KABANATA 74

228 6 0
                                    

Dante's POV

Agad akong tumakbo papunta sa punong napili ng cute kong Misis para akyatin ko kahit na ayoko eh no choice ako para kay Baby lahat kakayanin ko kahit pati itong l!ntik na punong ito! Mamaya pagkatapos ko itong akyatin ititrim ko na agad para hindi na muna mamunga! 

“O ano na Dante?”  Nakapamewang nitong sita sa akin.

Napakamot ako sa batok ko sabay turo sa tuktok ng puno.  “T-talaga bang dapat ang nasa tuktok yung kunin ko, Misis ko?”

Humarap siya sa akin saka niliyad ang mabilog na tiyan kaya natawa ako lalo siyang nagmukhang marshmallow nanaglalakad!

“Tinatawan mo ba ako?”  Taas kilay niyang tanong.

“H-ha? Naku hindi, Misis ko. Heto na nga o aakyat na nga kaso diba ngayon namin susunduin yung Abogado—.”

“Abogado o Score?”

Napangisi ako at agad na yumakap sa puno.  “Score syempre! Makakapag-antay naman yung Abogado eh yung mangga hindi na kaya nga aakyatnna nga po ako eh medyo atras ka lang Misis ko baka mabagsakan ka ng sangga eh.”

Sumunod naman siya sa sinabi ko kaya sinimulan ko ng umakyat hanggang marating ko ang dulo aba at tuwang-tuwa si Victoria habang sige ang kaway sa akin ang tanong saan ko naman ilalagay ang mga makukuha kong mangga? Pasaway naman kasing score yan hindi tuloy ako nakapag-isip ng maayos!

“Hoy! Ibato mo dito at sasaluhin ko bilisan mo at may susunduin pa tayo may hearing tayo ng alas-diyes! Pinauna ko ng maligo si Daisy!”  Sigaw ni Rex habang kalong si Baby Xeed.

Lumapit sa kanya si Misis at kinuha ang sanggol naku excited na ako sa paglabas ng sarili naming Baby! Sino kayang kamukha niya? Dapat ako kasi ako ang Tatay niya!

“O saluhin mo lahat ha! Bawal to malaglag!”  Ganting sigaw ko.

Nag-thumbs up si Rex kaya inisa-isa ko ng hagis sa direksyon niya ang mga napitas kong mangga. Sige ang hagikhik ni Victoria sa tuwing nasasalo ni Rex ang mga manggang hinahagis ko parang kailan lang musmos pa siya nung makilala ko siya ni hindi niya alam ang itsura ng tunay na Mundo lumaki siyang nakakulong sa gintong hawla at naghihintay sa pagdating ko— buti na lang at tinanggap ko ang misyon na iyon. Sige lang ako pitas at hagis ginaganahan kasi ako sa malakas na hagikhik ng Misis ko ang cute niya talaga kahit malaki na tiyan niya hindi ko pa rin maiwasang pagpant@syahan ang katawan niya, dise-otso lang siya talagang bata pa siya pero magiging Ina na siya sisiguraduhin kong makukuha niya ang karapatan niyang makapag-aral pagkatapos niyang manganak ang kaso nga lang maganda ang Misis ko! Paano kung biglang may lumigaw sa kanya at mangharana pa dito sa bahay namin? Naku! Maghahalo ang balat sa tinalupan dahil bab@latan ko sila ng buhay!

Umiling ako.

Ah! Hindi ko na lang paaaralin si Misis! Teka! Unfair naman yon sa kanya eh ako nga tapos ako kahit Vocational course lang dapat makapagtapos din siya kahit may Anak na kami! Tama! Tama! Tapos kapag may lumugaw sa Asawa ko talagang tatamaan sa akin!

Sinalubong ako ni Misis pagbaba ko ng puno sabay halik sa pisngi ko kahit kalong pa noya si Baby Xeed.

“Salamat, Dante! Love mo talaga ako!”

Wow may premyo agad ako! Sarap naman ng kiss na yon! Parang gusto ko pa!

Yumuko ako para habulin ang labi ng Misis ko ang kaso bigla niyang nginudngod sa nguso ko ang hawak na mangga ni Baby Xeed.

Ngumuso ako sa lakas ng tawa ni Misis. 

“Na kiss na kita diba.”

“Oo kaso kulang eh,”  saad ko.

Dante Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon