KABANATA 12

296 12 0
                                    

Victoria's POV

Crowded na sa Mcdo wala na halos ma-upuan pero pumila pa rin kami ni Dante hindi pa kasi kami nakaka-pananghalian at wala na rin daw siyang Oras para magluto dahil may lakad pa siya gaya kanina nasa likurang bahagi ko uli ito habang nakapila kami at hawak nito sa magkabilang kamay ang mga helmet namin.

"O heto." 

I turned and lifted my head. I stared at him blankly. Why is he giving me his wallet?

"Bakit?"

"B-bakit mo binigay sa akin itong wallet mo?"

He sighed.  "Misis ko dapat masanay ka na simula ngayon Ikaw na ang magba-budget ng mga gastusin natin at syempre ipagluluto mo ako para pag-uwe ko galing trabaho eh makatikim man lang ako ng lutong-bahay."

"Ha? G-ganon ba?"

"Ganun na nga. 2pc chicken yung akin saka extra rice mga apat sana tapos order ka na din ng isang chicken bucket nila incase na mabitin ako sa dalawang pirasong manok tapos Coke ang drinks ko and make it large less ice. Ikaw anong gusto mo bukod sa akin?"  Bumungisngis pa ito.

Sinimangutan ko ito saka ako tumalikod.  "Spaghetti at Cheese Burger saka fries large pati Coke."

"Okay."

Hindi ko na ito inimik pa tutal hinahaluan naman niya ng pang-asar ang mga sinasabi niya o di mabuti pangmanahimik na lang ako— kaso pano 'yon hindi ako marunong magluto naku baka pag-uwe niya mamaya expected niyang makakain siya ng lutong-bahay. Ano ng gagawin ko?

Nagulat pa ako ng may tumapik sa balikat ko. 

"Ang lalim ng iniisip mo kanina ka pa tinatanong ng Kahera."  Bulong ni Dante.

"Ha? Sorry may iniisip lang kasi ako."

"It's okay po Ma'am. Ano pong Order nila?"

Si Dante na lang ang sumagot ng tanong nito sinumpong na naman kasi ako ng pagigi ko mahiyain.

"Take-out lahat 'yan Miss."

Inabot ng Isang libo ang bill namin para lang sa pananghalian, aba galante ata itong k!ller na 'to.

Ngumiti ang Staff na nasa Cashier.  "Okay po Sir. Cash po ba o Card?"

Nilingon ko si Dante mukhang naunawaan naman nito ang gusto kong sabihin hindi ko kasi alam kung Cash o Card ang ipambabayad nito.

"Card, Miss."  Nakangiting sagot nito.

Binuksan ko ang wallet nito aba atarami naman pala siyang Cash pero ang masipinagtaka ko ay ang Credit Card nito dahil hindi ito ordinaryong Credit Card. Muli kong ningon si Dante at pinakita ang hawak kong Card para makasigurado ko kung 'yun ba talaga ang ibibigay ko sa Kahera.

Tumango ito.  "Yup, Misis ko."

"Okay."

Bumaling ako sa Staff parang nawala ata ang pagkakangiti nito saka nito tinitigan ang suot kong damit ganun din ang kay Dante, tumikhim ito ng kunin nito ang Credit Card sa kamay ko saka ito swi-nipe sa Card reader binasa muna nito ang pangalan na nakalagay sa Card bago ibalik sa akin.

"Thank you po Sir Dante Mauro. Have a seat po muna habang pine-preper po namin yung mga order n'yo." Sambit nito na Hindi man lang inalis ang pagkakatitig sa kasama kong Kapre. Ganun ba talaga kagwapo itong isang ito? O baka malakas lang ang datingan niya kesa iba? Kasi para sa akin normal lang naman ang itsura niya at kahit kailan hindi ko siya magugustuhan dahil pin@tay niya ang Papa ko.

Gumilid muna kami sa harapan ng Counter pagkabigay sa akin ng Card at Resibo tatawagin na lamang daw kami. Pinirmahan muna ni Dante ang copy ng Card receipt bago kami tuluyang umalis at humanap ng pwesto kaso punuan kaya ang ending nakatayo kami.

Kinabig ko sa harapan ko ang suot kong manipis na jacket na kulay itim para matakpan ang disenyo ng couple's shirt nami ni Dante habang kampanteng nakatayo lamang ito sa gilid ko.

"Sir Dante Mauro?"  Tawag ng Lalakeng staff.

"Here."  Taas kamay nitong sagot para siguro madali siyang matukoy nito.

Nakangiti itong lumapit sa amin para ibigay ang mga Order namin na for take out.

"Salamat."

"Thank you din po Ma'am and Sir."  Magalang nitong saad bago kami tuluyang iwan.

"Tingin ko maglalakad na lang ako bitbit ang mga 'to baka kasi mahulog pa ako sa Motor mo kung aangkas pa ako saka diyan na lang naman yung Bahay natin eh."  Sambit ko habang abala ako sa pagbitbit ng tatlong malalaking paper bag ng Mcdo.

Nag-angat ako ng tingin ng hindi man lang kumibo ang kasama ko.  "O bakit? May kulang ba?"

Umiling ito.  "Wala. Medyo nanibago lang ako sa sinabi mong Bahay natin ummm."

Tumaas ang isang kilay ko.  "O di Bahay mo na lang. Basta lalakad na lang ako."

"Okay."

Si Dante na ang nagbukas ng glass door ng Mcdo para sa akin sabay kaming naglakad palapit sa nakaparada nitong Big bike , binuhay nito ang makina at sinabayan akong maglakad hanggang sa makatawid ako sa kabilang kalsada.

Binati kami ni Manong Guard saka nito pinagbuksan ng gate si Dante para makapasok ito. Inantay ko ito sa lobby ng Condominiums habang pinarada nito ang ng maayos ang Motor.

Tahimik lang kami pareho habang nasa elevator hanggang marating namin ang Unit nito. Nilapag ko sa maliit na dining table ang mga binili namin saka ako nagtungo sa kusina para maghugas ng mga kamay ko habang si Dante naman ang kumuha ng dalawang Plato at magkapares na mga kubyertos, naghugas din ito ng mga kamay.

Isa-isa kong nilabas sa paper bag ang mga kakainin namin habang si Dante naman ang taga-ayos hindi ko tuloy maiwasang na kumalam ang sikmura ko talagang nagugutom na ako hindi sumapat ang Mango Graham shake na binili nito kanina, ang lakas naman ng tawa ni Kapre kaya nakanguso ako habang nakain kami. Hindi ako makapaniwala sa takaw nito talagang kulang sa kanya ang 2pc chicken at ang extra rice medyo nahiya pa nga ata— sa akin dahil tinirahan pa ako ng Tatlong Manok.

Tumayo na ito.  "Aalis ako. Baka gabihin na ako ng uwe. Bale namalengke na din ako kanina bahala ka na kung anong lulutuin mo pumili at yung bigas andun sa rice dispenser medyo damihan mo lang ng pagkakasaing kita mo naman ata na matakaw ako."  Paalam nito habang ninanamnam ko pa ang sarap ng mga kinakain ko.

Nagtungo na ito sa kwarto saglit lang ito doon at lumabas din naman agad ito bagong paligo na si Kapre at nakasuot na itong back pants at black t-shirt na tinernuhan niya ng black jacket umupo ito sa gilid ng shoe rack para isuot ang napili nitong itim na Converse. Aba pumadong-purmado si Kapre ah saan naman kaya ang punta nito?

Nahuli ako nitong nakatitig sa kanya kaya bumungisngis ito. Tumayo ito at inayos ang sarili sabay kuha sa helmet nito.  "Don't worry Wife hindi ako mambababae. Trabaho lang."  And to my surprise he blow me a kiss before he storm out.

Topak talaga! Care ko kung mambabae siya maganda nga 'yon para may dahilan ako para sa early divorce namin!

Teka, umalis na nga pala siya. Pano na pag-uwe niya? Hala Victoria dapat kanina mo pa sinabing hindi ka pa nakakapagluto buong Buhay mo eh!

Dante Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon