KABANATA 9

365 13 7
                                    

Victoria's POV

Bumukas ang pinto ng kwarto titig kung titig ang ginawa ko kay Dante. Hindi ko malaman kung talagang natutuwa siyang inaasar niya ako.

Tumikhim ito.  "So how do I looked?"  Umikot pa talaga ito bago nito kinuha ang susi na nakasabit sa gilid ng pinto.  "Let's go."

Talagang lalabas kami? Kinuha nito ang mga papel na nasa ibabaw ng maliit ng center table saka iyon nilagay sa loob ng long brown envelope na pinasok nito sa malapad na sling bag he strides towards the door and glance at me.

"I bought you a helmet nasa Motor na."   His brows furrowed when I didn't move a little.  "Problem?"

I stretch my t-shirt.  "Bakit pareho tayo ng suot?"

He grin.  "We're couple so I bought it."  Simpleng sagot nito.

My knuckles turn white while holding my shirt.   "Are you serious about this."

He nodded.  "Halika na mahaba ang pila kapag nagpapaenroll sa Public schools hindi gaya ng kinasanayan mo mayaman ka kasi at ako mahirap lang at dahil ako ang napangasawa mo kaya tiis ka na lang muna."  Tatawa-tawa pa ito.

Tumalikod ako plano kong bumalik ng kwarto para magpalit ng damit!

"Hep! Hep! Saan ka naman pupunta Misis ko?"  Pigil nito sa akin.

Pilit akong ngumiti saka ko ito hinarap tutal malakas naman ang asar niya eh kaya gagayahin ko na lang.   "Ummm---- magpapalit ho ng damit."

"Why?"  Nawala ang pagkakangiti nito kaya natuwa ako kahit pano naka-isa ako sa kanya!

"Ummm naisipan ko lang kaya nga magpapalit ako ng da—."

"Okay subukan mo lang at huhubaran na lang kita tapos itatali kita sa kama, ano maganda bang naisip ko?"  Seryosong putol nito sa pagsasalita ko.

Natahimik ako parang nalunok ko ata ang dila ko kasama ang tapang ko.

"Bagong palit pa naman ang pinto natin masmatibay na ito kesa dati. Sige na magpalit ka na sasamahan pa kita."

Gusto kong maiyak bakit ba lagi na lang siyang nananalo kahapon pa siya ah! Sinikap kong pigilan ang mga luha ko ayokong iparamdam sa kanya na talunan ako. Taas noo akong naglakad palabas ng Bahay daw namin at dahil nakaharang siya sa daan pasimpleng tinapakan ko ang paa niya makaganti man lang.

"Aray, why did you do that for?"  Wow umobra. Akala ko manhid ang isang 'to hindi pa naman pala.  "Ang sakit naman Misis ko."

"Hindi ko nakita ang paa mo kasi nakatitig ako sa gwapo mong mukha. Sige mauna na ako sa baba mukhang napuruhan si hinliliit mo eh."  Ang sarap sa pakiramdam nakaganti ako! Humakbang na ako palapit sa elevator ng magsalita si Dante.

"Sorry kung nakaharang ang paa ko but I never hurt you, you're my Wife." 

Parang tinablan ako sa sinabi nito. Huminto ako. Nilingon ko ito habang hinihimas nito ang nasaktang paa Bago nito ni-lock ang pinto. Sabagay hindi nga niya ako sinasakyan pero dinadaan naman niya ako sa takutan.

Iika-ika itong naglakad palapit sa akin nakatsinelas lamang nito ng Sandugo habang ako naka-rubber shoes napako ang tingin ko sa namamagang hinliliit nito.

"Akala ko ba mauuna ka na sa baba?"

Tinitigan ko ito saka ako yumuko.

He gasps.  "Hindi ako galit. Malayo sa bituka. Let's go. May lakad din ako mamaya pag-uwe natin."

Sumunod na lamang ako sa kanya papasok ng elevator. Saan kaya ako mag-aaral? Sana mababait ang mga Kaklase ko. Excited na ako!

******

Sakto ang laki ng School na papasukan ko masaya ako dahil ito ang unang beses na makakatapak ako sa  Paaralan, mula kasi pagkabata ko meron lang akong Private Teacher mula sa Hamilton International School.

"Bumaba ka muna Misis ko hahanap lang ako ng mapaparadahan. Antayin mo ako dito sa gate wag mo akong tatakasan maliwanag ba."  Bilin nito.

Tumango lang ako saka ko tinanggal ang suot kong helmet at tumabi sa gilid ng gate.

"Saglit lang ako."

Pinagmasdan ko ito hanggang tuluyan na itong maglaho sa paningin ko saan kaya siya magpa-park ng Motor niya? Hindi naman ata niya ako iiwanan dito dahil tinapakan ko ang paa niya kanina ang babaw naman niya kung idadahilan niya yon.

Humigpit ang hawak ko sa bago kong helmet kulay itim ito na may disenyong tainga ng pusa sa tuktok ng pagtinginan ako ng taong nadaan siguro magpapa-enroll din sila. Hindi ko alam kung gaano na katagal wala si Dante dahil wala akong relo man lang lalong wala akong cellphone para sana makontak ko siya kung nasaan na siya. Yumuko na lamang ako wala din naman akong kilala sa kanila at hindi din ako sanay na nakikisalamuba sa maraming tao— kinakabahan na ako paano kung bigla akong iniwan ni Dante dito. Ano ng gagawin ko?

Nawala ang kaba ko ng masilayan ko ang dalawang pares ng paa na nakahinto sa harapan ko kilala ko kung kaninong paa yon kasi paga pa Yung tinapakan ko kanina lang! Agad akong nagtaas ng tingin.

"Sorry medyo natagalan ako hirap humanap ng mapaparadahan. Let's go mukhang mahaba na ang pila."

Kumapit ako sa braso nito saka kami sabay na naglakad papasok ng gate. Tumawa lang si Dante medyo nanginginig kasi ako first time ko ito na maglakad sa crowded na Lugar.

"Relax kasama mo ako. Pagkatapos nating magpa-enroll kakain na muna tayo may McDonald's malapit sa Condo gusto mo ba dun kumain?"

"Sige." 

Hindi ako bumibitaw sa pagkakakapit sa braso nito. Pumila kami Tama nga ang haba ng pila tiyak na hahapunin kami nito. Napansin kong may mangilan-ngilan na mga kapwa ko Babae ang nagnubulungan tapos titingin kay Dante na seryosong nagi-iscroll sa cellphone nito. Saka ko napansin ang suot nga Pala namin pareho ng disenyo miban lang sa size at pareho din kami ng kulay ng pantalon.

Yumuko si Dante.  "Baka interviewhin ka nila wag mong kalimutang sabihin na mag-asawa na tayo ha, dala ko naman ang marriage certificate natin at legit 'to."

Tumango lang ako. Hindi muna akoakimipag-away sa kanya ngayon baka iwan ako nito tiyak na kawawa lang ako.

"Good. And one more thing."

"Ano?"  Tanong ko.

"Umiwas ka sa mga Kaklase mong lalaki okay. Possessive akong Asawa, Misis ko. Hindi mo magugustuhan ang kaya kong gawin kung sakaling magpaligaw ka. Alalahanin mo laging Ikaw na si Mrs.Victoria Mauro.

Tumango lamang ako.

  

Dante Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon