KABANATA 31

321 11 1
                                    

Victoria's POV

“Oi, buti at gising ka na!”  Bungad ng boses ng Lalaki ng magmulat ako ng mga mata ko.

Nakatayo lang ito sa paanan ng malaking kama kung saan ako nakahiga. Nakahiga? Teka paano akong napunta dito? Agad kong sinipat ang sarili ko ganun na lamang ang kaba ko ng mapansin kong hindi na ako naka-uniform! Nanginginig ang mga kamay ko ng hawakan ko ang lace na bestidang suot ko saka ko hinila ang kumot at pinulupot iyon sa katawan ko na halos kita na sa nipis ng suot ko! Mangiyak-ngiyak akong napatitig sa lalaking nakatayo.

“Hey, wait. Bago ka mag-isip ng kung anu-ano first hindi ako ang nagpalit ng damit mo at hindi din si Remus at lalong hindi si Chacha. Meron kaming mga maids dito at mga Babae din sila gaya mo.”

“W-wala naman pi akong atraso sa inyo ah! Bakit ginaganito niyo ako! A-anong balak nyong gawin sa akin!”  Mahinang turan ko havang mahigpit na hawak ang kumot na ibinalot ko sa katawan ko.

He gasps.  “Look hindi naman kami masamang tao tumatalo lang kami ng mga kaaway namin at sa kaso mo kailangan ka lang namin para mapaamin ang Asawa mo.”

“Si Dante?”

Tumango ito.   “Yup! Masyado kasing Lalaki kausap ang Asawa mo hindi marunong kumanta kaya kailangan naming mag-improvise at kaboom! Kaya nandito ka ngayon.”  Nakangiting paliwanag nito.

“A-anong kailangan nyo kay Dante! Hindi naman dadating si Dante dahil nakakulong siya! P-pakawalan nyo na po ako! Hindi po ako magsusumbong sa mga Pulis!”

Tumawa ito.  “Yeah. Nakakulong nga siya pero kaninang umaga lang ‘yon.”  Humakbang ito palapit sa gilid ko kaya umatras ako.   “Dahil sa'yo. Kaya ipagdasal mo na kumanta ng maayos ang Mister mo para hindi ituloy ni Remus ang balak niya sayo.”

“Tumakas ba si Dante?”

“Yup! Gaya ng inaasahan namin na gagawin niya at salamat sa'yo.”

“MGA WAL@NGHIYA KAYO! MGA KRIMINAL KAYO! TANTANAN NYO ANG ASAWA KO! ANO BANG KAILANGAN NYO SA KANYA!”  Sigaw ko.

Akala ko sasampalin niya ako gaya nung Lalaking dumukot sa akin pero hindi sa halip ay pumalakpak lamang ito.  “Bravo ang tapang mo naman pala Misis Mauro kaya siguro nabingwit mo ang Batibot na yon. Well may hinahanap lang naman kasi kami kaso hindi lang namin alam kung Lalaki o Babae ang hinahanap namin pero ang Asawa mo alam nya ‘yon kasi assignment niya ‘yon ang kaso hindi niya inayos ang trabaho niya kaya narito ka ngayon at nakahiga sa kamang iyan kung sakaling sintunado si Dante tiyak na makikita ka niyang pagpapar*usan ng mga tauhan namin. Kaya pray harder Misis Mauro but no worries kasi hindi naman kami kasali sa fiesta i hope na nakuha ka na ni Dante para hindi ka gaanong masaktan.”

Nanginig ang buong katawan ko sa narinig. Ako gagawin nilang par*usan! Hindi! Ayoko! Kahit kailan hindi ko pinangarap na maging par@usan ng kung sinu-sinong Lalaki!

Tumayo ako sa ibabaw ng kama saka ko lakas loob ng sinipa sa ang Lalaking kaharap ko wala na akong pakialam kung anong magiging reaksyon niya sa ginawa ko basta ang mahalaga dapat makatakas ako! Ayokong pandirigan ako ni Dante sakaling matuloy nga ang plano nila sa akin!

Napaatras ito sa lakas ng pagkakasipa ko kaya sinamantala ko na ang pagkakataon mabilis akong tumakbo palapit sa pinto! Malapit na ako ng bigla itong bumukas! Huli na para huminto ako para tumakbo sa ibang direksyon. Sumalpok ako sa nakangising Lalaki! Agad nitong pinulupot sa leeg ko ang mahaba nitong daliri.

Nagpumiglas ako kaso lalo lang humigpit ang pagkakahawak nito sa leeg ko.

“Wow ang tapang naman pala ni Misis Mauro! Di bale mamaya kapag sintunado ang Asawa mo siguradong may isang Lalaki ang makakarating sa langit gamit ang katawan mo!”  Hasik nito.

“B-bitiwan mo ako! H*yop ka!”  Pilit kong pinatatama ang mga sipa ko kahit sa binti niya kaso talagang maiksinang mga bias ko kaya hindi man lang ito inabot! Napakamalas ko naman ata!

“Rem!” Sigaw ng Lalaki na sinipa ko sa mukha ng umangat sa ere angga paa ko talagang tutuyan ata ako ng isang ito!

Bumaling sa kanya ang lalaking may hawak sa leeg ko.   “Boggs paano kang naisahan ng babaeng ito? Hindi ba't sinabi kong bantayan mo siya! E bakit parang tatakas na ang drama ng isang ito ha!”

“Kamuntik lang naman niya akong matakasan ah saka pwede bang ibaba mo na siya! Kapag namatay yan o di lalo lang tayong mahihirapang pakantahin si Dante. Alalahanin mong hindi basta-bastang nagsasalita ang isang iyon. Mahihirapan lang tayo kapag nawala ang Babaeng yan.”

“Aahhrk! Aaahrk!”  Pasag ko habang hirap na hirap akong lumanghap ng hangin na ilalaman sa baga ko para hindi ako tuluyang malagutan ng hininga.

Mariin akong pinagmasdan ng Lalaking si Remus na mukhang aliw na aliw habang pinanonood akong hirap na hirap sa sitwasyon ko ngayon! Mga mamam@t*y tao din ba sila gaya ni Dante? Pero kakaiba ang isang ito parang wala siyang pakialam kung sino ang pap@tayin niya mukhang ang mahalaga lang sa kanya ay ang pera at kung ano ang makukuha niyang kapalit pagkatapos ng bawat misyon niya ang layo niya sa Asawa ko!

Nanlalabo na ang mga mata ko at hirap na akong huminga— hindi ko na ba makikita si Dante bago man lang ako malagutan ng hininga? Sunod-sunod ang pagbagsak ng mga luha ko parang hindi ko na kayang antayin siya. Pinilit kong humugot ng isang malalim na hininga bago tuluyang nagdilim ang lahat.

***

Remus POV

Tuluyang nawalan ng malay ang Misis ni Dante napangisi ako dahil kahit papaano eh nagawa niyang tagalan ang pagpilipit ko sa manipis niyang leeg.

“Remus! Sabing tama na!”   Tabig ni Boggs sa braso ko kaya nabitawan ko ang Misis ni Dante lumagabog ang maliit nitong katawan sa marmol na sahig ng kwarto na magsisilbing templo niya mamaya kapag hindi umayos ang Batibot na iyon!

“Ayan ka na naman! Talagang nag-e-enjoy ka pang pahirapan ang isang yan eh wala nga iyan alam dib saka si Dante ang pakay natin dito diba!”

Aba at pinagtataasan na ako ng boses ng isang ito ngayon ha. Tumawa ako ng malakas saka ko tinapik ng tatlong beses ang kanang pisngi ni Boggs.

“Masyado ka namang seryoso. Boggs. Relax.” 

Salubong pa rin ang mga kilay niya habang walang kurap na nakatitig sa akin.  “May Girlfriend ako Rem at bilang lalaki hindi tamang saktan natin sila kahit pa sabihing pumap@tay tayo kapalit ng pera at pagkilala na nakukuha natin pagkatapos ng misyon sana lagi mong iisipin na mahina sila kumpara sa atin dahil mga Babae sila hindi mga Lalaki.”

“Ang sabihin mo ang Babaeng yon ang kahinaan mo. Nagiging malambot ka dahil sa kanya—.”

“At si Caridad? Ano ba siya sayo ha Rem?”  Putol nito sa pagsasalita ko.

“Pamapa-init ng kama ko. Wag masyadong seryoso sa mga gaya nila dahil ang iba sa kanila minsan oera rin lang ang habol sa atin at isang gabi ng mas@rap na luto ng Diyos, diba.”

Hindi na kumibo si Boggs.

May malakas na pagsabog ang bumasag sa diskisyin naming dalawa ng kaibigan ko. Sabay pa kaming napalingon sa gawi ng malaking bintana.

“Andito na ang bisita natin. Sabihan mo na sila na magsipaghanda na.”. Bigay utos ko na sinunod naman ni Boggs. Kahit sabihing mali ako at ayaw nila sa mga bagay na gusto kong.mangyari ay nananatili pa rin ang pagigi nilang tapat na tauhan ko.

Humakbang palabas ng kwarto si Boggs pagkatapos magbigay galang sa akin. Bahagya along umupo para kunin mula sa marmol na sahig si Misis Mauro.

“Sleep well, Princess.”

Dante Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon