KABANATA 65

311 14 1
                                    

Dante's POV

Nagulat kaming lahat sa naging reaksyon ni Marcus hindi namin inaasahan na magiging emosyunal siya kung kanina napakakalmado niya ngayon para siyang batang nagwawala na sige ang sigaw.

“BAKIT!!! KINUHA MO NA SI MAMA! HINAYAAN MO SIYANG MAM@TAY DAHIL KAY PAPA! PATI SI CHACHA P@TAY NA RIN SI BOGGS DIN! TAPOS NGAYON SI REMUS! SI PAPA PINAT@Y SIYA NI REMUS KASI SI PAPA ANG NAGPAP@TAY KAY CHACHA! TAPOS KINUHA PA NIYA SI CARIDAD KAYA NAGALIT SI REMUS! LAHAT SI PAPA ANG DAHILAN! SABI NILA MABAIT KA DAW PERO BAKIT NUNG NAGDADASAL AKO NUNG DINUKOT NILA KAMI NI MAMA WALA KANG GINAWA HINDI MO PINAPUNTA SI PAPA KAYA PINATAY NILA SI MAMA! MASAMA KA! AYOKO NA SAYO! LAHAT NA LANG KINUKUHA MO!”  Hinagpis ni Marcus habang nakatingala sa langit may malalim palang punaghuhugutan ang pagiging kakaiba ni Marcus. Masakit ngang makita na pat@yin sa mismong harapan mo ang taong nagbigay buhay sayo.

“Pare, mukhang hindi ata matanggap ni Marcus ang balita.”  Puno ng simpatyang wika ni Rex.

“Ako ng bahala.”  Bumaba ako sa i abaw ng papag saka ko sinuot ang tsenilas ko at naglakad palapit kay Marcus na sige ang iyak para siyang nawawala sa sarili.

“Marcus.”  tawag ko ng makalapit na ako sa kanya. Agad naman siyang lumingon sa akin.  “A-andito lang ako hindi ka nag-iisa kasama mo kami.”

Pinunasan nito ang mga luha gamit ang kwelyo ng suot ng t-shirt.  “T-talaga hindi nyo ako iiwanan o ipamimigay sa iba?” Paninigurado niya. Naroon sa mga mata niya ang pangamba at takot tingin ko wala siyang ibang nakakasalamuha kundi sila Kuya Remus lang.

Tumango ako.   “Ibinilinka sa akin ni Kuya Remus kaya kargo kita.”

Muking tumulo ang mga luha ni Marcus saka yumakap sa akin ng mahigpit.   “M-mabait sila Remus sila lang ang kaibigan ko eg s-saka si Caridad love ko siya kasi mabait siya sa akin inaalagaan niya ako parang si Mama. P-pwede mo bang sabihin sa kanila yon? Para pakawalan na nila si Remus— p-p@tay na sila Boggs at Chacha siya na lang ang natitira kong kaibigan eh sumusunod lang siya k-kay Papa pero mabait sila! MABAIT SILA!”  Nag-uumpisa na naman ito sa pagwawala kaya niyakap ko soya ng mahigpit ramdam ko ang pinagdadaanan niya naalala ko pa nung araw na dinala na sila Kuya Remus sa taong aampon sa kanila, niyakap din niya ako ng mahigpit gaya ngayon. Mabuting tao ang mga Kuya ko nagkataon lang na nasa maling lipunan sila napunta gaya din namin ang kaibahan lang ay nagawa naming makapag-bagong buhay kaya heto at kumpleto pa kami. Salamat sa Misis ko dahil sa kanya kaya umalis ako sa serbisyo dinamay ko na rin ang tatlo e pumayag naman kaya binitbit ko na sila dito sa Tierra de Alas.

“Ssshhhh… ssshhhh… tama na baka malulungkot sina Kuya Boggs at Chacha siguradong naririnig ka nila diba ganon kapag multo na kahit saan nakakarating sila gusto mo ba silang maging malungkot?”

Lumuwag ang pagkakayakap niya sa akin saka ako tinitigang mabuti at umiling.   “A-ayoko silang maging malungkot.”

“Marcus! Halika na dito oh lumalamig yung pagkain mo. Ummm gusto mo bang ako na ang mag-alaga sayo?”  Nakangiting saad ni Beth.

Tuluyang humiwalay sa akin si Marcus saka humakbang palapit kay Beth at umupo sa tabi nito na parang masunuring bata kaya bumalik na rin ako sa pwesto ko sa tabi ni Misis.

“Aalagaan mo ako, Beth?”  Inosenteng tanong nito.

“Oo naman. Bakit ayaw mo ba?”

Inayos nito ang sarili bago sumagot.  “Gusto! Gusto! Mukha ka namang mabait gaya ni Caridad kahit hindi ka kamukha ni Mama.”

Umakto si Beth na parang nabigla.  “Talaga! Wow naman siguro maganda si Caridad.”

Tumango-tango si Marcus habang nasubo ng pagkain sabay lunok.  “Oo. Kamukha siya ni Mama. Maganda si Mama! K-kaso binaril nila si Mama kasi hindi dumating si Papa para kunin kami tapos kahit p@tay na si Mama binaboy nila ang Mama ko tapos kinadena nila ako sa loob ng truck nung dumating si Papa malamig na si Mama at sira-sira ang damit niya— m-mahal ko si Mama sobra ikaw pwede ba kitang mahalin.”

Pare-pareho kaming natigilan sa narinig.

“H-ha? O-oo naman! Pwedeng-pwede mo akong mahalin! Tutal wala namang nagmamahal sa akin eh!”  Nilakasan pa nito ang boses para marinig ng malinaw ni Gavin kaso sa halip na tumutol e tumawa lang ang loko.

Napangiti ako. Mukhang may trauma si Marcus kaya siya naging ganito detalyado pa sa isipan niya ang pagkam@tay ng Mama niya parang hindi pa niya kayang bumitaw sa masakit na alaalang ‘yon.

Natapos kaming mananghalian konting pahinga lang at balik gawa na naman kami ng tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko iyon at tiningnan ang numerong lumabas sa screen.

Unknown number?

Baka importante.

“Hello?” 

“Kaibigan ka ba ni Remus?”  Saad ng boses ng lalaki sa kabilang linya.

“Sino ito?”

“Larry Rason. Ako ang may hawak sa kaso ni Remus. Nabuntis niya ang pinsan ko. Ayokong lumaking walang Ama ang pamangkin ko.”

“Anong ibig mong sabihin? Linawin mo.”

“Nasaan ka ngayon?”

“Bakit naman kita sasagutin?”  Angil ko.

“Aige ang iyak ni Caridad nung.marinig niya ang balita kaya palalabasin namin na p@tay na ang Payaso.”

“Niloloko mo ba ako? Paano mo mapapalabas na kunwari lang ang pagkam@tay niya kung naka-live coverage kayo ha! Hindi ako t@nga Agent Larry Rason!”

“Patutulugin lang namin si Remus at dadalhin ko siya sa kung nasaan ka ngayon. Sapat na bang dahilan yon?”

“Paano mo naman gagawin yon?” 

“Sabihin na lang natin na si Remus ang taga ligpit na Payaso ni Supremo pero tinitira lang naman niya ang mga Assignment niya at kadalasan mas marami siyang naililigtas na hindi kasama sa mga lakad niya gaya ng mga Doktor na hahawak sa kanya sa araw ng Sintensya niya bilang bayad utang na loob daw sa kanya kaya naisip nilang patulugin na lang siya isa pa hindi namin isinapubliko ang mukha niya kaya siguradong makakapag simula uli siya sa oras na matapos na ang bangungot na ito. Sang-ayon ka ba sa plano namin?”

Huminga ako ng malalim ramdam kong nanginig ang katawan ko— mabubuhay si Kuya Remus! Nilingon ko si Marcus na abalang nag bubomba ng poso siya ang naka-toka sa pag-iigib dahil hindi naman daw siya marunong humawak ng martilyo at lagare siguradong matutuwa siya.

“S-sige. Gusto ko yang plano mo.”

“Nasaan ka?”. Tanong nito.

“Nasa Leyte.”

“Okay. On mo lang ang location ng cellphone mo.”

“Teka. Paano mo nakuha ang number ko?”

“Kinuha ko sa bulsa ng Lalaking tinawag ni Caridad na Boggs at tatlong numero lang ang naroon— sayo, kay Chacha at kay Remus. Basta antayin mo na lang. May hahanapin pa ako.”

“Sige aantayin ko kayo. Sinong hahanapin mo?”  Usisa ko.

“Ang anak ni Supremo. Sabi ni Caridad mabait daw si Marcus at meron siyang  Post-traumatic stress disorder kaya minsan nawawala siya sa sarili kapag sinusumpong siya. Nag-aalala ang pinsan ko kaya yun ang isusunod ko pagkatapos kong maihatid diyan si Remus—.”

Hindi ko na ito pinatapos ng pagsasalita.  “Nasa akin ang Anak ni Supremo. Dalhin mo na lang dito si Kuya. Makakaasa kang mananahimik lami dito sa Leyte.”

Bumuntong-hininga ang nasa kabilang linya.  “Mabuti kung ganon. Matutuwa niyan si Caridad.”

Ibinaba ko ang tawag ni Larry Rason saka ko iyon iniwan sa loob ng Kubo namin sa ngayon gusto ko munang sorpresahin ang mga kasama ko dito lalo na si Marcus.

Bukas papanoorin ko ang pagbit@y kay Kuya Remus.



Dante Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon