KABANATA 25

342 14 8
                                    

Victoria's POV

"Salamat sa paghatid sa akin, Jonny."

"Wala yon. Ang yaman pala ng Asawa mo talagang sa Condominiums kayo nakatira. Ummm bakit ka niya iniwan e mukha ka namang mabait?"

Isang tipid na ngiti lang ang binigay ko dito saka ko binuksan ang pinto ng unit namin ni Dante.  

"Masyadong personal para pag-usapan nating dalawa. Salamat uli sa paghatid."

"Teka."  Pigil nito sa pagsara ko ng pinto.  "Papasok ka ba bukas?"

Saglit akong nag-isip saka malalim na bumuntong hininga.  "Hindi ko alam Jonny. Sige isasara ko na ingat na lang pagbalik ng school."

"Saglit."  Pigil uli nito.  "Ammm kung kailangan mo ng kausap andito lang ako ha."

Tinitigan ko ito ng mata sa mata magka-edaran lang kaming dalawa matangkad siya at gwapo din naman pero hindi ako interesado sa kanya.   "May Asawa na akong tao tingin ko kung nagkakaproblema man kami ngayon dapat kami ang umayos non diba salamat sa concerned mo pero kaya na naming mag-asawa ang isang ito. Sige. Bye."

Isinara ko na ang pinto buti at hindi na nangulit pa si Jonny alam kong namang  nagpapalipad hangin lang siya sa akin. Tinitigan ko ang singsing na nasa kaliwang kamay ko kahit anong mangyari tanging si Dante lang ang gusto mong maging Asawa maaaring pinatay nga niya si Papa pero inaalagaan niya ako at tinupad niya ang pangakong binitawan niya sa Papa ko.

Kinuha ko ang cellphone ko saka ko dinayal ang Numero nito pero Wala ng sumasagot tanging operator na lang ang nagsasalita at sinasabing out of coverage na daw ang tinatawag kong Numero muli na namang tumulo ang mga luha ko tutal nasa Bahay na ako akya hinayaan ko na lang sunod kong ginawa ay pumasok ng kwarto namin saka ko tinulak ang king-size bed namin para makita ang sinasabi niyang safe at meron nga! Pinindot ko ang numero ng birthday ko. Tumunog ito senyales na bukas na ang lock nito. Dahan-dahan ko iyong kinabig para mabuksan.

Napanganga ako sa pagkabigla ang daming Pera! Pero ang mas nakaagaw ng atensyon ko ay ang kapirasong papel na naglalaman ng tunay kong pagkakakilanlan. Hindi ko akalaing itatago ni Dante ang Birth Certificate ko kaya pala alam niya ang birthday ko. Talaga napahanga niya ako sa mga simpleng galawan lang niya. Nanginginig ang mga kamay ko ngnibalik kong muli sa safe ang Birthday certificate ko saka ko iyon muling sinara mamaya ite-check ko sa tapat na Bangko ang Card ni Dante. Kinalma ko ang sarili ko kung matagalan pa bago makabalik si Dante tiyak na mauubos ang perang iniwan niya sa mahal ba naman ng mga bilihin ngayon. Kailangang makahanap ako ng trabaho para hindi ko magalaw ang iniwan niya.

Tama! Think positive Victoria! Sinabi ni Dante na babalik siya kaya maniwala ka lang!

***

Dante's POV

"P*T@NG INA! AKO NA LANG ANG PAHIRAPAN NYO! LUBAYAN NYO! MGA WALA KAYONG KWENTA!"  Sigaw ng marinig ko ang palahaw ni Gavin habang pinahihirapan sa kabilang Silid.

"MATATAPANG LANG KAYO DAHIL NAKAKADENA KAMI! MGA P*T@NG INA KAYO! PAKAWALAN NYO KAMI PARA MAGKAALAMAN TAYO!"  Angil din ni Roger.

"MGA H@YOP KAYO! TANTANAN NYO SI GAVIN! P@P@TAYIN KO KAYO!"  Mangiyak-ngiyak na sigunda ni Rex sa amin tatlo ito ang pinakamababa ang luha lalo na ngayon na talagang gigil na gigil kami pero Wala kaming magawaan lang para saklolohan si Gavin.

Nawala ang malakas na atunggal ni Gavin kaya naalarma kami baka kung ano ng nangyari sa kaibigan namin!

Bumukas ang pinto ng kinalalagyan naming silid saka pumasok ang mga lalaki hila-hila si Gavin.

"Hindi pa Patay ang kasama nyo nawalan lang siya ng malay."  Kasunod ng tawanan ng mga ito saka kami iniwang apat.

"Gavin! Pare!"  Tawag ni Rex na pilit inabot ng paa ang walang malay naming kaibigan.

Dante Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon