KABANATA 81

319 10 0
                                    

Dante's POV

Maaga kaming umalis talagang sinadya namin na hindi magpakita kila Misis para masorpresa sila sa itsura namin mamaya!

“O ikaw na ang bahala sa kanila ha Vin. Siguraduhin mong madadala mo sila ng ligtas sa Auditorium ha.”

“Oo na Dante masyado naman kayong excited ang aga pa kaya e alas-diyes ang umpisa ng Kasalang Bayan diba.”

“Maganda ng maaga kami dun para makahanap kami ng magandang pwesto.”  Sabat ni Roger na naka-upo na sa likuran ng pick-up truck.

“Okay sige wag kayong mag-alala safe kong ihahatid ang mga kumare ko sa inyo mamaya nga pala baka malakimutan niyo yung mga bulaklak ha saka yung mga singsing.”  Paalala ni Gavin.

“Dala na namin. O sige baka magising na sila basta dapat hindi nila mahalata na Kasalang Bayan yung pupuntahan ninyo ha.”

“Okay Dante. Sige na ingat sa pag drive.”

“Salamat Pare. Sana next time ikaw naman yung ikasal. Ummm wala pa din ba?”

Umiling si Vin sabay tawa.   “Told you before na hindi ako nagmamadali isa pa kung Babae lang e marami naman diyan sa tabi-tabi kaso gusto ko kasi yung Babaeng aalukin ko ng kasal ay yung talagang magpapawindang ng mundo ko.”

Ngumisi ako.  “Sabagay gaya ni Misis nawindang ang mundo ko ng makilala ko siya diba.”

“Oo na sige na alis na kayo mamaya niyan maabutan pa nila kayo o di buking ang set-up nyo. Go na mga Pare.”  Taboy niya.

“Okay sige alis na kami ikaw ng bahala sa mga Misis namin ha.”  Pahabol ko.

Tumango si Gavin at kumaway nang paandarin ko na ang sasakyan. Excited na ako sa wakas magkakaroon na kami ng pormal na Kasal ni Victoria kahit hindi sa Simbahan ang mahalaga naiharap ko siya sa mga tao hindi gaya dati na kami-kami lang ang nakakaalam ng tungkol sa kasal namin— pare-pareho na kaming malaya mula sa kinagisnan naming buhay at tingin ko masaya naman ang mga kasama ko lalo na si Roger na halos hindi mapakali kanina sa suot niyang white long sleeves naka-ilang tupi na si Rex e pinapaulit pa ayun pala nininerbiyos daw ang loko hindi daw niya alam kung ano ang sasabihin o dapat gawin mamaya sabagay kahit ako ganon din eh kaso masyadong obvious si Roger.

***

Maaga pa nga mangilan-ngilan pa lang ang mga tao ang iba may mga kasama pangkamag-anak o kaibigan na sasaksi sa magaganap na Kasalan.

Nagkatinginan kami pagbaba namin ng pick-up truck. Gumilid sa akin si Roger.

“Pare, ayos lang ba ang porma ko?”  Bulong niya.

“Oo naman.”  Sagot ni Rex saka naglakad palapit sa kumpulan ng mga tao na nakatayo sa labas ng Auditorium.

Sinipat naman ni Kuya Remus si Roger.  “Ayos naman ah. Tara dun na tayo sa lilim.”  Saka siya sumunod kay Rex.

“Teka.”  sabay kaming napatingin ni Roger kay Marcus.  “Wala pa tayong mga bulaklak para sa kanila diba kailangan yon ganon kaso kapag kinakasal diba.”

“Ang galing mo talaga, Cus! Nawala yan sa isip ko at siguradong ganon din sila. Maige pang humanap nammuna tayo tutal maaga pa naman eh.”  Sabay akbay ni Roger kay Marcus.

Lumapit kaming tatlo kina Rex at Kuya Remus, maya-maya daw ay pwede na raw oumasok sa loob ng Auditorium para makahanap ng mauupuan ang mga ikakasal may lumapit sa amin na grupo ng Photographer para mag-offer ng serbisyo nila 50pesos daw kada litrato.

“Okay. Gusto namin yan kaso wala pa naman dito yung mga pakakasalan namin eh.”  Sagot ni Kuya Remus sa Photographer.

“Ah okay po Sir pwede naman po kaming mag-antay bali lahat po ba kayo kukunan namin ng litrato o kayo lang?”

Dante Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon