KABANATA 32

299 8 0
                                    

Dante's POV

Talagang mautak si Kuya Remus. Napangisi ako. Wala siyang pinagbago napakatuso pa din niya!

“Wow, Pare hindi ko expected na sa lumang barko pala ang setting natin ngayon ha. Umaandar pa kaya ‘yan?”  Natatawang saad ni Roger habang bitbit sa leeg ang isa sa mga kalaban namin.

Inayos ko ang hawak kong kadena sa kamao ko bago ako humakbang pasulong.  “Wala akong pakialam kung umaandar o hindi ang barkong yan dahil palulubugin ko yan sa oras na mahawakan ko na ang  Misis ko!”

“Good!”  Pahabol ni Roger kasabay ng agatok ng buto ng hawak nitong leeg.  “Ooopps! Sorry na-excite lang!”

Napailing ako talagang lumalabas ang pagiging wild niya sa ganitong sitwasyon.

“Mauna ka na sa loob! Susunod na lang kami!”  Sigaw ni Gavin habang winasiwas sa ere ang hawak na combat knife pasensyahan na lang sa lahat ng lalapit talagang laslas ang lalamunan.

“Oo nga! Mukhang maraming resbak ang Kuya mo!”  Sigaw ni Rex na sige ang hataw ng hawak na tubo. Hindi kami espisyalista sa paggamit ng baril para sa amin mas nasusukat ang pagkalalaki sa manu-manong labanan gaya nito. Patay kung patay. Walang ititirang buhay!

“Sige! Kita-kits na lang tayo!”  Sagot ko bago ako tuluyang sumugod sa mga nag-aabang na kalaban. Talagang ibunuwis nila ang buhay nila masunod lang ang utos ni Remus!

Dumadagundong ang hiyawan ng mga tuta ni Remus ang iba may hawak na baril habang ang iba naman ay mga naglalakihang patalim at balisong pero meron din namang sosyal aba at naka Samurai pa ang loko! Lahat sila nakaharang sa daraanan ko para makapasok sa loob ng barko!

Huminto ako. Pinakiramdaman ko ang paligid tanging mga sigawan at daing ng mga kalaban ang naririnig ko kahit hindi ko sila lingunin alam ko naman na angat sa labanan ang tatlong iyon.

Niluwagan ko ang hawak sa kadena kaya bumagsak sa lapag ang dulo non. Napaatras ang mga kalaban ko. Talagang kailangang sabay-sabay sila? Wow ha! O baka naman natatakot sila sa kaya kong gawin kahit isa laban sa lahat ang set-up. Ay oo nga pala kamuntik ko ng makalimutan na kami nga pala ang Black Cards ang propesyonal na mam@mat*y tao. Kaya siguro takot ang mga loko-loko na ito!

Nilahad ko ang kanang kamay ko na may kawak ng kadena sa harapan ko.   “KILALA N'YO AKO DIBA! PADADAANIN N'YO AKO O UUBUSIN KO KAYO!”  Hasik ko.

Hindi na ako nagulat sa reaksyon nila agad silang pumosisyon para sa pag-atake. May naglakas loob na asintahin ako kaso malas lang niya hindi ako gaya ng iniisip niya! Sinalo ko ang bala nito gamit ang kadenang hawak ko. Ngayon nilaalalaman kung bakit ako ang naging pinuno ng grupo namin!

“MAM@TAY KA!!!”  Marahas kong hinataw sa ere ang kadena kung saan naipit ang bala na para sana sa akin agad itong lumipad pabalik sa pinanggalingan nito kasunod nun ang pagbagsak ng isa sa mga kalaban ko mula sa ibabaw ng tore ng barko.

“Sinong gustong sumunod?”  Nakangising tanong ko.

“IKAW ANG ISUSUNOD NAMIN! SUGOD! PATAYIN SILA!!!”  Sigaw nito.

Nagkanya-kanyang takbo ang mga ito paunahang makalapit sa akin mukhang pag-aagawan pa ata ako ng mga ito ah!

“Sige tutal naman kayo ang may gusto nito eh! GUSTO KO LANG KUNIN ANG MISIS KO PERO AYAW NYO KAYA PASENSYAHAN NA LANG TAYO!!!”  Sinalubong ko sila kung akala nila na aatras ako sa dami ng bilang nila pwes nagkakamali sila!

Sige lang ang ilag ko sa bawat sugod at wasiwas nila ng hawak nilang sandata ang iba sa kanila tinatawanan pa ako! E kung patulan ko na kaya sila!

“E WALA KA NAMAN PALANG KWENTA! AKALA KO BA KAYO ANG KILABOT NA TAGA-TAPOS E WALA KA PA LANG BINATBAT KAY PAYASO!”  Sigaw nito.

Aba! Iniinsulto ako ng loko na ito ah! Talagang gusto atang matuluyan!

Muling sumugod ang isa sa kanila diretso sa kinatatayuan ko. Tutal gusto nilang subukan kung ano ang kaya kong gawin o di pagbigyan!

Kinabig ko ang kadenang hawak ko saka ko winasiwas na parang latigo! Pumunit sa hangin ang lumalangitngit na tunog ng nagkikiskisang bakal.

“AAARKKKKK!!!!!”  Daing ng loko ng pumulupot sa leeg nito ang dulo ng kadenang hawak ko.

“O ano! Masarap ba!”  Sabay hatak ko hinayaan kong ang malakas na pwersa ng nagkikiskisang bakal ang pumugot sa ulo nito kasabay ng paggulong nito sa lapag ang pagbulwak ng dugo mula sa naiwang bahagi.

“PUT*NG IN@!!!!”  sigaw nito.   “PAPATAYIN KITA!!!”  sumugod ito kaya hinila ko pabalik sa akin ang sandata ko at pinulupot ito sa kamay ko.

Inantay kong makalapit ang kalaban ko saka ako sumugod, lumundag ako sabay pakawala ng suntok na tumama sa noo nito. Lumagatok ang nabasag nitong bungo. Pasuray-suray itong bumagsak sa paglapag ng mga paa ko sa sementadong sahig saka ko tinapakan ang ulo nito. Durog ang loko!

Ngumisi ako. Masyado na ata akong naaaliw sa pakikipaglaro sa mga walang kwentang tauhan ni Kuya Remus!

Oras na para bawasan ang bilang nila!

“ITO ANG HULING ARAW NA HIHINGA PA KAYO!!! IHAHATID KO KAYO SA IMPYERNO!!!!”   I roar as I continue squeezing their necks using my chain.

Just wait for me Wife!

***

Remus POV

“Nagkakagulo na sa labas.”  Sambit ni Chacha habang nakamasid sa CCTV monitor.

“Alam ko.”

“Makakapasok na dito si Dante. Anong plano?”  Sinipat niya ang tulog na Asawa ng Batibot na ‘yon!

“Tuloy ang plano.”

“Ha? Seryoso ka ba talaga Rem?” 

“Oo.”

Tumayo si Chacha at humakbang palapit sa kama kung saan himbing na natutulog si Misis Mauro. Mataman nitong tinitigan ang Asawa ni Dante.

“Alam mo Rem, ayoko ng plano mo. Isa pa ang bata pa nyan para pilahan!” 

“May paraan ka bang naiisip para magsalita ang Batibot na iyon ha, Cha?”

Hindi ito kumibo. Napako ang tingin nito sa monitor.  “Malapit na si Dante. Maging talaga siya kaya naging Leader siya ng grupo nila. Magaling din ang nagturo sa kanila.”

Sinipat ko ang monitor.   “Balewala lang ang Alas ng Pala kumpara sa Payaso. Mamaya pululuhurin ko si Dante Mauro sa harapan ko sa ayaw at gusto niya masasaksihan niya kung paano pagpipyestahan ng mga tauhan ko ang murang katawan ng Misis niya! Papasukin mo na ang mga gustong makarating sa langit. Gusto kong makita ang mukha ni Dante habang pinagsasawaan ng kung sinu-sinong lalaki ang Misis niya!”

Umiling si Chacha.  “Susundin kita sa gusto mong mangyari Rem, pero ipapaalala ko lang sayo na minsan naging KUYA tayo ni Dante at ilaw pa nga ang pinaka-close sa kanya baka nakalimutan mo.”

Tumawa ako.   “Parte na lang iyon ng kahapon ko. Iba na tayo ngayon isa pa alam ni Dante ang kalakaran ng buhay, simple lang naman— pap@t*y ka o ikaw ang mam@mat*y.”

“Ewan ko sayo.”  Talagang tutol sila ni Boggs pero wala silang lakas ng loob para hamunin ang pagiging Pinuno ko.

Mamaya ipakikilala ko kay Dante at sa tatlo niyang kasama kung gaano kalupit ang Payaso.

Kung hindi dugo ang babaha siguradong luha nilang mag-asawa ang babaha. Sige tignan ko lang kung gaano ka katigas Dante Mauro.

Dante Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon