KABANATA 67

236 11 2
                                    

Dante's POV

Maaga naming inayos sa malawak na parte ng Tierra de Alas ang mga binili naming Solar panel tulong-tulong kami kahit si Marcus nakittulong na rin marami siyang kwento tungkol sa kabataan niya kasama ang mga Kuya nagkakatinginan na lamang kami nila Rex, Gavin at Roger alam kasi nila kung gaano ko hinahanap-hanap dati ang presensya ng tatlong kuya-kuyahan ko noong nasa Bahay-ampunan pa kami walang oras na hindi ako malungkot kabaliktaran ni Marcus na naging masaya dahil sa pagdating ng tatlong Kuya ko. Ngayon ko lang nalaman na si Supremo pala ang umampon sa kanila para maging kalaro niya sa loob ng Mansyon.

“Masaya bang kasama sila Remus?”  Tanong nito habang pinipilipit ang mga wire sa turnilyo.

“Oo, Rex! Lagi nila akong tinutulungan sa lahat ng bagay tapos sabay-sabay kami kumakain at magkakatabi din kami sa pagtulog kasi malaki ang kwarto ko at malapad ang higaan ko kaya kasya kami lahat! Kaso nung pare-pareho na kaming labing-dalawang taong gulang hiniwalay sila sa akin ni Papa pero nagkikita pa rin kami lalo na kapag sabado at linggo.”

“Bakit sila hiniwalay sayo?”

Nilingon ako ni Marcus habang maingat niyang pinatong sa metal base  ang glass panel.  “Kasi sabi ni Papa oras na daw para mag-aral sila—.”

Saglit na huminto sa pagkukwento si Marcus at bahagyang umiling.  “Kaso hindi naman sa paaralan nila dinala sila Remus.”

“Saan?”  Tanong ko.

“Sa Konseho. Diba pinabagsak niyo sila? Maraming mga halang ang bituka doon wala silang ibang batas kundi ang pum@tay ka kung ayaw mong mam@tay.”

“Doon nila dinala ang mga Kuya ko?”

“Oo. Natatandaan ko pa noong labing-lima na kami sinama ako ni Papa sa Arena na hawak ng Konseho naroon sa gitna si Remus siya ang lumaban para sa buhay nila Boggs at Chacha yun ang dahilan kung bakit siya kinatakutan ng lahat naging matunog ang pangalan niya sa Organisasyon kaya walang gustong tumuligsa kay Papa dahil kay Remus.”

Kahit paano hindi namin namalayan ang oras naaliw kasi kami sa pagkukwentuhan may pagkamadaldal pala itong si Marcus malayong-malayo sa itsura niya.

“Bakit ano bang ginawa ng Remus na iyon?”  Maangas na tanong ni Roger. Isa-isa na niyang inalis ang mga nakabalot na plastik sa labing-limang solar panels para makasagap na ito ng enerhiya mula sa araw.

“Nagawa kasi niyang pabagsakin ang kampyon ng Konseho si Toro. Akala ni Papa mamam@tay si Remus pero bumaliktad ang sitwasyon ng hagisan siya ni Boggs ng baraha. Ang galing ni Remus para siyang may magic nagagawa niyang kontrolin ang bawat baraha nanonood ako habang lumalaban siya ang bilis niya at sa huling barahang hawak niya tumumba si Toro pagkatapos non gumulong ang ulo niya sahig at napuno ng dugo ang damit na suot ni Remus. Simula nun tinawag na siyang Payaso at ginamit na siya ni Papa para pabagsakin lahat ng kalaban niya at mapanatili ang posisyon niya sa Organisasyon.”  Mahabang sagot nito.

“Wow. Ang galing pala ng Kuya-kuyahan mo Pare.”  Manghang komento ni Gavin.

“O, tapos ko ng ikabit sa bawat kubo yung mga wire. Mamaya may ilaw na din sa inyo.”  Tukoy nito sa Kubo nila Roger.

“Hay naku Rex, Pare kahit wala kaming ilaw okay lang tutal matutulog lang naman kami ni Mona sa gabi e—.”

“Whew hindi nga?”   Buska ko kaya nakatikim ako ng mahinang sipa sa binti buti na lamang at flexible ako mabilis akong naka-iwas kaso naatrasan ko naman si Mona na biglang tumili.

“Ayyy! Sorry!”

“Agoy! Agoy! Arang sakita akong tiil!”  (Aray! Arat! Ang sakit ng paa ko!)  Sabay angat nito ng paang natapakan ko saka bumalanse gamit lamang ang isang paa.

Dante Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon