KABANATA 87

232 12 1
                                    

Roanne's POV

Sa veranda na ako gumawa ng mga assignment at project ko hindi na rin ako humingi ng tulong sa iba tutal kaya ko naman eh saka para walang magtatanong sa akin kung bakit ang bagal kong gumawa sinasadya ko talaga kasi inaantay ko din ang pagdating nila Papa gusto kong maka sigurado kung talagang hindi pupunta si Tito Gavin sa Family dinner nila Penelope.

Agad akong nag-angat ng tingin ko ng marinig ko na ang ugong ng sasakyan sa wakas dumating na sila magkahalong tuwa at kaba ang naramdaman ko dahil baka umasa lang ako sa wala e ano nga naman ang panama ko sa Penelope na gon eh napakaperpekto na niya kung tutuusin kaya bakit ba siya pakakawalan ni Gavin— King kong talaga siya kung sumama siya sa bruha na iyon!

Sinilip ko ang gate bumaba si Papa mula sa likod ng truck kumaway muna siya sa akin bago niya bukasan ang gare para maipasok ang L300 truck van. Kumaway din ako bilang sagot.

“Andito na pala ang Papa mo.”  Masayang turan ni Mama na humakbang pabas at tumayo sa dulo ng hagdan ng veranda para salubungin si Papa paniguradong may dala na naman siyang pasalubong para sa amin ni Mama.

Kinabahan na ako dahil baka si Tito Roger ang nag-drive ng truck kaso naglaho iyon ng bumaba siya mula sa passengers seat biglang kumabog ng malakas ang puso ko ng bumukas ang pinto ng driver's seat nagkatitigan kaming dalawa sabay ngiti ni Tito Gavin saka niya kinuha ang bag at sinukbit sa balikat.

Nag-init ang mukha ko sa kilig talagang hindi siya sumama kay Penelope ibig bang sabihin nito kami na kaso secret lang o baka naman ako lang yung nag-iisip kasi advance ako mag-isip pagdating sa kanya?

“Vin, nagluto ako ng Nilagang baka pahahatiran kita kay Roanne ha.” turan ni Mama kaya huminto sa paghakbang si Tito Gavin at muli akong tinapunan ng tingin.

“Sige. Salamat.”  At dumeretso na siya sa loob ng malungkot niyang Kubo.

Nagpaalam na din si Tito Roger na gaya ni Papa ay may bitbit din na pasalubong para kay Monina at Tita Mona.

“Hindi ba ako yayakapin ng Prinsesa ko?”. Nakangusong sambit ni Papa kaya tumayo ako mulas pagkakasampak ko sa sahig ng veranda at humakbang palapit sa kanya sabay yakap ng mahigpit.  “Awww ang sarap naman na yakap yan may pasalubong ako sayo Anak.”

Kung dati nae-excite akong buksan agad ang mga dala ni Papa ngayon iba na kasi masnae-excite akong puntahan si Gavin— este Tito Gavin sa Kubo niya para asikasuhin sana siya alam ko naman kasing pagod siya sa maghapong pagtitinda sa palengke eh gusto ko lang naman siyang tulungan kahit ang totoo gusto ko talagang magpapansin sa kanya. Masaya ako kasi tinupad niya yung sinabi niyang hindi siya sasama kay Penelope na Bruha!

“Hay naku Dante talagang baby mo pa din ang dalagita natin ha baka naman puro matatamis na naman yan alalahanin mo malapit ng mag-eighteen yang si Roanne kaya dapat pumayat ang Anak ko para masuot niya yung gusto niyang dress sa Mall.”  Sita ni Mama kay Papa.

Napakamot sa batok si Papa.  “Eh kasi naman only child ko lang ang Prinsesa ko kaya gusto ko lagi siyang busog gaya ngayon, papisil nga sa pisngi baby koooo…”  Ang tamis ng ngiti ni Papa sabay haba ng nguso ang kaso medyo dumiin ang pisil niya sa mgkabilang pisngi ko kaya napangiwi ako na agad napansin ni Mama.

“Aray ko naman Misis ko.”  Reklamo ni Papa ng paluin ni Mama ang kamay niya na nakahawak sa pisngi ko.

Pinandilatan siya ni Mama ng mga mata kaya si Papa naging maamong tupa.  “Oi Dante hindi marshmallow ang pisngi ng Anak ko ha king makapisil ka kasi wakas nakita mo na ngang pumangitnna ang itsura ng Anak mo kontodo pisil ka pa diyan eh kung ikaw kayang pisilin ko!”

“Sorry naman Misis ko namiss ko kasi agad si Roanne ko eh masama ba yon.”  Katwiran ni Papa talagang tiklop si Papa kapag si Mama na ang nagsalita gaya din nila Tito Roger, Tito Rex, Tito Marcus at Tito Remus na bigla na lang umuurong ang tapang kapag pumitik na ang isang kilay ng mga Asawa nila.

Dante Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon