KABANATA 57

278 13 4
                                    

Victoria's POV

Mabilis na lumipas ang isang buwan simula ng mabinyagan si Baby Xeed nalaman ko din mula kay Dante ang tungkol sa sinasabing Demonyo ni Beth pero hindi ko na iyon dinaldal pa sa dalawa baka kasi matakot sila at magdesisyong umalis sa kawawa naman sina Roger at Rex na halatang masayang-masaya na samantalang si Gavin ewan ko lang kung bulag o manhid siya dahil halatang-halata naman kasi na gusto siya ni Beth pero binabalewala lang niya. Speaking of Beth okay naman siya masaya siyang kasama kaso minsan nahuhuli ko siyang natutulala kay Dante bagay na kahit kailan hindi ko napansin sa dalawang babaeng kasama ko kaya medyo pinakikiramdaman ko pa rin siya.

Katatapos lang ng Kubo nila Rex at Daisy tulong-tulong silang apat sa paggawa non sunod naman ang kina Roger at Mona tanging si Gavin na lang ang maiiwan sa Kubo nilang tatlo parang kailan lang nung sama-sama sila sa iisang bubong hay ang bilis ng panahon.

“Victoria.”  Kaway ni Beth pagbaba sa habal-habal na naghatid sa kanya. Kumaway din ako.

Inabot na muna niya ang bayad saka siya pumasok ng gate at dumeretso sa verandang kinauupuan ko medyo masama kasi ang pakiramdam ko kaya heto walang ibang ginawa kundi ang umupo lang baka daw kasi mapano ako sabi ni Dante. Busy pa ang mga lalaki sa paggawa kaya kami-kaming mga babae lang ang narito sa veranda.

“Dala mo na ba?”  Agad kong tanong.

“Oo naman ako pa!”  Saka nito nilabas mula sa dalang bag ang ipinakisuyo ko.

“Marunong ka bang gumamit niyan, Victoria?”  Si Daisy habang nagpapadede.

Umiling ako.  “Hindi eh. Paano ba?”

Tumayo mula sa pagkakahiga sa kutson si Mona habang naglalaro ng cellphone ni Roger saka takang lumapit sa aming tatlo.

“Unsa na?”  (Ano yan?)

Nagkatinginan sina Beth at Daisy. Si Beth ang nagpaliwanag kay Mona kung para saan ang hawak kong maliit na box. Nakangiting bumaling sa akin si Mona.

“Wow, hinaot nga magkaanak mo ni Dante.”  (Wow sana magkaanak na kayo ni Dante.)

Alanganin akong tumingin kina Daisy at Beth alam naman nilang hindi pa ako marunong magsalita ng bisaya.

“Sabi niya sana nga daw magkaanak na kayo ni Dante. O sige na subukan mo na sa banyo basta patak lang ng wiwi mo ang ilalagay mo sa gitna kapag isang linya negative kapag dalawa positive magiging Nanay ka na. O bilis na habang wala pa sila.”

Mix emotion ang nararamdaman ko habang hawak ko ang pregnancy test na ipinakisuyo ko pa kay Beth bago magtungo dito sa bahay.

“Okay sige. Kinakabahan ako eh.”

“Ganyan talaga sa umpisa. Bilisan mo na mamaya andito na sila para sa meryenda paano mo pa masusorpresa si Dante kung hindi mo yan gagawin diba.”  Nakangiting duktong ni Daisy.

Hinaplos ko si Baby Xeed na abalang dumedede.  Nag-init ang magkabilang dulo ng mga mata ko sana positive gusto ko na rin namang mabigyan siya ng Anak para magkaroon na siya ng matatawang niyang Pamilya gusto kong maramdam niyang hindi na siya nag-iisa dahil kasama na niya ako at ang magiging Baby namin kung sakaling buntis nga ako— sana…

Nagtungo ako sa banyo gagawin ko ang sinabi ni Daisy. Pinilit kong umihi at thank you lord dahil meron akong nailabas kahit konti lang sa tabo ako nagbawas ng tubig sa katawan saka ko kinuha ang dropper para sa kakailanganin kong patak ng ihi ko. Nilublob ko ang dulo ng dropper at pinisil iyon para makahigop ng katiting na likido. Humugot ako ng isang malalim na hininga saka ko iyon pinakawalan sa ere ipwenesto ko ng maayos ang pregnancy test sa lapag ng banyo saka ko pinakawalan sa gitna nito ang isang patak ng ihi ko.

Dante Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon