Dante's POV
Inabot na kami ng dilim ng matapos namin ang Kubo nila Roger. Tuwang-tuwa ang loko habang nagbubuhat ng mga gamit na binili niya para sa bago nilang tahanan ni Mona mukhang timaan talaga siya sa babaeng sumampal lang naman sa kanya ng unang beses silang nagtagpo o diba love moves in mysterious way nga naman gaya ng lugar na ito na bukod sa amin eh may mga naninirahan din na ibang mga nilalang pero ayos lang mukha naman silang mababait kahit na nakakakot ang itsura nila.
"Bukas na lang natin i-set-up yung mga Solar panel madilim na eh saka napagod na rin ako sa maghapong kakapokpok ng Kubo ni Roger paano kung hindi naman natin tatapusin tiyak na nakasimangot na naman ang isang iyon eh mukhang sabik na sabik ng maka-iskor ang loko tignan mo naman ang bilis niyang na-unload lahat ng gamit na pinamili niya kanina." Natatawang saad ni Rex habang nakahiga sa papag na tambayan namin inaantay na rin kasi niya ang mag-ina niya na abalang nakikipag-kwentuhan kay Misis.
"Hayaan mo na buti nga at nagbago na ang isang yon." Humiga na din ako sa papag habang nakaunan ang ulo ko sa mga braso ko. "Ang ganda dito sa Tierra de Alas diba, Pare." Sambit ko na nakatanaw sa malawak na kalangitan.
Bumuntong-hininga si Rex at mahinang tumawa. "Walang katulad napakapayapa. Ummm salamat nga pala Pare."
"Saan?"
"Kasi sinama mo kami dito."
"Yun ba? Wala yon. Walang iwanan diba.". Tumikhim ako. "Oo nga pala bukas na bibitayin si Kuya Remus."
Mahabang katahimikan ang namayani sa amin tanging mga kuliglig lang ang ingay na naririnig ko bukod sa masayang tawanan nila Misis.
"Masasaktan ng sobra si Marcus mukhang sanggang dikit sila parang tayo lang apat diba."
"Ihahatid siya dito bukas ni Agent Larry Rason."
Nilingon ako ni Rex habang nakahiga. "Ihahatid? Agent? Ibig sabihin Pulis? Saka anong ihahatid? Sino si Remus ba?"
"Oo."
"Ha!?" Napabangon ito saka ako tinitigan ng maigi. "Linawin mo nga Pare naguguluhan ako sayo baka naman pagod ka lang kasi pinakyaw natin ang paggawa sa Kubo ni Roger. O tignan mo ang loko ni hindi na lumabas mukhang umi-iscor na. Seryoso ka ba?"
Tumawa ako ngunit nanatili akong nakatanaw sa kalawakan. "Bukas pagkatapos ng parusan kam@tayan ihahatid nila dito si Kuya Remus."
"B-binigay mo ang address natin? Teka wala nga pala tayong address dito o e pano nila dadalhin dito ang bangkay?"
"Hay naku, Rex. Makabagong teknolohiya na diba natural naka-on ang location ng cellphone ko saka hindi nila titigukin si Kuya Remus palalabasin lang nila sa mata ng mga taong manonood bukas ng Live coverage ang pagkam@tay niya. Patutulugin lang nila si Kuya." Parang gusto kong umiyak habang binabanggit ang salitang Kuya medyo may katagalan na rin nung huling beses ko siyang tinawag na Kuya at kumpleto pa sila nun- namimiss ko sila Kuya Boggs at Kuya Chacha.
Tumayo na si Rex ng lumabas na ng veranda ang mag-ina daw niya. Talagang seryoso siya kay Daisy ang kaso paano kung maghabol ang tatay ni Xeed. Ang kapal naman ng mukha niya kung gagawin pa niya iyon.
"Baka set-up na naman yan Pare. Ayoko ng makulong uli hindi dahil sa takot ako kundi dahil sa Tatay na ako at ayokong lumaki si Xeed na wala ako sa tabi niya kahit hindi siya akin buo niyang makukuha ang pagmamahal ng isang Ama- ayokong matulad siya sa atin na walang Magulang na kinalakihan ang hirap kapag ganun yung pakiramdam mo eh iniluwal ka lang ng Nanay mo dahil yun ang dapat dahil nabuo ka lang ng hindi sinasadya. Gusto kong maging mabuting Magulang para sa kanya kahit sa papel lang kami may koneksyon. Sana hindi tayo sumabit sa plano ni Larry Rason."

BINABASA MO ANG
Dante
ActionPROLOGUE "Ano ng gagawin natin sa isang ito?" Tukoy ni Gavin sa Subject namin. Tinitigan ko ang walang buhay na katawan ng negosyanteng pin@tay namin. "Eh kung pugut@n na lang natin ng ulo para masmasaya!" Sabat ni Roger na mukhang tuwang-tuwa sa n...