuko ayokong salubungin ng tingin ang matandang ito ang galing niya ha siya ang pumatay sa Papa ko pero heto at Ako pa ang nagsosorry dahil sa mga nasabi ko! Ang kapal ng mukha niya!

"Sakay na."

Natigilan ako sa pag-iisip ng kung anu-ano saka ako ng angat ng tingin.

"Isuot mo na itong helmet ko."

I nodded and quickly grabbed the thing that he handed me and put it on my head. Tinulungan ako nito ng mapansing medyo nahihirapan ako.

"Ikaw ang magdala ng bag. Angkas na."

"Okay." Sagot ko. Nahirapan ako sa pag-angkas pano nakasuot ako ng dress kaya hindi ko alam kung paanong upo ang gagawin ko.

"Gabi naman kaya walang makakakita sa legs mo at lalong walang maglalakas ng loob na bastusin ka dahil kasama mo ako. Basta umupo ka lang at kumapit ng mahigpit malayo ang biyahe natin kaya bibilisan ko ang patakbo ng Motor ko."

Ginawa ko ang sinabi nito. Tahimik akong umangkas sa likurang bahagi ng Motor bago ko kunin ang bag at isukbit sa magkabilang kong balikat ang strap nito saka kami umandar. Humigpit ang kapit ko sa bewang nito lalo ng nasa highway na kami kulang na lang kasi ay gayahin nito ang mga napapanood ko sa tv na mga Racer. Pumikit ako habang mabilis ang andar namin saka ako dumikit ng husto sa likod ni Dante. Gaano kaya kalayo ang pupuntahan naming Lugar? Ano bang plano ng lalaking ito sa akin? Bakit hindi na lang niya ako hinayaan?

Kahit ano pang gawin niyang kabutihan sa akin mananatili pa din siyang mamatay tao sa paningin ko!




























Dante Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon