Victoria's POV
Nasa parking lot na.kami ng Restaurant kung saan ginanap ang katatapos pa lang na celebration ng binyag ni Baby Xeed ng may tumawag kay Mona. Lahat kami natigilan sa paglakad at pare-parehong nilingon ang tumawag.
“Mona!” Ulit nito saka lumapit. “Nakaingon na ba ko na gwapa kaaya ka! Nakadungog ka unsay nahitabo sa imong Amahan?” (Sabi ko na nga ba at ikaw yan grabe ang ganda mo na! Nabalitaan mo na ba ang nangyari sa Amain mo?)
Hindi ko naintindihan ang mga sinabi ng Babae napansin ko na lamang na naging balisa si Mona at bahagya siyang nagtago sa likod ni Roger na gaya ko e lutang din.
“Hoy, Babae managalog ka hindi kita naiintindihan nasa poder ko na si Mona kaya kung may problema kayo sa kanya ako ang kausapin nyo hindi siya.” Matapang na sagot ni Roger kaya napunok laway ang Babaeng kausap niya.
Hinarang ni Dante si Roger ng akmang hahakbang palapit sa Babae. “Relax, Pare may ibabalita lang siya kay Mona.”
“Tungkol saan naman? Hindi ko rin kasi siya naiintindihan eh.” Tanong ko.
“Tungkol sa Amain niya.” Sagot ni Daisy kaya bahagya akong kinabahan.
Isang mabagal na tango lang ang naisagot ko. Ano naman kaya ang ibabalita nito?
Tumikhim ang Babae. “A-ako nga pala si Beth. Sorry akala ko kasi nakakaintindi na kayo ng bisaya. Bali guato ko lang ibalit kay Mona na nakita ang Amain niya sa ilog kasama ng mga kagrupo niya sa Cobra patay na sila at kahindik-hindik daw ang itsura nila dahil gunawa silang barbecue.”
“Barbecue?” Si Gavin na bahagyang lumapit sa nagpakilalang Beth.
“Oo. Lahat sila tinuhog ng mahabang kawayan mula bibig palabas ng p*wet saka tinulos sa lupa! Hindi nyo ba nabalitaan yon?”
Kanya-kanya kami ng iling.
“Ganon? Sabagay ang layo nyo kasi asa bundok kayo basta mag-iingat kayo kasi yung nabili nyong lupa pinaniniwalaang may sumpa yon.” Dagdag pa nito.
Nakakatakot naman kaya napahigpit ang hawak ko sa kamay ni Dante. “S-sumpa? Anong sumpa?”
“May mga Demonyo daw na lumalabas sa lupaing nabili nyo kaya nga maganda ang mga tanim doon ay walang nagagawing tao dun kasi natatakot sila.”
“Ano namang kinalaman ng Demonyo sa pagkamatay ng Amain ni Mona?”. Usisa pa ni Daisy.
Nanlaki ang mga mata ni Beth saka lumingon-lingon sa paligod at bumulong. “Demonyo daw kasi ang may gawa non hindi kapanipaniwala diba pero totoo dahil si Hepe mismo ang nakakita nung nagroronda daw sila nung nakaraang gabi akala nila kung ano yung inggay na naririnig nila— mga buto pala na nagtutunugan kada tusok ng kawayan. Makikialam sana sila ng mga kasama niyang Pulis kaso may malalapad daw na pakpak at mahabang sungay ang mga salarin kaya inantay na lang nilang matapos ang mga yon at ang malupit pa bigla na lang daw silang naglaho ang isa usok at ang isa apoy sala nila nilapitan ang mga tinuhog at kasama nga dun ang Amain ni Mona. Alam nyo pabor nga din yung nangtari kasi talagang walang kaluluwa kung makaasta yung mga Cobra na yon baka daw may ginawa silang ikinagalit ng dalawang yon.”
Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko maging si Daisy lalo na si Mona kaya nanahimik na lamang kami bahala na ang apat na lalaki kung paano sila lulusot.
“Wala akong pakialam at ganon din sila isa pa sabi ni Mona pinagsas@mantalahan soya ng Amain niya so kung ano ang kinahinatnan niya o di WOW salamat sa dalawang yon at tinapos na nila ang kab@buyan ng mga ung@s na yon. Wala ka na bang sasabihin dahil malayo pa ang biyahe namin at sa totoo lang nakakaabala ang pagiging marites mo.” Prangkanh turan ni Roger.

BINABASA MO ANG
Dante
AcciónPROLOGUE "Ano ng gagawin natin sa isang ito?" Tukoy ni Gavin sa Subject namin. Tinitigan ko ang walang buhay na katawan ng negosyanteng pin@tay namin. "Eh kung pugut@n na lang natin ng ulo para masmasaya!" Sabat ni Roger na mukhang tuwang-tuwa sa n...