KABANATA 16

311 13 1
                                    

Victoria's POV

"Anong ginagawa mo dito?"  Tanong ko habang tinutuyo ang mahaba kong buhok gamit ang tuwalya.

"Matutulog. Kwarto 'to diba? Kaya matutulog na ako."  Sarkastikong sagot nito sabay higa sa kabilang gilid ng kama ang sarap pa ng pagkakapikit ng Kapreng to ah!

Kinuha ko ang unan ko at walang sabi-sabing hinampas ko ito sa mukha kaya muli itong nagmulat napaatras ako ng titigan ako nito na salubong ang mga kilay mahigpit nitong hawak ang unan no choice kundi bitiwan ito.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo, Victoria?"  Mariing sambit nito.

Hala, tinawag niya ako sa pangalan ko ibig sabihin talagang nagalit ko siya dahil sa inasal ko muli akong umatras mula sa ibabaw ng kama.

Bumangon si Dante.  "I told you before, don't test my patience! Bakit ano ba sa tingin mo ang gagawin ko sayo ha? Lilinawin ko lang na pum@patay lang ako pero hindi ako r@pist kung gusto ko ng l*ntik na s3x na 'yan kaya kong kumuha ng kahit ilan Babae pa yung hindi gaya mo na bubot pa! Asawa kita kaya kung pwede lang irespeto mo din ako galing ako sa trabaho at ipinagluto pa kita for God sake gusto ko namang magpahinga! Sige kung talagang ayaw mo sa akin then you're free to go! May malapit na Barangay dito magpahatid ka na lang sa mga Guard sa baba!"  Hasik nito bago bitawan ang unan at muling humiga sa kabilang gilid ng kama.

Natameme ako sa sinabing 'yon ni Dante— bubot pa daw ako? Medyo nasaktan ako dahil first time lang na may nagtaas ng boses sa akin kahit Papa ko hindi ako sinisigawan. Kinuha ko ang unan ko saka ako lumabas ng kwarto.

Dante's POV

"Sh*t!"  Mura ko sa sarili ko ng marinig kong bumukas ang pinto ng kwarto at lumabas si Victoria.

Tumayo ako saka ko ito sinundan. Naabutan ko itong umiiyak sa gilid ng couch habang mahigpit na yakap ang unan.

I rake my hair with my both hands and sight.  "Sorry. Hindi ko sinasadyang pagtaasan ka ng boses. Ikaw naman kasi eh ano bang mali sa ginawa ko eh mag-asawa naman tayo at Isa pa alam ko naman na masyado ka pang bata para sa mga ganong bagay at tungkol naman sa mga Babae eh dati 'yun nung nung hindi pa ako Kasal ummm sorry talaga, Misis ko. Wag ka ng umiyak."

"H-hindi ko naman ginustong maging Asawa mo eh lalong hindi ko ginustong mapunta dito sa lugar na ito. Ikaw at ang mga kasama mo ang sumira ng Buhay ko wala akong pakialam kung marami kang Babae! Hindi kita gusto at lalong ayokong tawaging lang Asawa ko nasusuka ako sa mukha mo m@mam@tay tao ka! Ayoko na dito! Gusto ko ng umuwi sa amin!"

"Look. I'm sorry dahil nasigawan kita pero tungkol sa Papa mo trabaho lang 'yon walang personalan may mga bagay kasi na nagawa ang Papa mo na nagkaroon ng malaking epekto sa ibang tao na talagang ikinagalit nila— kung ayaw mo naman akong ituri na Asawa mo okay lang basta wag mo lang kakalimutang Kasal ka na. Hanggat humihinga ako matatali ka sa akin maliwanag ba. Sige na doon ka na sa kwarto hindi na ako hihiga doon dito na lang ako sa couch."

Tumayo rin naman si Victoria pero wala itong sinabi kahit Isa, dumiretso ito sa loob ng kwarto bitbit ang unan.

Naiiling na napaupo ako sa couch talagang Bata pa nga si Victoria. Hay Buhay nga naman humiga ako at umunat buti na lang at malambot ang napili kong Sala set.

"Mama, masyadong maramdamin ang manugang n'yo." Bulong ko, Bata pa ako ng mawala ang mga Magulang ko napagkamalang dealer ng drog@ ang Papa ko habang si Mama naman naholdap at sinaksak kaya naulila ako sa edad na Lima dinala ako ng mga Pulis sa DSWD at sila ang humanap ng pwede ko tirhan at dun nga sa Bahay Ampunan kung saan ko nakilala sina Rex, Gavin at Roger. Nag-click kami hanggang sa dumating kami sa hustong gulang at kailangan na naming lumabas ng Ampunan para matutong magbanat ng buto lahat naman ng pasukan naming trabaho natatanggap kami kahit puro kami vocational lang ang tinapos kaso nasangkot sa gulo si Roger at heto na nga kami ngayon dahil sa wala kaming iwanan hanggang k@matayan well h!red k!ller na kami at salamat kay Roger— napatitig ako sa pinto ng kwarto hindi ko ugaling nagpapatalo sa mga Babae pero pagdating sa Misis ko para tumitiklop ata ang tuhod ko.

Kinuha ko ang remote manonood na lang muna ako pampa-antok. Bumungad sa akin ang Balita mula sa Amerika tungkol sa Mayamang Negosyante na pinatay at sabi sa Balita na may naabutan pangbuhay ang mga otoridad na rumisponde at sinabi non na may Anak ang mayamang Negosyante huminto ang paghinga ko baka may litrato silang ipakita sa screen ng TV siguradong kukontakin agad kami ng parokyano namin, ilang minuto din ang tinagal ng Balita ngunit wala itong naipakitang picture ng sinasabing Anak ng mayamang Negosyante. Nice one Mr. Dela Faz. Kailangang mag-ingat ayoko namang matakot si Victoria dahil mag-uumpisa na ang klase nila sa susunod na Linggo baka makaapekto pa sa kanya sakaling sabihin ko. Alam ko na!

Tumayo ako at lumapit sa 60" flat screen tv saka ko tinanggal ang kable nito na nakakabit sa black box sa halip ay kable ng DVD player ang nilagay ko para wala siyang masagap na Balita.

Tumunog ang cellphone ko. Si Rex.

"Hello, Dante napanood mo ba?"

"Oo."

"Pinapatawag tayo. Anong sasabihin natin?"

"Ako ng bahala, kelan ba?"  Sagot ko.

"Sa makalawa pa naman."

"Okay, salamat Pare."

"Welcome. E Anong ng plano mo kay Mare?"

"Ssshhhh safe ba ang linya?"  Paninigurado ko.

"Yup, ako pa ba."

"Asawa ko siya kaya hindi ko siya ibibigay kahit magbayad pa sila ng Bilyon."

"Okay sasabihan ko na lang yung dalawa. Makakaasa ka sa amin diba walang iwanan."

"Kahit ang Payaso ang makakabangga natin sasamahan nyo pa din ba ako hanggang dulo?"

"Wala ngang iwanan Pare diba, oo naman Isa pa Payaso lang yon e tayo naman ang mga Alas diba. Alam naming malupit ang tagaligpit ni Supremo at hindi yun nagmimintis pero kakayanin natin 'yan Pare tiwala lang."

"Okay, Rex. Salamat. Ibababa ko na."

Dante Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon