KABANATA 80

197 9 0
                                    

Roger's POV

Sunod-sunod na katok ang gumising sa amin ni Mona kaya agad kong binuksan ang pinto. Wala naman ibang maglalakas loob na pumasok sa Tierra de Alas kaya siguradong isa sa mga kasama namin ang nakatok na iyon saka hindi rin tumahol si Bogart.

“Marcus?” 

Alanganing ngumiti si Marcus.  “Ako nga Roger. Sorry kung istorbo ako ha pero kasi gusto ko lang sanang magpasama kay Mona doon sa bahay ni Beth dalawang araw na kasi siyang hindi nagpapakita diba.”

Saglit akong nag-isip, oo nga pala next week na rin ang surprised wedding namin para sa kanila tapos biglang hindi nagparamdam ng two days itong si Beth parang nakakapanibago naman ata e laging excited yon na makita si Marcus tapos absent siya ng two days?

“K-kung okay lang naman sayo pero kung hindi ayos lang—.”

“Hep hep hindi pa nga ako nakakasagot sa sinabi mo e may kasunod ka na diyan. Sige antayin mo na lang kami yung pick-up truck ang gagamitin natin.”

“Sige. Salamat talaga Roger! Aantayin ko na kayo doon sa gate.”

“Okay.”

Nangatok din ako sa Kubo nila Dante para humiram ng susi ng pick-up truck at para magpaalam na rin kung saan kami pupuntang tatlo ng ganito kaaga.

“Ingat ha kung may problema mag-chat ka lang at darating kami.”

“Okay, Pare. Pakisara na lang ng gate sige alis na kami.

Ala sais na ng umaga pero madilim pa rin ang paligid baka dahil na rin sa dami ng mga punong kahoy na nakatayo sa gilid ng kalsada hindi gaya sa pinanggalingan naming syudad.

Mukhang malalim ang iniisip ni Marcus ah baka kinakabahan siya na baka nagbago ng nararamdaman si Beth pero ang choosy pa niya kung sakali ha eh para na siya ng jackpot dahil nauto niya itong tagapagmana na ito.

Ilang minuto pa at narating namin ang bahay ni Beth.  Pinarada ko ang pick-up sa tapat ng bahay saka kami bumaba si Mona ang kumatok may lumabas na matandang Babae.

“Mona? Nganong nia ka? Unsa imong kinahanglan?” (Mona? Bakit andito ka? Anong kailangan mo?)  Mataray na tanong ng matandang Babae at sa tono pa lang ng pananalita parang ayaw niyang makita si Mona.

Humakbang ako pasulong para itago sa likod ko si Mona.

“Magandang umaga ho. Kaibigan po kami ni Beth dalawang araw na ho kasi siyang hindi nagpapakita sa Tierra de Alas kaya nag-alala ho kami. Nariyan ho ba siya?”

Nagsalubong ang kilay ng matandang Babae ng marinig akong magsalita.  “Tagalog ka?”

“Oho. Marunong ho ba kayong magtagalog? Hindi ho kasi kami gaanong nakakaintindi ng lenggwahe nyo eh.”

“Marunong akong managalog. Kung ganon kayo pala ang pinupuntahan ng malanding Beth na iyon ha tignan mo nga naman may taste naman pala siya sa Lalake.”

“Hindi malandi si Beth!”  Singit ni Marcus sa usapan namin ng matangdang Babae.

Mataman siyang tinitigan ng matandang Babae.  “Sino ka naman?”

“Boyfriend niya ako at hinahanap ko siya kung pwede lang ho pakisabi na narito po ako para sunduin siya.”  Pakiusap ni Marcus.

“Susunduin mo si Beth?”  ulit nito saka humakbang palapit ng gate.  “Bakit may pera ka ba?”

Natigilan si Marcus alam niya sa sarili niya na may pera siya ang kaso hindi pa niya hawak ang mga iyon aba mukhang palaban ang matandang ito ah.

“Manang wag naman kayong bastos makipag-usap dahil maayos ho kaming nagpunta dito sa bahay nyo para makita ang kaibigan namin.”

Dante Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon