KABANATA 45

345 11 2
                                    

Victoria's POV

Nanatiling nakatayo lamang ang babaeng nagsilbi sa amin ng mga pagkain kanina lang sa halip na gawin ang pinakisuyo ni Dante ramdam kong hindi niya gusto ang babaeng kasama ni Rex halata naman kasi sa kung paano niya ito hagurin ng tingin ganun din ang ibang mga kumakain sa Karinderya.

Pareho kaming nagulat ni Mona ng sabay-sabay na tumayo sina Roger, Gavin at Dante ng makalapit na sa mesa si Rex kasunod ang babaeng may kalong ng Baby.

"Upo ka dito oh." Alok ni Gavin sa hawak niyang monoblock chair. Inalalayan pa niya ito para maka-upo ng maayos saka lamang sila bumalik sa pagkaka-upo.

"Hello." Kaway ko sa kanya. Tipid siyang ngumiti para lang siyang si Mona lang na nahihiya pa sa amin. "Ummm ako nga pala si Victoria. Ito naman si Mona, si Roger, si Gavin at si Dante- Asawa ko siya." Pakilala ko sa mga kasama ko.

"H-hello din. D-Daisy nga pala."

"Anong gusto mong kainin?" Tanong ni Rex.

Kaya muling binalingan ni Dante ang may edad na babae. "Hindi ho ba kayo kukuha ng extrang plato at kubyertos pati baso na rin po para sa bagong dating?"

Nangamot ito sa batok bago umiling nagsalita.  "Pasensya na Sir p-pero kasi hindi po siya pwede dito sa loob e."

"Hindi siya pwede? Bakit?" Usisa ni Dante.

"A-ano po kasi marumi siya at mabaho kaya bawal po siya dito-."

"Wag na lang ho kung ayaw nyo. Sa totoo lang hindi ho natin kailangang maging mayaman o magkaroon ng pinag-aralan para tumulong respeto at pang-unawa lang ho sapat na kung ayaw nyo ho sa kanya kahit konting respeto lang ho sana. Don't worry sagot ko ho ang kakainin niya hindi ho siya libre." Natahimik ang paligid namin sa sinabing iyon ni Rex mukhang natamaan ata sila parang ang sakit naman ng trato nila kay Daisy.

Umalis ang may edad na babae, pagbalik niya may dala na siyang plato at kutsara ganon din ang baso saka iyon nilapag sa ibabaw ng mesa at muling umalis.

"O kain ka na diba sabi mo nagugutom ka."  Malumanay na sambit ni Rex.  "Wag kang mahiya sa kanila hanggat wala kang ginagawang masama wag kang mahihiya. Kain ka lang. Mamaya sasama ka sa amin ha may pwesto kami dito kesa naman sa bangketa ka nakatambay baka masagasaan ka pa dun."

"S-salamat po. Salamat po." Nanginginig pa ang mga kamay niya ng subukan niyang hawakan ang kutsara.

"Pwede ko bang kalungin si Baby mo, Daisy?" Turan ko.

"H-ha? O-oo naman hindi naman siya i-iyakin kapag nagugutom lang.". Sabay tulo ng luha niya sa totoo lang nakakadurog ng puso ang pinagdadaanan ngayon ni Daisy na nakakakain lang siya kapag merong nagmagandang loob na bigyan siya ng limos. Halatang kulang siya sa nutrisyon payat na payat ang pisngi niya talagang walang nagmagandang loob sa kanya kundi si Rex lang.

Tumayo na ako para kunin ang Baby niya kahit first time ko pa lang makakahawak ng Baby eh kampante naman akong hindi ko siya bibitawan.

"Marunong ka ba?" Nag-aalalang tanong ni Daisy.

Ngumisi ako. "Hindi ko naman siya bibitawan."

Tumayo na rin siya para ibigay sa akin ang Baby niya pero tinuruan muna niya ako kung paano ang tama pagkalong para iwas disgrasya daw.

"WOW. Ang cute niya!" Di ko napigilanh ang sarili ko ng tuluyan ko na itong mahawakan ang liit-liit niya!

Kanya-kanyang kantyawan ang tatlo na ikinatawa ni Dante.

"Bagay sayo Misis ko." Puri niya nakaramdam tuloy ako ng hiya kaya tinalikuran ko siya. Muli na naman siyang tumawa.

"Bakit kasi hindi na lang kayo gumawa para meron na din kayong ganyan!"

Dante Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon