KABANATA 62

239 13 1
                                    

Dante's POV

“Alright!”  Si Roger na pumwesto sa gitna ni Gavin at Rex gagawin na naman nilang tatlo ang paborito nilang human cannonball version daw nila at si Roger ang pambala nila! Hay naku @bnormal na naman mag-isip si Roger pano wala si Mona kaya tinakasan na naman siya ng bait.

“Ewan ko sa inyo! Mauna na ako!”  Isang malakas na suntok ang dumurog sa bakal na pintong nakaharang sa daraanan ko lumikha iyon ng ingay agad na bumaling sa direksyon namin si Supremo ganun din ang mga bantay ng Konseho at si Kuya Remus na halatang nabigla sa pagdating namin.

“B-BUHAY KAYO!”  Hindi naman halatang nagulat si Supremo dahil nanlalaki lang naman ang mga mata niya ng makita kami.  Saka ito nanliliksi ang mga matang tinitigan si Kuya Remus. “TINAR@NTADO MO AKO REMUS! BAKIT BUHAY PA ANG MGA YAN!”. Bulyaw nito

Hindi sumagot siya sumagot.

“PAT@YIN NYO ANG TRAYDOR NA IYAN! WALA KAYONG ITITIRANG BUHAY!!!”

“OOOPPS!”  Sigaw ni Roger ng buong pwersang ihagis siya ng dalawa.  “IT'S NICE TO BE BACK SUPREMOOOO!!!”

Agad namang sinalubong ng isa sa labing-dalawang bantay ng Konseho si Roger na akala mo eh ibon na lumilipad sa ere kung pwede ko nga lang siyang videohan ginawa ko na para ipakita kay Mona tiyak masesermunan siya ng isang iyon.

“AH! TALAGANG SASALUBUNGIN MO AKO HA! PWES!”  Itinutok ni Roger ang hawak na combat knife sa kalaban kasabay ng pagbulusok niya sa ere.

Isang nakabibinging tunog ng nagkiskisang bakal ang umalingawngaw sa apat na sulok ng Konseho. Sinalag ng kalaban ang matalim na sandata ni Roger gamit ang kamay nitong nababalutan ng asero.

“Yan lang ba ang kaya mo, Ace of Clover!”  Panghahamon nito sabay hatak pababa ng hawak na combat knife. Agad na bumitaw si Roger ng kumawala sa ere ang mabangis nitong kamao.

“Oi!”  Natutuwang hiyaw ni Roger sabay lundag paatras.   “Ang bagal mo pala. Bakulaw!”

Nagngitnigit sa galit ang kasagupa niya.  “Anong sabi mo, Clover!?”  Humigpit ang hawak niyo sa combat knife hanggang magkapira-piraso iyon.  

Nagkibit-balikat si Roger.  “Bakulaw. Binginka ba?”

“Bakulaw pala ha! Pwes! IBABAON KITA SA HUKAY!”

Tumawa lang si Roger na panay ang lundag kada tama ng aserong kamao ng kalaban sa sementadong sahig dahilan para masira na ito. Saktong nakalapit na kaming tatlo ng sumugod ang iba pang mga banatay. Higit silang mas lalaki kesa sa aming lima pero kami ang mga Alas at kasama namin ang Payaso nakatitiyak naman ako sa kakayahan namin!

Isang malakas na hagupit mula sa kadenang latigo ang nagpabagsak kay Kuya Remus ng tangkain niyang lapitan ang hawla.

“REMUS!!!”  Sigaw ng buntis na Babae sa loob non.

Agad kong kinuha ang b@ngkay ni Kuya Boggs para ilagay sa ligtas ng lugar mamaya ko na lamang siya aasikasuhin! Nilapitan ko ang Payaso ngunit may biglang lumipad na matalas na bagay sa hatapan ko kaya agad akong napatras!

“Sh*t!”  Bulalas ko.  “Muntik na ako doon ah!

Nilingon ko ang iba abala na din sila sa kani-kanilang katunggali. Lintik kulang kami sa bilang isa laban sa dalawa ang tatlo habang ako at si Kuya Remus tatlo laban sa isa! Talagang hinahamon nila ang pagiging titulado naming mga Alas! Hindi sanay si Roger na lumaban ng walang hawak na sandata kaya mabilis pa sa kidlat na hinagis ko sa direksyon niya ang hawak kong combat knife.  Umikot pa ang loko akala ko hindi niya makukuha! Kahit kailan talaga mahilig magpakaba itong @bnormal na ito!

“SALAMAT, PARE!”  Saka nitong sinalubong ng taga ang nakaambang kamao ng kalaban.

“AAARRRKKK!!!”  Palahaw nito ng maputol ang kanang braso nito.

Dante Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon