KABANATA 55

258 9 0
                                    

Victoria's POV

Huminto kami sa gilid ng Simbahan saka kami isa-isang lumabas ng L300 truck namin naunang bumaba si Gavin para alalayan si Daisy, si Rex kasi ang driver kaya hindi siya agad makaalalay sa mag-ina niya habang si Roger dali-daling bumaba ng passengers seat natapilok pa nga kakamadali para alalayan ding makababa si Mona saka niya nilagay sa balikat nito ang bitbit na hoodie nagkatitigan pa silang dalawa  sabay ngisi ni Roger.

“For my eyes only. Seloso ako mahirap na nasa Simbahan pa naman tayo baka makasapak pa ako kapag may tumitig sayo.”  Mahinang sambit ni Roger pero rinig naman namin kaya natawa ang tatlong kolokoy lalo na si Rex na siyang prime suspect kung bakit ganun ang suot ngayon ni Mona.

Maliit lang siyang Babae pareho namin ni Daisy kaso malakas ang dating ni Mona para siyang si Joyce Jimenez pero bilugan ang mga mata at bumagay pa sa kanya ang maikli at kulot niyang buhok lalong nakadagdag iyon sa alindog niya kaya siguro hindi nakatiis ang Amain niya ganun din ang mga kasamahan nito kasi maganda si Mona itinatago lang niya sa pagsusuot ng malalaking damit ang perpektong hubog ng katawan niya o baka talagang hindi siya nagkaroon man lang ng matinong damit. Buti at kay Roger siya napunta hindi sa kung sinu-sinong lalaki na lang.

“Hey. Mukhang malalim ang tingin mo kina Roger ah. Meron ba akong dapat pagselosan— AWWWW!! !”   Agad kong tinakpan ang bibig ni Dante sabay kabig payuko.

“Umayos ka Mister Mauro alalahanin mong may-asawa ka na at ako yon! Mamaya matatapos na ang Misa at Binyagan na ang kasunod ipapaalala ko lang sayo na subukano lang tumingin sa iba at naka Dante! Hindi kita papapasukin sa tarangkahan ng langit! Gets mo!” Habang pinipisil-pisil ko pa ang bibig nito.

Sunod-sunod ang tango ni Dante kaya pinakawalan ko na.

“Good. Dapat masunurin ka sa akin para hindi kita aawayin okay.”

Inayos niya ang nagusot na polo saka ngumisi.   “It's okay Wife masgusto ko nga yong possessive ka masramdam kong may Asaw na talaga ako.”  Sabay pisil nito sa bewang ko kaya pinatikim ko ng pinong kurot sa tagiliran natatawang dumistansya siya sa akin.

Naglabasan na ang mga tao at gaya nga ng inaasahan ko halos lahat ng mata ng mga babae e nakatuon sa apat na lalaking nasa likuran naming tatlo.

Nilingon ni Mona si Roger.

“Oi. Loyal ako sayo Mona.”  Kinakabahang sambit nito sabay kamot sa bayok aba at kahapon lang eh para silang aso at pusa tapos ngayon okay na sila— hala! Baka kaya umamo si Roger dahil gaya ni Dante nung nakaiskor! Aba mga lalaki nga naman. Parang ako rin pala si Mona may pagka-possessive sabagay magkaedaran kaming dalawa kaya siguro ganon si Daisy kasi mukhang mahaba ang pasensya niya kaya kahit may tumingin kay Rex okay lanh sa kanya. Aba! Subukan nilang tignan si Dante! Subukan lang nila!

“Pwede na tayong pumasok wala ng tao.”  Pukaw ni Rex.

Wala na ngang tao.

“Teka si Baby Xeed lang ba ang Bibinyagan ngayong araw?”  Tanong ni Dante.

“Yup. Espisyal ang araw na ito kaya dapat solo niya ang Simbahan.”. May pagmamalaking sagot ni Rex.

Naunang naglakad sina Daisy at Rex kasunod nila sina Roger at Mona habang nasa likuran naman kami ni Gavin kaya kami ni Dante ang nasa hulihan.

Nagulat ako ng hawakan ni Dante ang kaliwa kong kamay. Tiningala ko siya habang siya namang pagyo niya at nagtama ang mga tingin namin.  “Sorry kung hindi pa kita kaya iharap sa Altar but I promise one day I will walk with you down the aisle. Iniiwasan kong malaman ni Supremo na buhay pa tayong lima kaya pasensya na kung dito sa lugar na ito kita tinago— kung may pagkakataon lang ako na ilantad ka ipagsisigawan ko pa sa Mundo na Misis kita kaso sa ngayon ganito na muna tayo basta kapag malaya na tayo sa anino ng nakaraan pakakasalan kita.”

Dante Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon