KABANATA 52

277 12 1
                                    

Mona's POV

Ang sarap sa pakiramdam ang lambut-lambot ng hinihigaan ko— saglit hinihigaan? Kailan pa naging malambot ang higaan ko? Pikit pa rin ang mga mata ko ng muli kong kapain ang hinihigaan ko at sigurado na ako na malambot nga! Nagmulat ako ng mga mata ko. Nasa  kwarto ako!? Pero ang pagkakatanda ko ay nahimatay ako at yakap ako ni Roger. Tama yakap niya ako! Imposibleng nasa bahay ako ng Amain ko dahil p@tay na siya pin@tay ko siya kagabi kung ganon—.

“Wow! Ang ganda naman niyan!”

Naputol ako sa pag-iisip ng kung anu-ano ng marinig ko ang pamilyar na boses ni Victoria! Tumayo ako at nalaglag mula sa katawan ko ang nakabalot na kumot saka ko napansin ang suot kong bestida na bulaklakin isa iyon sa mga binili ni Roger para sa akin itinaas ko ang laylayan jito para makita kung meron ba akong suot na panties at hindi nga ako nagkamali— meron akong suot baka silang dalawa ni Daisy ang nagbihis sa akin kagabi habang wala akong malay. Baka nasa Kubo ako nila Victoria.

Huminga ako ng malalim saka ako lumabas ng kwarto sa totoo lang hiyang-hiya ako sa kanila nakita nila kung paano ako b@buyin ng Amain ko pasalamat na lamang ako at dumating sila Roger kaso nakita nila ang katawan ko at ang masama pa nakabukaka pa ako… nakakahiya parang hindi ko kayang magpakita sa kanila…

Nakabukas ang pinto ng Kubo kaya humakbang ako palapit at bahagyang sumilip sa labas medyo maingay kasi sila mukhang hindi sila nag tinda ngayon sa Bayan.

“Wow malambot na rin pala ang hihigaan namin mamaya ni Mona!”  Masayang turan ni Daisy habang tinatapik-tapik pa ang malaking kutson na nakalatag sa ibabaw ng papag na naka pwesto sa ilalim ng malaking punong kahoy.

“Teka may binili ba kayong bedsheets? Baka wala ha.”  Si Victoria na kalong pa si Baby Xeed namin nilapitan siya ni Dante saka hinagkan sa noo hanggang sa napuno ng kantiyawan ang paligid parang walang nangyaring karum@ldumal kagabi o baka ayaw lang nilang makaramdam ako ng awa at pagka ilang sa sarili ko.

“Naku kahit kailan talaga si Dante nangiingit! Merong binili si Roger.”  Saad ni Gavin na mukhang abala sa paghahalo ng kung ano.

“Ayan kasi ang sinasabi ko sayo, Vin. Humanap ka na kasi ng Babae na pwede mong ibahay yung makakasundo namin syempre kasi kami ni Roger e okay na kami safe na kami sa mga Babae namin lalo naman itong lalaking pinag-lihi sa suso.”  Turo ni Rex kay Dante.

“Huy! Suso ka diyan sa gwapo kong ito talagang sa suso mo ako ikukumpara!”

“E pano laging humahaba yang nguso mo kapag nakikita mo si Misis mo naku Dante kalong niya si Baby Xeed alalahanin mong bawal pa siyang makakita ng mga mal@laswang bagay.”  Sabay tawa ni Rex. Hinabol naman ito ni Dante kaya sige ang ikot ni Rex sa pugon kung saan naghahalo ng kung ano si Gavin. Hindi ko ata napansin si Roger.

“Hoy! Kapag nadumihan itong Biko yari kayong dalawa sa akin! Dun nga kayo sa malayo magtakbuhan! Nakakaasar kayo ha! Huy!”  Dumampot ito ng maliit na bato saka hinagis sa dalawa na naiwasan naman nila.

Humagalpak ng tawa ang dalawa.

“Humihina na ata si Gavin diba Dante!”. Kantyaw ni Rex habang natakbo.

Huminto si Dante at nilingon si Gavin na sige pa rin ang halo saka ngumisi.  “GANYAN TALAGA KAPAG WALANG DILIG!”  Sigaw pa nito.

“WALANG DILIG PALA HA! TEKA NGA!”  Lumapit ito kay Daisy at binigay ang hawak na malaking sandok sabay takbo para habulin ang dalawa.   “HUMANDA KAYO SA AKIN KAPAG NAABUTAN KO KAYO! WALANG DILIG PALA HA!”

Nakakatuwa silang pagmasdan para silang mga batang aliw na aliw sa pinaggagawa ang alam ko lahat sila galing sa Bahay Ampunan ibig sabihin wala silang kinagisnang Pamilya pero masaya pa rin silang apat kahit na sila-sila lang nakaya nilang lagpasan ang lahat… ang swerte dahil dito sila napadpad sa lugar namin at nakilala ko sila… siguro kung hindi ko sinampal ng araw na ‘yon si Roger baka hanggang ngayon pinagpipiyestahan pa rin nila ako… alam kong mali yun mga nangyari pero hindi ako nagsisising ginawa ko ‘yon sa Amain ko tutal hindi rin naman siya nakaramdam ng awa sa akin sa tuwing gin@gamit niya ako at kapag sawa na siya ipapasa naman niya ako sa iba! Wala ein namang naglalakas loob na tumulong sa akin dahil alam nilang hawak ako ng isa sa mga Cobra na kinatatakutan dito sa lugar namin. Paano kung malaman nila ang tungkol sa nangyari? Baka maghiganti sila! Parang hindi ko kayang sikmurahin na mapapahamak sila dahil sa akin…

Dante Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon