KABANATA 51

369 11 1
                                    

Roger's POV

"Tumayo ka na diyan Mona. Simula ngayon malaya ka na wala ng mananakit at mananamantala sayo."

Inalalayan ko siya sa pagtayo tanging tshirt ko lamang ang saplot niya sa katawan winasak kasi ng mga sir@ulong iyon ang damit niya para lang b@buyin siya at sa hatap pa nila Victoria at Daisy siguradong natrauma sila sa mga nangyari.

Mahigpit na yumakap sa akin si Mona tanging malakas na iyak at hagulhol lamang ang kaya niyang gawin sa mga sandaling ito.

"MONA!!!" Sigaw ko ng bigla na lamang itong nawalan ngalay at bumitaw mula sa pagkakayakap sa bewang ko. Maagap kong sinalo ang maliit niyang katawan alam kong napagod siya ng husto. Hindi ko alam kung ilang oras niyang dinanas ang kalbaryong pilit niyang tinatakasan kaya nga siya sumama sa amin.

"Pare, dalhin mo na muna sa Kubo namin si Mona dun mo na siya ihiga sa kama namin ni Misis para kahit paano makaginhawa naman siya at sabi pa naman ni Misis halos isang oras daw siyang ginamit ng matandang iyon siya talaga ang pakay nila swerte lang na maaga tayong umuwi kaya hindi nila nagalaw ang dalawa. Sige na dalhin mo na siya dun at may tatapusin pa tayo dito." Tapik ni Dante sa balikat ko.

"Salamat, Pare. Ipaalala mo sa akin na bibilhan ko siya ng kutson para malambot na ang higaan niya para ramdam niya ang pagbabago ng takbo ng buhay niya."

Dinala ko nga si Mona sa Kubo nila Dante mas kompleto kasi dun kesa sa Kubo namin.

"Kami ng bahala sa kanya. B-baka kailangan ka na nila Dante e alam mo na baka may magawi pa ditong mga tsismosa tiyak maiiskandalo tayo." Nag-aalalang turan ni Victoria kaya tahimik akong lumabas at muling bumalik kung saan namin tinapos ang hininga ng sampung lalaking nanamantala kay Mona.

***

"Itatapon natin sila sa ilog kasama ng sasakyan nila mga kilalang Kriminal sila diba kaya siguradong magiging malaking usap-usapan itong nangyari bukas paggising ng mga tsismosa kung meron man diba. Basta wala tayo iiiwang ebidensya na dito si nanggaling tanging tatak lang natin para may katakutan ang- ano nga uling klasing ahas sila?" Natatawang tanong ni Dante.

"Cobra daw sila eh." Sagot ni Gavin habang nakain ng inihaw na mais talagang nag ihaw siya sa pinagbagahan ng tatak namin kanina ibang klase talaga ang katakawan ng isang ito.

"Bagay naman sa kanila kasi tignan mo yung mga cobra nila sa sobrang hilig ayun pinuruhan ni Mona! Mukhang marami ata sila kaya mayabang sila magsalita ayan tepok tuloy sila. Anong gagawin natin sakaling malaman ng grupo nila na tayo ang dumedo sa mga 'yan?"

Binalingan ito ni Dante. "Bakit natatakot ka ba, Rex?"

"Ako? Takot? Naku mga Pare kung may katatakutan ako isang tao lang yon at si Daisy yon kasi Nanay siya ng Anak ko kung ako siga aba! Si Daisy naman si Kumander!"

Ngumisi si Dante. "Same here, Pare. Si Misis ko ang Boss ko! Wala akong ibang luluhuran kundi siya lang! Mahirap na at baka hindi ako patabihin naku mamimiss ko yung around the world trip namin saka iba kapag babae ang nagbawal talagang dapat sundin kung ayaw mong mabukulan!"

Sabay pa talaga silang tumawa ng malakas habang hila-hila ang paa ng mga b@ngkay papunta sa sasakyan ng mga ito. Napapailing na lamang ako. Ngayon ko lang sila nakita na ganito kakulit teka nga baka naka-score na itong si Rex kay Daisy? Pero paano e magkakasama kami sa Kubo at wala pang kwarto yon. Oo nga pala dapat ibukod ko na din ng Kuno si Mona ang hilig pa naman niyang sumubo baka pagnagkataon manood pa itong dalawang loko-loko na ito!

"Alam nyo ang iingay nyo baka may makarinig sa atin o baka may magambala tayong mga nilalang na nabubuhay sa dilim sige kayo magagalit yon sa atin."Saway ni Gavin habang hila-hila ang dalawang b@ngkay.

Dante Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon