Victoria's POV
Naging maayos naman ang pagdaan ng mga Araw hanggang sumapit ang First day of School kaya maaga akong nagising pero mas maagang nagising si Dante.
"Goodmorning, Wife. Sakto nagka pagluto na ako ng pancakes at nakapag timpla na din ako ng mainit na gatas." Sabay ngiti nito sa akin. "Kumain ka na muna bago ka maligo. Naihanda ko na ang tubig mo nasa lunch bag mo na kasama ng egg sandwich na ginawa ko bale tatlo 'yon para hindi ka magutom. Ihahatid kita pero magdi-dyip tayo para alam mo kung ano ang sasakyan mo papuntang school pati kapag uuwi ka na. Baka sa susunod kasi na mga araw magiging busy na ako."
Lumapit ako sa mesa saka ako umupo. "Aalis ka?"
Umupo na din ito sa bakanteng silya. "Yup, may binigay na naman sa amin na Assignment diba alam mo naman ang trabaho ko."
Tumango ako. Hindi na ako kumibo kumain na lamang ako ayokong ma-late sa unang Araw ng klase namin.
"Ummm nakalimutang kong sabihin na yung phone mo naka-linya yon kahit hindi ka na magload ayos lang saka automatic deduction yun sa Bank account ko para hindi ka na mamorblema pa sa pagbabayad if ever na mawala mo ang phone just contact the seller para ma-de-activate agad nila ang number mo." Seryosong saad nito habang nakain.
"Okay."
Tumayo na ako para maligo na bitbit ko ang tuwalya ko at humakbang ako palapit sa pinto ng banyo ng hindi ko mapigilang magtanong.
"Kailan ang uwi mo?" Nakatalikod ito sa akin kaya malaya ko itong natitigan habang tahimik itong nag-a-almusal.
Bahagya itong umiling. "Hindi ko pa alam Misis ko pero kapag natapos na agad namin pangako uuwi agad ako." Sagot nito na hindi man lang ako nilingon.
"Ah. Okay. Maliligo na muna ako."
Tumango ito kaya pumasok na ako sa loob ng Banyo. Isinabit ko ang tuwalya ko sa sabitan ganon din ang dala kong panloob. Isa-isang nag bagsakan ang mga luha ko iiwanan akong mag-isa dito ni Dante ni hindi ko pa nga kabisado ang pasikot-sikot sa Lugar na ito tapos iiwanan niya ako agad. Nakaramdam ko na naman ang lungkot gaya nung Araw na namatay si Papa pakiramdam ko maiiwan akong mag-isa.
Nakatulala lang ako habang sige ang agos ng tubig mula sa shower ng kumatok si Dante.
"Misis ko okay ka lang ba diyan sa loob? Mahigpit 30 minutes ka na dyan eh baka malate ka na magko-commute lang tayo."
Pinihit ko pasara ang knob ng shower saka ako nagpunas ng Katawan ko isinuot ko din ang mga panloob ko at cycling shorts na kulay itim saka ko itinapis ang tuwalyang dala ko sa Katawan ko.
Nagulat pa ako pagbukas ko ng pinto dahil naroon si Dante at nakapostura pa ito na kakatok nahinto sa ere ang kamay nito at lunok laway akong pinagmasdan.
Tumikhim ito. "M-magbihis ka na Misis ko aantayin na lang kita."
Tumango ako saka ito naglakad papuntang Sala saka nito sinukbit sa balikat ang bag ko.
"Ako ng magdadala ng bag ko." Saka ako pumasok sa loob ng Kuwarto namin. Muli na naman akong umiyak ng makita ko ang plantsado kong uniform kagabi plinantsa lahat ni Dante ang mga uniform ko habang nakamasid naman ako para sa susunod ako ng gagawa bagay na yon pati patch sa uniform ko siya din ang nagtahi. Nakahanda na lahat pati medyas na susuotin ko talagang asikasong-asikaso niya ako.
Nagmadali na ako sa pagbibihis ng mapansin ko ang Oras sa alarm clock na nakapatong sa bedside table 5:30 na pala ng Umaga!
***
Hindi payag si Dante na ako ang magdala ng bag ko dahil kasama ko naman daw siya, talagang bine-beybi niya ako kaya lalo lang akong nalulungkot. Itinuro niya sa akin ang mga pwede kong sakyan na dyip kapag papasok sa school at kung magkano ang ibabayad ko.

BINABASA MO ANG
Dante
ActionPROLOGUE "Ano ng gagawin natin sa isang ito?" Tukoy ni Gavin sa Subject namin. Tinitigan ko ang walang buhay na katawan ng negosyanteng pin@tay namin. "Eh kung pugut@n na lang natin ng ulo para masmasaya!" Sabat ni Roger na mukhang tuwang-tuwa sa n...