KABANATA 18

318 10 0
                                    

Victoria's POV

Abala ako sa pagpili ng pwede kong isuot dahil pupunta daw kami ng Megamall ng bumukas ang pinto ng kwarto at tumambad ang bagong paligong si Dante basa pa ang buhok nito ano pa nga bang inaasahan ko topless siya at tanging nakatapis na tuwalya lamang ang saplot niya sa Katawan nung una naaasiwa ako kaso habang tumatagal parang nainnume na ako sa pagiging ex3bitionist nitong isang 'to.

"Anong tumitingin-tingin mo diyan?"  Siya ko ng mapansin kong sinisipat nito ang hawak kong pamalit.

Ngumisi ito bago humakbang palapit sa akin at binuksan ang cabinet na naglalaman ng damit niya.

"Anong isusuot mo nga pala, Wife? Sa Mall kasi tayo pupunta."  Sumulyap pa ito sa akin habang abala ang kamay niya sa pagtipa ng isusuot.

Napaisip ako baka gusto na naman niyang magkapareho kami ng damit! Sige tignan ko kung uobra ang couple shirt niya sa isusuot ko.

Agad kong kinuha ang naka-hunger kong Dress saka ako humarap sa kanya.   "Ito po, Manong. Bakit don't tell me na nagsusuot ka din ng ganito?"

Muli lang itong ngumisi at umiling. Sa inis ko padabog akong lumabas ng kwarto at dumeretso sa banyo dinobol lock pa ang pinto para safe.

Inayos ko na ang dala kong pamalit napansin kong wala na sa estate ang mga gamit na pambabae baka tinapon na ni Kapre. Hinubad ko ang damit ko at hinagis sa laundry basket saka ako naligo ng tuluyan.

Wow ang sarap sa Katawan ng Dress na suot ko presko at ang cute ng floral design nito. Kinukuskos ko pa ang buhok ko ng buksan ko at pinto ng banyo saka ako marahang naglakad natigilan ako ng makita ko ang suot ni Dante hindi ito Dress pero parehong pareho ng floral design ng suot kong bestida.

"Are you done, Wife? Parating na kasi ang grab na kinontak ko hindi tayo magmo-motor baka kasi mapasarap ang shopping natin diba yun yung libangan ng mga Anak mayaman na gaya mo."

Minadali ko na lang ang pagkuskos ng buhok ko saka ako pumasok sa loob ng kwarto para kumuha ng maliit na sling bag na babagay sa suot ko kahit wala naman akong ilalagay kundi panyo. Paglabas ko ng kwarto nakatayo na sa pintuan si Dante at sumenyas na aalis na kami kaya nagmamadali kong kinuha ang sandals upang isuot habang tsinelas lang ang sinuot ng kasama ko. Nauna akong lumabas inantay ko na lamang ito sa harap ng elevator. Sabay kaming sumakay ng elevator at sabay din kaming lumabas. Naroon na sa labas ng Condominiums ang grab na Sasakyan namin papuntang Megamall.

***

Tahimik lang ako habang nasa biyahe kami ni Dante sakay ng grab kahit dito ako sa Pilipinas lumaki at nagka-isip bago para sa akin ang Mundong nakikita ko ngayon ni minsan hindi ko nagawang lumabas ng Bahay dahil bawal dati akala ko hanggang bintana na lamang ako pero heto ako ngayon at nakaupo sa pampublikong Sasakyan mas masarap pa lang mamuhay bilang simpleng tao lamang pwede kong gawin lahat ng nais ko.

Nilingon ko si Dante seryoso itong nagbabasa ng mensahe sa cellphone niya nagulat ako ng bigla ako nitong lingunin hindi ko na nagawa pang bumawi ng tingin.

"Bakit?"  Nakangiting tanong nito.

"Bakit ang bait mo sa akin?" Sinadya kong hinaan ang boses ko para hindi kami marinig ng Driver.

Huminto ito sa ginagawang pagbasa sa cellphone saka iyon tinago sa loob ng itim nitong belt bag na nakasabit ng pahalang sa dibdib nito. Bagay sa kanya kahit anong isuot niya gaya ngayon na pareho kaming naka-floral outfits naka walking short lamang na umabot ng tuhod nito ang haba at tsinelas pero ang lakas ng dating niya siguro dahil sa likas siyang matangkad.

"You're my Wife. Kailangan ba talaga may reason ako kung bakit kita inaalagaan? Okay. I made a promise before he passed."

Na-gets ko ang sinabi nito kaya natahimik ako habang nakatingin sa labas ng bintana. Nakapangako siya kay Papa bago niya pinatay. Tumulo ang mga luha ko lalo at sariwa pa sa alaala ko ang lahat. Naramdaman ko ang malaking kamay ni Dante sa balikat ko kasunod non ang pagkabig nito sa akin saka ako isinandal sa dibdib nito.

Dante Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon