Victoria's POV
Naunang naglakad si Dante para buksan ang pinto ng Truck lumundag siya pababa saka ako binalingan.
"Baba na."
Inayos ko muna ang sarili ko medyo may konting mantya pa ng dugo ni Papa ang suot kong t-shirt na kulay brown habang madumi naman ang sweatpants kong kulay gray. Humakbang ako ng matapos kong magpagpag ng damit ko kaso napahinto ako pagdating sa pinto.
"Bakit?" Tanong ni Dante.
Bukod kasi sa sumalubong sa akin ang malamig na hangin ng Amerika e masasabi ko kung hindi ako mapipilayan sa paglundag pababa ng Truck e siguradong tsugi ako!
Nilingon ko ang dalawang lalaki sa loob ng Truck ng may narinig akong tumawa saka ko sila sinimangutan.
I averted my gaze to the man who abducted me. I rise my brows. "Tingin mo ba kaya kong bumaba e sa taas ng Truck n'yo siguradong kung hindi Ospital ang bagsak ko e baka langit ang diretso ko kapag nagkataon! Mag-isip ka nga!"
Kita ko ang pagkabigla sa mukha niya habang natahimik naman ang dalawa sa loob kaya muli ko silang nilingon medyo nakaramdam ako ng hiya ng pati ang Driver e nakatingin din sa akin gaya ng dalawa.
Napatili ako ng bigla akong hatakin ni Dante sa binti ko kaya nawalan ako ng balanse tiyak na mahuhulog ako at lalagapak sa sementadong kalsada ng parking lot ng Mall. Mariin akong napapikit inantay kong tumama ang katawan ko sa semento ilang segundo din bago ako nagmulat ng mga mata ko.
Nagtama ang mga tingin namin ni Dante at higit sa lahat kalong niya ako sa mga bisig niya!
"Hindi na ba galit ang Misis ko?"
Hindi ko magawang sumagot kaya bumalikwas ako para ibaba niya ako.
"Wow Pare! Masyado mo atang pinakilig ang Misis mong masungit alalahanin mong galit sa atin 'yan kaya hinay-hinay lang baka ma-fall ka. Tiyak hindi ka sasaluhin niyan."
"Panira talaga ng moment yang bibig mo, Roger." Tumayo ito saka lumapit sa pinto ng Truck at naglabas ng sigarilyo saka sinindihan 'yon sabay hithit. "Gavin nga pala nice meeting you Misis Mauro, wag kayong masyadong matagal sa loob at bibiyahe pa tayo pauwe ng Pilipinas baka mag-announce ng hold departure mas mahihirapan pa tayo. Saka trabaho lang Misis si Dante na ang bahala sayo simula ngayon walang magagawa ang pagtataray mo kaya umayon ka na lang sa plano kesa iwan ka namin siguro naman alam mo kung bakit namin pinatay ang Papa mo." Sabay ngiti sa akin bago muling humithit at bumuga ng usok.
Ibang-iba ang ugali niya sa kasama nilang si Roger na may pagkamagaspang ang datingan.
"No worries saglit lang kami." Hinawakan niya ang kamay ko sabay hila sa akin para maglakad papasok ng Mall hindi na ako kumibo naisip ko ang sinabi ni Gavin, maraming kalaban sa Negosyo si Papa bukod doon alam ko din na may mga illegal siyang transaksyon kaya nga hindi niya ako nilalantad sa kahit na sino ni minsan hindi ko naranasang mamasyal kasama ang Papa ko para na rin daw sa kaligtasan ko mas mabuting walang nakakakilala sa akin bilang Anak niya.
Narating namin ang loob ng Mall maraming tao kaya medyo siksikan sa daan pero si Dante mukhang walang balak huminto sa paghakbang hindi gaya ko wala akong makita kundi mga likod ng mga taong nasa harapan namin masyado akong maliit kumpara sa kanila kaya kung saan lang ako hilahin ng Kapre na ito e sumusunod na lamang ako.
Halos mahilo na ako kakalakad namin hanggang sa magsalita siya.
"We're here." Turo nito sa Wedding Boutique.
Nanlaki ang mga mata ko sabay iling ngunit hinila lang niya ako papasok sa loob agad naman kaming sinalubong ng mga Sales lady na kontodo ang ngiti sa Kapreng kasama ko.
"Good evening, Sir." Bati ng mga ito pero hindi man lang sila tinapunan ng tingin ni Dante, talagang bastos itong mamam@tay tao na ito!
Dere-deretso lang kami sa istante kung saan may mga naka-hunger na mga Dress at lahat puro kulay puti ano pa nga bang aasahan ko eh nasa Tindahan kami ng mga damit pangkasal. Seryoso siyang tumitig sa akin saka inisa-isa ang mga naka-hunger na mga Dress akala ko makakatakas na ako kaso hindi niya binitiwan ang kamay ko kaya tahimik lang akong nag-aantay hanggang makapili siya ng damit na isusuot ko.
"Bagay sayo." Yun lang at muli niya akong hinila papunta sa section ng mga Bridal footwear saka siya pumili ng babagay sa Dress.
"You can fit it in our fitting room, Ma'am." Magalang na saad ng Sales lady.
Tumango ako at kinuha mula sa kamay ni Dante ang Dress at sandals na napili nito para pamalit ko. Naunang naglakad ang Sales lady kaya bumulong siya sa akin.
"Wag kang gagawa ng eksena kung ayaw mong dito natin gagawin ang Honeymoon natin." Mahinang ngunit puno ng hasik niyang babala.
Umangat ang tingin ko sa mukha niya. He is towering over me I can't do nothing but nod and turn my back on him I strode towards the fitting room as fast as I can and lock it from the inside. I saw myself in the mirror, tears streaming down my eyes I'm too young for this how I wish Papa was here.
I jolted when I heard a knock.
"Naka-tatlong minuto ka na, subukan mong magtagal pa ng tatlong minuto at sisipain ko 'tong pinto at kakaladkarin kita may damit o wala naiintindihan mo ba ako."
Napakagat labi ako bago ako nagdesisyong sumagot. "S-sandali lang naman pwede w-wag mo naman akong tinatakot masyado pa akong bata para magkaroon ng nerbiyos alam mo ba 'yon." Pigil na pigil ko ang sarili kong maiyak ayokong isipin nilang mahina ako. Darating din ang Araw na maipaghihiganti ko si Papa saka ako mabubuhay ng malaya!
"Okay, just checking meron pa tayong flight." Yun lang at nanahimik din ito.
Paano ako makakatakas kung nakabantay sa akin ang Kapreng 'yon! Tingin ko hindi ito ang magandang pagkakataon para sa mga plano ko. Isa-isa kong hinubad ang suot kong t-shirt at sweatpants saka ko isinuot ang Dress nasa likod ang zipper nito kaya hindi ko ito gaanong nasara kahit paano pala may taste pagdating sa damit ang lalaking iyon nagustuhan ko ang napili niyang style ng Dress meron itong lacey long sleeve at hanggang tuhod ang haba ng skirt nito kaya hindi ako mababastos sakaling maglakad ako suot ito ang kaso lang ay masyadong kumurba ang hugis ng katawan ko kaya naiilang ako. Muling kumatok ang Kapre kaya minabuti kong buksan na ang pinto ng fitting room habang hawak ko ang mga pinagbihisan ko.
Natigilan ako sa paghakbang dahil nasa mismong harap si Dante habang nakatitig sa akin saka tumango-tango ibig sabihin nagustuhan niya ang suot ko ganon din ang sandals na pinili niya.
"Bagay nga sayo."
"S-salamat." Tumalikod ako. "Hindi ko kayang abutin ang dulo ng zipper."
Bumuntong-hininga siya saka sinara ang zipper. "Let's go babayaran ko na 'yan."
Kinuha niya mula sa kamay ko ang mga damit na hinubad ko saka ako muling kinapitan sa palapulsuhan ko. Nagtungo kami sa counter saka niya binigay ang hawak na card para bayaran ang mga suot ko.
Mangiyak-ngiyak ako habang naglalakad kami pabalik sa Truck. Parang walang pakiramdam ang lalaking ito na sige lang ang hatak sa akin. Sa halip na magreklamo ay sinabayan ko na lamang ang lakad niya isang hakbang nito katumbas ng dalawang hakbang ko talagang Kapre nga siya!

BINABASA MO ANG
Dante
AcciónPROLOGUE "Ano ng gagawin natin sa isang ito?" Tukoy ni Gavin sa Subject namin. Tinitigan ko ang walang buhay na katawan ng negosyanteng pin@tay namin. "Eh kung pugut@n na lang natin ng ulo para masmasaya!" Sabat ni Roger na mukhang tuwang-tuwa sa n...