KABANATA 39

421 14 11
                                    

Victoria's POV

Sige ang tawa ng apat hanggang makasakay sila sa L300 truck van namin inalok pa ako ni Gavin ng bananaque kaya kumuha ako ng isang stick. Umandar na kami kasunod naman naming ang truck na naglalaman ng mga binili nilang materyales para makagawa na ng Kubo.

Sige ang subo ko ng bananaque ng mapansin ko si Dante na hindi kumukurap sa pagkakatitig sa akin habang nakain. Bahagya akong tumalikod. Narinig ko soyang nagmura ng mahina ng muli ko siyang tignan ay nakasandal na ito sa gilid ng pinto ng truck van at nakapikit.

“Wag mong pansinin yan inggit lang iyan sa saging kaya sana all na lang diba.” Pabirong turan ni Gavin sabay tawa.

“Naku baka sampalin ka din niyang si Misis sabi ko sayo tatlong oras ang byahe mo para makabili ng yelo alalahanin mong wala pa tayong fridge.”  Atungal ni Roger medyo nawala na ang pamamaga ng pisngi nito tingin ko bumalik na nga sa dati itsura niya.

“Whew ikaw lang ‘yon! Paano ba yan sabi ni Dante magsasaka tayo dito sa bagong tahanan natin at syempre ibebenta natin yun lahat sa Palengke tiyak magkikita kayo ni Miss Sampaloc.”  Hagikhik pa ni Gavin na sinabayan ng tawa ni Rex habang nagmamaneho.

“Tumahimik na nga kayo nakita niyong may natutulog oh kapag nagising ‘yan tiyak may kaltok tayo.”

Bandang tanghali na ng makabalik kami. Agad akong inalalayan ni Dante papasok ng Kubo wag na muna daw akong lumabas dahil may ibang lalaki raw sa paligid hindi na ako nakipagtalo sa kanya kesa magmukmok ako e nagluto na lamang ako para sa pananghalian naming lahat habang abalang-abala sila sa pagbababa ng mga materyales. Dah wala kaming ref e wala kaming karne man lang na stock pero marami kaming mga gulay na nakatanim sa bakuran namin tingin ko tanim yon ng dating may-ari ng lugar na ito king masipag kamlang ar hindi maluho tiyak hindi ka magugutom sa ganitong lugar. Nagsalang muna ako ng sinaing bago ako lumabas para mamitas ng mga gulay na lulutuin ko.

Paglabas ko abala na sila Dante sa pagtatayo ng mga haligi ng gagawin nilang Kubo bukod pa dun ay puro sila topless! Lahat sila walang panapon pero kay Dante lang napako ang mga mata ko kada galaw niya ng mga braso niya talaga nga namang kumikislot ang mga muscles niya! Napahawak ako sa dibdib ko bakit ako biglang kinabahan?

“Misis ko!”  Tawag nito na lalong nagpadagdag ng kaba ko!

Binitawan nito ang hawak na lagare saka humakbang palapit sa akin gusto kong pumikit o kaya.mag-iwas ng tingin kaso hindi nakikisama ang mga mata ko eh parang enjoy na enjoy pa itong nakatitig sa pinagpalang katawan ng Asawa ko!

“Anong gagawin mo? Saan ka pupunta?”  Tanong niya ng malapit na siya sa akin.

Ipinikit ko ang mga mata ko sabay iling para mawala sa isipan ko ang pawisang abs ni Dante saka ako tumingala para salubungin ang tingin nito.

“Ummm.”  Tumikhim ako. Bakit parang kaka-iba siya ngayon? Parang ang gwapo niya ngayon o baka dahil sa gutom lang ako kaya ganun?   “Ano kasi— k-kasi maluluto ako ng pananghalian natin eh ubos na pala yung hotdog at itlog kanina kaya pipitas sana ako ng gulay. Oo tama! Maggugulay ako! Yun na nga!”

Ngumisi si Dante. Hala! Para tuloy akong naiihi! Ano ba ‘to! Kesa dito pa ako magkalat e minabuti ko ng maglakad papunta sa natatanaw kong taniman ng mga gulay. Nakahinga ako ng maluwag dahil alam mong naiwan ko na siya dun sa gilid ng Kubo namin saka ako nagpakawala ng buntong-hininga.

“May problema ka ba Misis ko?”

Napatalon ako sa gulat!  “D-Dante?”

“Ako nga. Bakit may inaasahan ka pa bang bubuntot sayo Misis ko? Sabihin mo lang para mailibing ko agad siya ng buhay.”

Dante Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon