Dante's POV
Wala na akong pakialam kung sino ang makakasalubong namin sa daan basta lahat ng bumangga sa akin sisiguraduhin kong tutumba sila at hinding-hindi na babangon pang muli!
Nakangising tinaas ni Roger ang kamay para ipakita ang hawak nito. "Nakita ko na ang mga susi. Are you ready to rock and roll mga Pare?"
Kinuha ni Gavin ang batuta na nakalagay sa tagiliran ng walang buhay na bantay saka iyon hinawakan ng mahigpit. "Tinatanong pa ba 'yan. Buksan mo na lang ng magkaalaman na."
"Aba may batuta ka na agad ha, Vin." Bumaling ito kay Rex. "Ano naman ang sayo?"
Ngumisi si Rex at yumuko para kunin ang baril. Tinanggal niya ang magazine nun saka umayos ng pagkakatayo. "Hindi ako sanay sa baril masyadong maingay pero pwede na itong pang basag ng mukha diba."
"Alright." Sagot ni Roger. "So dahil ako ang nakakuha ng susi then this will be my toy for today."
Tumawa lang ang dalawa.
Bihasa naman kami sa paggamit ng baril pero mas gusto kasi namin ng tahimik na misyon kaya mas pabor kami sa combat knife o kahit anong bagay na pwedeng makap@tay ng tao.
Sumenyas ako kay Roger hudyat para buksan na niya ang bakal na rehas na humaharang sa daraanan ko para sagipin ang Asawa ko. Tahimik ang mga kapwa namin preso na nasa loob ng kani-kanilang kulungan mataman lang nila kaming pinagmasdan kilala nila kami, simula ng mapadpad kami dito sa lugar na ito ilan sa mga Mayores nila ang sumubok na patumbahin ako ang kaso malas lang nila dahil hindi ako basta-basta dahil ako si Dante Mauro ang nag-iisang Asawa ni Victoria Dela Faz Mauro. Puputulin ko ang kamay ng sinumang maglalakas loob na hawakan ang Misis ko Kaibigan man siya o Kaaway dahil ang kay Dante at kay Dante lang! Hindi ko ugaling ibinabahagi sa iba ang mga pag-aari ko at isa na dun si Victoria! Akin siya mula ulo hanggang paa kahit hanggang alipunga pa! Basta akin lang siya!
Nauna akong naglakad palabas ng Bartulinang kinalalagyan namin. Naagaw ang pansin ko ng isang kadena na nakapulupot sa rehas nasa likod ng rehas na iyon ang ilan sa mga kriminal na halang ang bituka mas magiging masaya kung magkakaroon ng kahit kaunting Welcome party man lang para sa amin.
"Dante?" Si Rex.
Sumulyap ako sa gawi nito saka ko hinawakan ang kadena walang susi si Roger para sa lock na nakalagay dito pero ayos lang I can provide! Dito ako magaling. Kinabig ko ang kadena ng buong lakas saka ko ginamitan ng kamao ko, makapal nga ang bawat bilog ng kadenang hawak ko pero mas matibay ang kamao ko kumpara sa gaya nitong kapirasong bakal lamang!
Napaatras ang mga nasa kabila ng rehas ng makita nila kung paanong nagkapira-piraso ang bahagi ng kadena na tinamaan ko ang suntok. Ngayon mas malinaw ang takot sa mukha ng mga ito mukhang umurong ata ang tapang nila hindi ata nila akalaing kaya kong dumurog ng bakal gamit lamang ang kamao ko.
"Well the living One punch man!" Halakhak ni Roger.
Umalingawngaw ang tunog ng kadena ng hugutin ko ito at ipulupot sa kanan kong kamao saka ko ito mahigpit na hinawakan.
"Nakakaamoy ako ng dugo. Pap@tay ako para sa Asawa ko. Wala akong pakialam kung anong gusto niyong gawin patatakasin ko kayo dahil matatapang kayo diba ngayon niyo ipakita ang tapang niyo. Goodluck."
Tulala ang mga ito. Akala ko ba matatapang sila? Bahag din pala ang buntot ang ganda pa naman ng intro ko ni hindi man lang sinabayan. Nilingon ko ang tatlo na natatawang nagsipag handa dahil may papalapit ng mga Swat.
"So ano ng gagawin natin, Dante?" Tanong ni Gavin.
"Swat 'yan diba." Pumuwesto ako sa unahan dahil ako ang pinuno ako ang dapat na unang sunusugod. "Gusto kong makakita ng dugo ngayon gabi!"

BINABASA MO ANG
Dante
ActionPROLOGUE "Ano ng gagawin natin sa isang ito?" Tukoy ni Gavin sa Subject namin. Tinitigan ko ang walang buhay na katawan ng negosyanteng pin@tay namin. "Eh kung pugut@n na lang natin ng ulo para masmasaya!" Sabat ni Roger na mukhang tuwang-tuwa sa n...