KABANATA 58

230 11 4
                                    

Victoria's POV

Dalawang buwan din ang mabilis na lumipas ng malaman kong buntis ako naging maayos ang lahat mas maingat sa akin si Dante dahil sa sitwasyon ko ayaw niya akong mapagod kaya talagang siya ang gumagawa lahat paglalaba, pagluluto at paglilinis ng bahay namin parang wala siyang kapaguran basta para daw sa amin ni Baby lahat kakayanin niya. Si Beth naman masipag siya mas madalas siya ngayon sa Kubo namin dahil nga buntis ako kaya kailangan ko ng kasama sa bahay kapag wala sina Dante. Minsan nagtitipon kaming apat sa papag na nakapwesto sa ilalim ng malaking punong kahoy malapit lang sa Kubo namin at Kubo na tinirhan nilang tatlo, bumukod na kasi sina Rex at Daisy hindi naman gaanong kalayuan ang lugar kung saan nakatirik ang Kubo nila kaya hindi siya mapapagod kung sakaling gusto niyang mangapitbahay bitbit si Baby Xeed na lalong nagiging gwapo habang nagka-edad!

“Wow ang swerte nyo namang tatlo ang gugwapo ng mga jowa nyo! Lalo na itong si Mona naka-jackpot agad ng isang gaya ni Roger! E ako kaya kailan kaya?”   Bungad agad ni Beth ng mailapag ang  bagong lutong popcorn na pagsasaluhan naming apat.

“Beth ganahan ka ni Dante? Minyo na ang tawo. Makauulaw amiga gihapon ko nimo.”. (Beth may gusto ka ba kay Dante? May asawa na yung tao nakakahiya kaibigan pa naman kita.). Walang anu-anong turan ni Mona at seryosong nakatitig kay Beth hindi ko sila naiintindihan pero nakuha niya ang atensyon ko dahil nabanggit ang pangalan ni Dante.

Huminga ng malalim si Beth at tinapunan ako ng tingin bago nagsalita.  “Gi admire nako siya grabe ba?”  (Humahanga ako sa kanya masama ba?)

“Dili gyud. Amigo ko nimo pero kung dili sakto, di ko masuporta nimo. Importante sila sa akoa kay sila na ang akong bag-ong pamilya. Di ko gusto nga naay masakitan sa akong pamilya.”  (Hindi naman. Kaibigan kita pero kapag hindi na tama hindi kita susuportahan. Importante sila sa akin dahil sila na ang bago kong pamilya. Ayokong may nasasaktan sa pamilya ko.)

Tumawa lang si Beth saka ako inalok ng popcorn. Ano kayang pinag-uusapan nila? Nilingon ko si Daisy na bahagyang ngumiti lang sa akin habang kalong si Baby Xeed. Napapaisip tuloy ako kung bakit napaka seryoso ni Mona. Mas una kong nakilala si Mona kesa sa dalawa at sa mga araw na magkasama kami pansin ko na may pagkaprangka siya para siyang babae version ni Roger mabait pero wag mo lang gagalitin lalo at walang preno ang bibig nila kung magsalita. Baka meron silang bagay na hindi napagkasunduan kaya nabanggit ni Mona si Dante.

Mabait naman si Beth kaso may mga oras na nahuhuli ko siyang titig na titig kay Dante may tiwala naman ako sa Mister ko eh alam kong ako at ang Baby namin ang priority niya.

***

Dante's POV

“Pare, cellphone mo ata yong natunog?”  Agaw ni Gavin sa pansin ko busy kasi ako sa pag tatakal ng mga monggo.  “Baka si Misis. Sagutin mo na muna ako na diyan.”

“Okay.”  Kinuha ko mula sa kaha ang cellphone ko unknown number ang nakalagay ibig sabihin hindi si Misis. Mukha ngang importante ang tawag ni hindi napuputol ang pag-ring.

Pinindot ko ang receive call.

“Hello?”

“Batibot.”  Isang pamilyar na boses ang umalingawngaw sa kabilang linya.  “Makinig kang mabuti.”  Bakas sa tinig nito ang lungkot meron bang nangyari?  “Wala na si Chacha pinatay nila si Kuya Chacha mo! Mga h@yop sila!”  Iyak nito.

Para akong namanhid sa balita nawala na si Kuya Chacha? Paano nangyari iyon? At sino ang gumawa? Hindi siya basta-bastang Manunugis lang dahil kasama sila ng Payaso ibig sabihin merong mas malaking tao ang nasa likod nito kailangan mo ng sapat na koneksyon at paghahanda para mapabagsak ang isa sa kanilang tatlo.

“Galit na galit si Remus. Pu*tang-in@! Pinahirapan nila si Chacha! Talagang sinigurado nilang mamimilipit muna siya sa sakit bago nila lagutan ng hininga! P@p@tayin namin sila. Lilinisin ni Payaso ang Konseho ng samahan. Pababagsakin namin ang Supremo kapalit ng buhay ni Chacha ganun ni Caridad.”

Dante Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon